Chapter 11

98 8 0
                                    

Chapter 11

ARIES

"And'yan ka na? Wait palabas na kami."

Kami? Tama ba ang rinig ko? Um-oo na lang ako sa kanya bago pinatay ang tawag at naghintay sa waiting shed sa harap ng gate ng school nila. Nilagay ko muna ang phone ko sa bulsa ng pants ko at inayos ang pagkakasabit ng sling bag sa balikat ko.

Napahawak na lang ako sa baba nang paulit ulit na umeecho sa utak ko ang sinabi ni Sabrina. Bago 'yun sa pandinig ko ah. Kadalasan kasing sinabi niya ay palabas na siya dahil madalas naman siyang magisang lumalabas ng campus nila. Pero mukhang may kasama ata siya ngayon?

Napailing iling na lamang ako at nilinga linga siya sa mga students na lumalabas ng gate.

Hindi nagtagal ay nakita ko na rin agad siya or sabihin ko ng sila.

She approached me and fake coughed. "Uhm I want you to meet. . my uhm. ." napahawak siya sa batok niya. She always do that when she's shy.

"Hello! I'm Ziya!"

Napahawak ako sa dibdib ko dahil sa gulat nang biglang lumitaw sa likod niya ang isang babaeng naka-headband na yellow. Ang liit ng mukha niya kaya nagmukha siyang manika. I gues she's not a pure Filipino, iba kasi ang kulay ng mata niya at masyadong bilugan.

Babatiin ko pa lamang siya nang bigla naman akong kamayan ng isa pang babae na nasa tabi ko na pala.

"I'm Aeli. Friends kami ni Rina." bati sa akin nu'ng babaeng may kulot na buhok. May pagkamataray ang itsura niya pero pakiramdam ko madaldal. Medyo boyish rin ang dating niya.

I blinked twice before smiling at them. "Uyy hello! I'm Aries, manliligaw ni Sabrina." kaysa namang sabihin kong kaibigan ako 'di ba?

"Kilala ka namin." nakangising sabi ni Aeli habang nakapamulsa sa cargo pants niya. Tango naman ng tango si Ziya sa tabi ni Sab.

Agad akong nagtaka sa sinabi niya. "Huh? Nabanggit na ba niya ako sa inyo?" I said and took a glance on Sabrina but she's just looking away.

Ziya laughed. "You're kinda famous kaya! Madami ngang nagkakacrush sa'yo e!"

Namilog ang mga mata ko sa narinig. "Hindi nga? Seryoso ba?"

Hindi ko naman hiniling noon na maging sikat sa campus na papasukan ko. Pero hindi ko man aminin ay sikat rin naman ako noong highschool dahil kasama ako sa basketball team ng school. Pero ngayon ay hindi ko maisip kung paano ako nakilala sa ibang department.

"Oo, kahit nga si Sabrina kilala nila e. Napanood kasi nila 'yung gawa mong film." sabi ni Aeli at inakbayan si Sab na ikinabigla nito. Hindi pa rin siya maka-imik at umiiwas ng tingin sa akin.

"We really like your film talaga! Nakaka-inlove!" Ziya said while intertwining her both hands. Parang kumikinang pa nga ang mga mata niya.

Napakamot na lang ako sa batok dahil sa hiya. "I didn't know na ilalabas ang video na 'yon sa buong campus."

Pagka-submit kasi nun ay hindi naman nabanggit sa amin na ipopost siya para mapanood ng buong campus. Nakakahiya tuloy na napanood nila 'yung paglalambing ko do'n. Pakiramdam ko tuloy ay naexpose ako!

"Ship nga namin kayo." Aeli said. "Kaya sana sagutin ka na ni Rina." pangaasar nito kaya kita ko ang mas lalong pagiwas ng tingin ni Sabrina.

"Sana nga."

It's been 6 months since I decided to court her. Sa bawat buwan na 'yon ay hindi nagbago ang pagtrato ko sa kanya. I wanna be consistent until she say yes to me. Kahit nga siguro na maging kami ay liligawan ko pa rin siya. I just wanna show her how important she is to me, that I don't wanna lose her. And I know that all these efforts will all be worth it.

Shining Stars In The NightWhere stories live. Discover now