Chapter 08
ARIES
Something I like about her is that she's special in every ways.
"Huwag ka nang kabahan, alam ko namang mananalo ka sa debate niyo mamaya." I said trying to cheer her up.
Kahit na palagi siyang nilalaban sa debates simula noong high school ay hindi niya pa rin maiwasan na kabahan sa tuwing araw na ng laban niya. She joined the debate club at ngayon ang araw ng laban niya. Kapag nanalo siya ngayong araw ay ilalaban siya sa ibang school or even internationally.
That's why I'm rooting for her.
"Do you think I'll make it?" she asked me.
"Oo naman, wait." Kinuha ko ang bag ko at kinuha doon ang maliit na plushie ng teddy bear. "Hold this habang nagsasalita. Palagi kong hinahawakan 'yan sa tuwing may presentation kami kasi iniisip ko na ikaw 'yan." nakangiting sabi ko at inabot sa kanya 'yon.
Kinuha naman niya at pinagmasdan ang kulay puting teddy bear na 'yon. "Papanoorin mo ba ako?" tanong niya.
Nagulat pa ako sa tanong niya dahil kahit minsan ay hindi niya naman ako tinanong noon kung manonood ba ako sa laban niya. Palagi niya akong pinangungunahan na ayaw niyang makikita akong nakaupo kasama ang audience kasi hindi siya makakapagfocus.
Pakiramdam ko tuloy ay ang laki ng pinagbago ng trato niya sa akin.
Is it a good sign for me?
"Oo naman, manonood ako."
Pinapasok ko na siya sa loob ng auditorium at dinukot ko naman ang phone ko sa bulsa ng pants ko. May klase ako ng oras ng laban niya, pero sinabi ko sa kanyang manonood ako. Magagalit 'yon kapag nalamang mag diditch ako ng class para mapanood siya.
"Pasaway ka talaga, Villanueva!" sigaw sa akin ni Dale mula sa tawag.
"Basta, ikaw na bahala sa akin ha?" tumatawang sabi ko.
"Ilibre mo ako." sabi nito na alam ko namang sasabihin niya.
"Oo na, mamaya na lang malapit na magstart."
I hanged up the call and entered the auditorium. Ang dami ng teachers at students sa loob. Karamihan sa mga students dito ay from Legal Management course. Ako lang ata ang naligaw na taga Film course dito. Umupo ako sa bandang gitna at mapapansin ko ang pagtingin sa akin ng ibang tao rito.
"Ditching from class huh?"
Napatingin ako sa lalaking nasa gilid ko at tinaasan siya ng kilay.
"Pake mo." bulong ko sa kanya at inirapan niya lang ako. Required ba na kapag Law student ay mahilig mangirap? Ang pro nila manaray ah.
"Never thought that Sabrina had a boyfriend." sabi pa nito.
Napangisi ako ng sabihin niya 'yon. "How'd you know I'm here for her?" I asked.
"I saw you guys outside." mabilis na sagot niya
"Who are you then?"
"Luan, classmate niya." he said in monotone.
Bakit ang cold nila? Kung titignan mo 'tong mga kasama ko sa auditorium ay parang nasa loob na sila ng isang justice court kung saan may papatawan na silang guilty. Sobrang serious ng vibes nila parang hindi ako makahinga.
"The competition will start in five minutes, please stand by." the emcee said.
Nakaramdam ako ng lamig mula dito sa kinauupuan ko. First time kong manonood ngayon ng laban niya dahil noon ay ayaw niyang pinapanood ko siya sa mga debates niya. Parang kinakabahan tuloy ako sa mga contestants, mukha kasing magagaling 'yung makakaharap ni Sabrina.
"Don't worry she'll make it." Luan said.
"Alam ko naman 'yon, kinakabahan lang talaga ako."
Nanlalamig na nga ang mga kamay ko ngayon. Para kasing sa isang katulad ko na palaging kasama si Sabrina na sobrang limitado lang magsalita at akala mo ay hindi makakausap ng ibang tao ay sumasali sa mga ganitong patimpalak. Kung sino pa akong madaldal at palaging madaming sinasabi ay tiklop sa mga ganitong bagay.
