Chapter 22

101 5 1
                                    

Chapter 22

SABRINA

Ang sabi nila mahahanap mo 'yung tamang tao kapag pinahalagahan mo na kung sino ka at kapag minahal mo ang sarili mo. Pero mukhang noong dumating ang tamang tao para sa akin doon ko rin natutunan na mahalin rin ang sarili ko. Doon ko rin natutunan na pahalagahan kung sino talaga ako.

Aries tought me how to love myself. He tought me how to be brave enough to face my fears and tought me to speak for myself. He tought me to explore this world and see their beauties. He tought so many things about me.

Kaya bumabawi ako. This time, I'll let him know how important he is for me. I'll let him know that he's my treasure.

"Pauwi na ba siya, Sabrina?" Tita Ariana asked me.

"Opo, he's almost here." sagot ko. Inabot sa akin ni Mom ang cake at nilagyan narin iyon ng kandila.

It was Aries' 20th birthday, so I prepared a surprise birthday celebration for him. Sa lahat kasi ng mga naging birthdays namin, siya palagi ang gumagawa ng effort; kahit noong mga bata pa kami. He would always prepare a gift for me o sosorpresahin ako kapag sasapit na ang birthday ko.

At ngayon, gusto ko namang iparanas sa kanya 'yon. Para maramdaman niya rin 'yung saya na nararamdaman ko sa tuwing gumagawa siya ng mga bagay na makakapagpangiti sa akin.

Hindi ko man masabi palagi sa kanya. Masaya ako dahil sa kanya.

"Ready na po kayo!" sabi ko kaya humilera silang lahat sa likod ko.

My parents were also here along with Tita Ariana. Eli and Ziya was also around. Pati sina Liam at Dale ay sinama ko na rin. Kasama rin namin ang ilang maids para matulungan kami sa pagprepare ng mga food. At s'yempre dahil malapit rin sila sa amin.

Hawak na ni Tita Ariana ang banner na ginawa ko at pum'westo naman ako sa gitna.

"Turn off the lights po!" sambit ko at pinatay naman nila agad ang ilaw.

Narinig ko na ang tunog ng motor niya mula sa labas kaya bumilis nanaman ang tibok ng puso ko. I just wished he will like my surprise for him. I really prepared for this kasi deserve rin naman niya na maranasan 'yung ganito.

Narinig ko ang pagkaluskos ng susi niya mula sa doorknob at unti unting binuksan ang front door.

"Ma? Bakit ang dilim?" pinigilan kong hindi matawa dahil sa reaksyon niya. "Hala Ma, huwag kang manakot!"

Kinagat ko ang labi ko para hindi makagawa ng anumang ingay at pinanatiling kalmado ang sarili. Narinig ko rin ang mahinang paghagikgik nila Dale sa likod.

"Nasaan ba kasi 'yung switch..." mahinang sabi niya.

"Ma kung ano mang pinplano mo, tigil niyo 'yan ha." sabi pa nito at dinig ko mula rito ang paghampas niya sa pader dahil mukhang hinahanap niya ang switch ng ilaw.

Madilim na rin kasi sa labas kaya sobrang dilim rito sa loob ng bahay nila. Hindi niya talaga kami agad makikita. Unti unti kong nilabas ang lighter sa bulsa ko at sinindihan ang mga kandila. Saktong nakatapat pala ako sa kanya kaya kita ko ang likod niya mula rito.

"Sino 'yan? Bakit amoy kandila? Huwag naman kayong manakot oh." kinakabahang sabi niya habang nakatalikod pa rin. Nahanap niya ang switch ng ilaw at sa pagbukas nito ay mabilis siyang humarap sa amin.

Shining Stars In The NightWhere stories live. Discover now