Chapter 13

88 8 0
                                    

Chapter 13

ARIES

Day by day, I just keep falling for her.

Wearing that long blue dress, white sandals and sling bag. She already looks so perfect to me. Nakabraid sa dalawa ang buhok niya at nagiwan ng ilang hibla ng side bangs niya sa mukha nito. I know she wore some light make up too. And from were I was standing, I can already smell her lavender scent.

"I'm ready!" she smilingly said. Lumabas nanaman ang dalawa niyang dimple kaya parang ang sarap niyang kurotin ngayon.

"Ang ganda mo."

Umiwas siya agad ng tingin sa akin at pinigilan na ngumiti. Palagi niyang ginagawa 'yan kapag sinasabihan ko siya ng ganu'n.

"Let's go, baka hinihintay na nila tayo." aya ko.

Kinuha ko ang bag niya at isinabit ito sa kaliwang balikat ko habang hawak ko naman sa kamay ang sa akin. Maglalakad na sana ako pero hindi siya umaalis sa pwesto niya kaya gamit ang kanang kamay ko ay hinawakan ko siya para makasabay sa akin.

"Ang lamig ng kamay mo. Okay ka lang?" I asked her.

"Uh medyo nilalamig lang ako." mahinang sabi niya.

Nilalamig? Parang first time ko atang narinig sa kanya 'yan. She would usually say that she always prefer cold seasons than summer seasons. At saka hindi naman ganu'n kalamig ngayon.

Mahigpit kong hinawakan ang kamay niya at pinisil pisil ito. Hinayaan naman niya ako kaya patuloy kong ginawa iyon hanggang sa maramdaman ko na ang init sa palad niya.

"Did you bring your cardigan?"

She nodded at me. "Yes, the one you gave me. I always wore that."

Napatingin ako sa kanya pero nakatingin lang siya sa daan habang nakangiti. Mukhang okay naman siya at walang masakit sa kanya. Mukha ring good mood siya ngayon. Hindi naman siya maputla at mukhang pagod.

Okay calm down, Aries. Okay lang siya at kung hindi man siya okay alam ko na ang gagawin. Pagpapahingain ko agad siya at aalagaan.

I sighed. "Okay then, wear that later."

Simula noong nahimatay siya ay hindi na nawala ang kaba sa dibdib ko. Palagi kong tinitignan kung okay siya at palagi ko ring tinatanong kung masama pakiramdam niya. Minsan kahit paulit ulit na basta masigurado ko lang na okay siya.

Okay na rin ako.

Nilakad lang namin hanggang sa tapat ng bus stop kung saan kami dadaanan ng sasakyan nila Dale. Magpapahatid lang kami hanggang airport para hindi na kami gagastos ng pamasahe. Ang sabi niya ay sagot raw ng Dad niya ang pamasahe namin sa flight kaya naman hindi kami mapapagastos ng malaki. But just in case, I still brought some money with me.

Nang makarating ang sasakyan ay umupo na lang kaming dalawa ni Sab sa bandang likuran. Hinayaan ko na siyanb umupo sa tabi ng bintana dahil mas gusto niya doon.

"Okay! Si Aeli na lang ang kulang!" Ziya said who was just sitting infront of us. Liam was just beside her who just smiled at me.

Do they know each other? Bakit na kay Ziya ang beanie nitong isa? Something's fishy huh.

Lumingon sa amin si Dale na nakaupo ngayon sa passenger seat. "Saan ba natin siya dadaanan?"

"Sa may central park." Sabrina said while I was helping her to wear her cardigan.

She mouted 'thank you' at me bago siya sumandal sa kinauupuan niya at tumingin sa labas.

After heading to central park and fetched Aeli there, dumiretso na kami sa airport kung saan naghihintay ang mga kapatid ni Dale. I guess it would a great outing for us since marami kaming pupunta ngayon sa Palawan. Dale's family is easy to bond with, sobrang welcoming rin nila sa ibang tao.

Shining Stars In The NightWhere stories live. Discover now