Chapter 03

173 16 7
                                    

Chapter 03

ARIES

I have her and she always have me.

Sabrina never say that I was a friend to her. Hindi ko rin tinatanong pa sa kanya dahil ang mahalaga lang sa akin ay ang makausap siya at makasama palagi.

Sa ilang years na pagsunod sunod ko sa kanya ay nagbunga dahil kinakausap niya na ako. Akala ko noon hindi ko magagawa pero maswerte nga talaga siguro ako kahit siraulo.

Sabay kaming nakagraduate ng high school. She wanted to take  Law in college and so I wanted to take Film. Ever since then hindi ko naman talaga iniisip kung ano bang gusto kong takahin sa kolehiyo, but Sabrina made me realized that I should prepare for my future, na dapat ay piplano ko ang dapat kong gawin sa hinaharap. Dahil sa kanya nalaman ko na ang hobby ko sa pagkuha ng mga litrato at videos ay p'wede ko pa lang tahakin sa hinaharap.

She always influenced me in many good ways.

Katulad na lang ng maagang pagtulog sa gabi at hindi pagpupuyat. Hindi na rin ako nagbababad sa video games instead I watch documentaries sa Youtube. Hindi na rin ako late umuwi kapag kasama ang barkada. At naging mas malinis ako sa katawan.

Lahat ng pagbabago ko ay dahil sa kanya. Para bang tumatak sa isip ko na hindi ko dapat gawin ang mga bagay na sa tingin ko ay hindi niya magugustuhan.

She influenced me to turn into a better version.

Kahit na hindi niya 'yon napapansin sa akin.

I wanted to go to a same university with her but sadly I didn't passed the entrance exam kaya naman magkahiwalay na kami ng pinapasukan ngayon. Hindi man aminin sa akin ni Sabrina pero alam kong malungkot siya dahil binisita niya pa ako sa bahay kung tanungin na okay lang ba ako.

Sa totoo lang kinilig ako no'n pero hindi ko pinahalata.

"You keep following me since elementary, are you really okay with this?" Iyon ang sabi niya sa akin.

Bumuntong hininga ako. "Wala naman akong magagawa and besides makikita pa rin naman kita kahit different schools tayo." nakangising sabi ko kaya inirapan niya ako.

"As expected, you'd say that." sabi nito at tinalikuran ako.

I was just giggling until she went back to their house na literally sa mismong tapat lang ng bahay namin. Kahit anong oras ay p'wede akong bumisita sa kanila kaya bakit ako mangangamba na hindi siya makikita 'di ba?

I was wrong. .

Ilang weeks ko na siyang hindi nakikita simula nu'ng magsimula ang first semester. Sa tuwing pupunta ako doon ang sinasabi ng yaya niya ay hindi pa umuuwi si Sabrina dahil may groupings sila. Minsan naman ay may readings siyang dapat tapusin kaya naman hindi ko siya maistorbo sa kwarto niya. Sinubukan ko namang i-message siya pero alam kong naka do not disturb siya kaya hindi niya makikita ang chat ko.

Pakiramdam ko tuloy ay ilang linggo akong hindi nakainom ng energy drink dahil hindi ko manlang siya makausap.

Paano niya kayang nagagawang hindi ako kausapin ng ganu'n ganu'n lang?? Like hindi ba siya naaawa sa akin? Nakakaiyak naman. Para tuloy akong batang inagawan ng lollipop dahil gusto kong mag tantrums.

Pero kahit ganu'n ay walang palya ang pagpapadala ko sa bahay nila ng paborito niyang blackberry cheesecake na binihili ko pa sa bayan. May suki na nga ako doon sa bakery na binibilhan ko kaya naka discount pa ako ng cheesecake. Maliit lang naman 'yon kaya alam kong mauubos niya. Sana nga lang ay kinakain niya ang pinapadala ko, baka kasi 'yung readings niya na lang kaharap niya e.

Minsan talaga hindi ko maiwasang magaalala sa kanya. Parang kasing sobra sobra na 'yung pag aaral niya. Matalino naman siyang tao at alam kong gifted siya. But I guess she doesn't know the word 'Rest', she doesn't have that in her vocabulary. Kaya dapat ay may nagpapaalala sa kanya.

