Chapter 25
ARIES
I couldn't move, hindi ko manlang siya malapitan at hindi ko manlang siya matulungan.
I'm just here lying on the ground while looking at her lying on the other side. She looks so weak and it hurts me to see her in that state. Gusto ko siyang hawakan, gusto ko siyang yakapin.
Pero mukhang iba nga talaga ang plinano para sa aming dalawa.
The next thing I knew I was rushed into the hospital with Sabrina. Nanghihina ako pero medyo aware pa rin ako sa paligid ko. Inilagay nila ako sa isang strecher at ganu'n rin kay Sabrina. Pero wala na siyang malay, kaya kitang kita ko ang estado ng katawan niya mula rito.
Tears fell into my eyes when they moved her strecher into a different hallway, ganu'n rin sa akin.
Habang gumagalaw ang strecher ay napatitig na lang ako sa mga ilaw na dinadaanan namin sa hallway. Habang tumatagal ay nahihilo na ako rito hanggang sa hinayaan ko na lang ang sarili kong pumikit dahil sa sobrang pagod.
I woke up because of the summer breeze brushing through my skin. Napagtantuan kong nasa isang beach ako pero walang tao sa paligid ko. It was almost sunsent at dinig na dinig ko ang hampas ng alon ng tubig.
"You're awake."
Napatingin ako sa gilid ko at nakita ko si Sabrina na nakangiti sa akin. May suot suot siyang blue dress at naka-braid ang buhok niya sa dalawa. Hindi rin siya pale tignan ngayon. Something was different from her, but I couldn't tell.
Ginulo niya ang buhok ko at ngumiti sa akin. "Para kang batang kakagising lang." she chuckled.
Parang galing nga ako sa mahabang tulog pero pakiramdam ko ay pagod pa rin ako hanggang ngayon. Hindi ko rin alam kung paano ba ako napunta rito kung tulog rin naman ako.
Hinawakan niya ako sa kamay ko at hinatak ako patayo. "Come on! Let's enjoy this scenery!" nakangiting sabi niya.
Wala naman akong nagawa kung hindi ang tumayo at sundan siya sa paglalakad dahil hawak hawak niya pa rin ang kamay ko.
Hindi ako makapagsalita at pakiramdam ko ay wala pa rin ako sa sarili ko. Parang totoo lahat ng nangyayari ngayon pero bakit parang may mali? Hindi ako pamilyar sa lugar na kinalalagyan namin ngayon kaya kahit payapa tignan ang paligid ay hindi ako mapanatag.
Something's really wrong.
Huminto ako sa paglalakad kaya takang lumingon sa akin si Sabrina.
"Why? May problema ba? You're not enjoying in here?" tanong niya sa akin.
Hindi ako umimik at lumapit sa kanya. I hugged her so tight and buried my face on her neck. She always smells like lavender. She also felt so warm and cozy, I feel so safe.
"Let's go home, love." pagod na sabi ko.
She didn't answer me instead she hugged me too. Mas hinayaan ko tuloy ang sarili kong maging komportable sa mga bisig niya. Ang kaninang nangangambang sistema ko ay naging kalmado katulad ng paghampas ng alon ngayong bumababa na ang araw.
I can feel her heartbeat from her embrace.
"I can't, Aries." she whispered.
Kumalas ako sa pagkakayakap at nag-aalalang tumingin sa kanya. "What do you mean? Ayaw mo pa bang umuwi?" I asked.
YOU ARE READING
Shining Stars In The Night
Short StoryShe doesn't like him, she was annoyed by him, she doesn't want to be around him. But that doesn't stop Aries to follow her, that doesn't stop him to end his feelings for her. He's the only person that could understand her, he's the only person who c...