"You wouldn't believe she turn down one of our professor." namimilog ang mga mata kong napatingin kay Luan.
"Hoy seryoso ba?" hindi makapaniwalang tanong ko.
"Yes, nakipagdebate siya and she won." nakangising sabi niya.
My lips formed an 'O' because of that. Hindi ako makapaniwalang nagawa niya 'yon! Kawawa ang makakalaban nito sa korte kung sakali.
The competition started at kahit hindi pa siya tinatawag ay hindi na ako mapakali. Paano ba naman kasi sobrang init ng sagutan ng mga contestant! Parang hindi ko maimagine si Sabrina na nakikipagsagutan sa kalaban niya.
"Let's have Sabrina Loisa Go from class 2 and Margaux Lopez from class 3."
Parang nagtaasan ang balahibo ko nang lumabas mula sa backstage si Sabrina na suot suot nanaman ang walang emosyong muka niya. Napangiti na lamang ako nang makita kong hawak niya sa kanang kamay niya ang plushie na bigay ko.
"Go Sabrina!!" sigaw ko na ikinagulat niya, napatingim pa sa akin ang ibang students pero wala akong pakialam kasi chinicheer ko siya.
"Hey you sit down!" saway sa akin ni Luan na pilit akong pinauupo.
Kita ko mula sa stage ang pagiling ng ulo ni Sabrina bago pumunta sa harap ng lectern table niya.
The emcee announced the mechanics to them and start the debate. Hindi ko maintindihan sa totoo kang kung anong topic nila basta ang alam ko ay against ang side na nakuha ni Sab which is I guess mahirap sa topic na binigay sa kanila. Luan said there is a big chance na manalo ang taga class 3 na 'yon but hearing Sabrina's points on what side she got, really impressed me. Kayang kaya niyang tapatan lahat ng sinasabi ng kalaban niya.
Kahit simpleng salita ay tinutuon niya kaya ang ending, walang masabi 'yung taga class 3 at gumagawa ng paraan para makasegway sa mga sinasabi ni Sabrina.
"Told you, she can turn her down that easily." Luan said before standing up.
Naiwan ako dito sa kinauupuan ko habang yakap yakap ang bag ko. Parang hindi ko maprocess ang mga nangyari kanina. Ni hindi pumasok sa utak ko ang mga naging points nilang dalawa sa topic na nakuha nila! Ang alam ko lang sobrang galing ni Sabrina sa debate, para bang alam na alam niya ang bawat pa sikot sikot nu'g topic. Maning mani lang.
"Hey, bakit nakaupo ka pa d'yan?" nagulat ako nang lumitaw na lang siya bigla sa harap ko.
Napatayo tuloy ako at sinuot ang bag ko. "Congrats! Sobrang galing mo kanina!" I said and gave her a thumbs up.
She didn't reply instead she held my hand and grabbed me outside the auditorium. Para naman akong tanga dito na namumula at nagpapahatak lang sa kanya. Parang hindi ko pa rin maproseso ang mga nangyayari!
Huminto kami sa tapat ng glass wall kung saan makikita mo ang view ng field ng campus.
"It works, hindi ako kinabahan." sabi niya at itinaas ang plushie na bigay ko.
Napangiti ako. "Sabi ko naman sa'yo e! Kaya binibigay ko na 'yan sa'yo para hindi ka kabahan sa mga debates mo."
Tumango siya at pinagmasdang muli ang plushie na hawak niya. Kahit naman hindi siya nakangiti, kitang kita ko sa mga mata niya na gustong gusto niya ang plushie na 'yon.
"Thank you, I mean it." sabi niya habang nakatingin pa rin sa plushie.
Nakakatuwa, hindi ko tuloy alam kung 'yung plushie ba 'yung pinasasalamatan niya o ako.
"Basta ikaw, Riri." Kahit ano gagawin ko.
YOU ARE READING
Shining Stars In The Night
Short StoryShe doesn't like him, she was annoyed by him, she doesn't want to be around him. But that doesn't stop Aries to follow her, that doesn't stop him to end his feelings for her. He's the only person that could understand her, he's the only person who c...