She can be too hard on herself, that's why I'm always worried about her.

"May naisip ka nang concept sa project mo?" Dale asked me, he's one of my blockmate, siya rin palagi kong kasama dito sa University.

"Yes! That's easy." kampanteng sabi ko.

"Naks, iba ka talaga. So may nahanap ka nang gaganap?"

I was caught off guard because of that. Matagal ko nang inisip ang concept ko sa peoject na 'to at ang tanging naiisip kong taong gaganap dito ay si Sabrina. Siya naman talaga ang una kong naisip. Pero sa ngayon hindi ko alam kung paano ko siya kakausapin na hindi niya idadahilan sa akin ang readings niya. Nakausap ko naman na siya kahapon pero sobrang saglit lang din dahil habang kinakausap niya ako ay nakatingin siya sa libro niya. Hindi ko alam kung paano ko 'to isisngit sa schedule niya.

"Meron na, sana lang. . pumayag."

I've been composing myself since yesterday at hindi ko pa rin siya magawang lapitan hanggang ngayon! Ang deadline ng project ko na 'to ay next month pa naman pero kailangan kong gumugol ng maraming oras para gawin 'to dahil ako rin mismo ang mageedit ng buong film. Gagawin kong maigsi pero detalyado ang bawat scenes. Gagamitin ko rin 'yung handycam ko rito para magmukhang galing lang siya sa isang tipikal na araw na vinideohan ko siya. Gusto kong maging parte siya nito.

Pumunta muna ako ng bayan para bumili ng blackberry cheesecake para naman papasukin ako sa bahay nila.

"Si Riri po?" I asked her yaya.

"Nasa study room niya po. ." sagot nito.

I thanked her and headed to Sabrina's study room. Sa harapan ng pinto niya ay may nakalagay na 'I'm studying, don't enter.' pero s'yempre hindi ko 'yan papansin. In-on ko na ang handycam ko at hinarap muna sa akin ang camera para makapagsalita ako.

"It was wednesday today, andito ako sa tapat ng study room ni Riri and I wanted to ask her for something." hinarap ko naman ang camera sa signboard sa harap ng pinto niya. "But look, she doesn't want me to enter." I said and chuckled.

"Sayang gusto ko pa namang ibigay 'tong favorite niyang blackberry cheesecake. She's been studying hard since the semester started, I want her to take a rest muna and eat this." dagdag ko pa.

"Let's try entering her room, shall we?"

Unti unti kong binuksan ang pinto ng kwarto niya habang hawak hawak pa rin ang handycam ko. Nakatutok siya sa computer niya habang nagkalat ang mga papel sa desk niya. Mukhang hindi niya napansin ang pagpasok ko kaya naman kinuhanan ko lang siya ng video.

"Kanina pa siya siguro nakatutok sa computer niya." I whispered.

Dahan dahan akong naglakad papunta sa kanya at sa pagkakataong ito ay naramdaman na niya ako kaya lumingon siya sa akin.

"Hey, what are you doing here?" she asked me frowning. Nakasuot siya ng specs dahil tutok siya sa screen ng gadget niya.

"I want to give you this cheesecake!" sabi ko at inabot sa kanya ang dala ko. Nawala ang pagkunot ng noo niya at kinuha sa akin ang pagkain.

"For what? And are you filming me?" she asked again.

Napangiti ako ng mapansing suot niya ang kwintas na regalo ko sa kanya noong birthday niya. I bet she never wears it off.

"Yes, can I?" tinaasan niya ako ng kilay. "Don't worry, this is for my project. So can I film you while doing you daily activities?" I asked her hoping she'd say yes to me.

"Are you sure? You want to film me doing my schoolworks everyday? That would be too boring, humanap ka na lang ng iba." sabi nito at tinaas ang salamin na suot niya bago humarap ulit sa computer niya.

"But I wanted it to be you." napatigil siya sa ginagawa at tumingin sa akin. "Ikaw lang naman ang gusto kong videohan."

"But why me? Why does it have to be me?"

Nakatutok pa rin sa kanya ang handycam ko pero unti unti kong binaba ito.

"Kasi ikaw 'yan, gusto kong panoorin ka sa lahat ng bagay."

Shining Stars In The NightWhere stories live. Discover now