Chapter 06

124 14 7
                                    

Chapter 06

ARIES

"Sir! Ang tagal niyong hindi bumili ah."

Nakangiting sabi sa akin nung babaeng taga bakery. Ilang weeks na pala akong hindi bumibili ng cheesecake dito. Kung bakit kasi ay naisipan kong layuan siya, e hindi ko naman pala kaya. At saka sabi sa akin ni Mama last time ay pumunta sa bahay namin si Sabrina pero wala naman ako no'n.

I chuckled. "Blackberry cheesecake."

"Right away, Sir!" masiglang sabi niya.

Tinigan ko ang ilan sa mga binebenta nila rito and no one wonder why sobrang lakas ng kita nila. Ang gaganda kasi tignan ng mga cakes nila at tinapay, sobrang sarap pa! Tinry ko ang mga tinapay nila rito and I'm sure magugustuhan niya lahat 'yon.

"One blackberry cheesecake!" sabi nito at inabot sa akin ang isang maliit na box na may lamang cheesecake. Inabot ko ang bayad sa kanya. "Kailan ka ba kasi manliligaw, Sir?" tanong niya.

"Ang totoo kasi niyan. ." sinenyasan ko siyang lumapit kaya lumapit naman siya. "Hindi ako marunong manligaw. ." bulong ko.

Humagalpak siya ng tawa sa akin at pumalakpak pa sa tuwa. "Sabi na e'! Hindi p'wede 'yan sir, mauunahan kayo!" natatawa pa rin niyang sabi.

"Kaya nga e'!" nakangusong sabi ko.

I've been browsing through internet on how to court a girl since hindi ko pa talaga na-e-experience ang manligaw. Pero hindi naman nakakatulong ang mga nakita ko doon dahil ang corny nila! Feeling ko ay kapag ginawa ko 'yon ay hindi tatalab kay Sabrina at baka pagbagsakan niya lang ako ng pinto at hindi na ulit kausapin! Hindi ko kakayanin kung mangyari 'yon.

"Maybe I can help! Describe niyo nga po siya." sabi nito.

"She's cold and quiet most of the time. Nonchalant rin siya at palagi siyang naiinis sa akin." sabi ko habang nakahawak sa baba ko.

"Cheesy lines won't do. Baka itakwil ka lang niya." natatawang sabi niya kaya napabuntong hininga ako.

"Tell something she likes, things or p'wede rin places na gusto niya!"

Katulad ng sabi niya sa akin ay tinulungan niya ako kung paano ako didiskarte. I told her that she likes daisies and she just love staying at home. Pero last time ay nabanggit sa akin ni Tita na pangarap raw ni Sabrina noon na pumunta sa Bohol dahil sa chocolate hills. Kaya p'wedeng dalhin ko siya do'n kung bibigyan ako ng pagkakataon na maaya siya.

"Ano bang palagi niyong ginagawa kapag magkasama?" tanong niya sa akin.

"Nag-aaral."

No lie, most of time ang palagi niyang ginagawa kapag magkasama kami ay nagaaral siya. Parang doon na umiikot ang mundo niya, walang araw na hindi mo siya makikitang hindi nakatutok sa mga libro niyang sobrang kapal. Paano kaya niya nagagawang magbasa ng gano'ng kahaba? Nakakahilo kaya ang mga letters tapos hindi ko agad makuha 'yung ibig sabihin ng mga binabasa ko. Kaya siguro hindi ko siya maintindihan.

Pero kahit ganu'n sa tuwing tinitignan ko siyang magbasa, sobrang payapa ng mukha niya. It's the most precious thing I'm willing to look at endlessly.

"Parang hindi ata kita matutulungan" natatawang sabi niya habang napapakamot sa ulo niya. "She's so mysterious."

"She is. And that's why I like her."

Ilang beses ko na bang sinabi na kung gaano ko siya kagusto? Puro siya na nga lang ang bukang bibig ko, siya rin ang palaging laman ng lahat ng mga k'wento ko. At hindi siguro akong magsasawa ng gano'n. Do I look like crazy? Siguro ganu'n naman talaga ang tao kapag may taong mahalaga sa kanila.

Sa bawat paglipas ng araw napagtanto ko sa sarili kong dapat hindi ako matakot na sa paghihintay ko sa kanya ay hindi sa akin ang punta niya. Kasi sa una pa lang ay pinili ko na siya, pinili kong manatili at maghintay sa kanya. Kaya hindi nu'n matutumbasan ang sakit na mararamdaman ko. Hindi matutumbasan ng kahit ano kung ano mang nararamdaman ko sa kanya.

"Can't you stop staring at me?" sabi nito habang nagsusulat.

"Bakit ba? E' gusto kitang tignan e'." sabi ko at pinatong pa ang baba ko sa dalawang palad ko habang nakapatong ito sa center table.

Tumigil siya sa pagsusulat at tumingin sa akin. "I can't focus, just do your schoolwork will you?"

Napabuntong hininga ako. "Okay fine, fine!" nakangusong sabi ko.

Kung alam niya lang na mas hindi ako nakakapagfocus kapag hindi ko siya tinitignan. Pero wala naman akong magagawa dahil pipilitin niya lang akong mag-aral.

"After graduation, anong plano mo?" tanong ko sa kanya.

"I'm gonna attend law school." simpleng sagot niya.

Napasinghap ako. "'Yun lang? No other plans?"

Tumigil siya sa pagsusulat at napatitig sa notebook niya. "Wala. . 'yun lang." mahinang sabi nito.

"Have you tried hanging out with friends?"

Lumapit ako sa kanya at sinara ang notebook niya. She frowned at me pero hindi ko siya hinayaang buksan ulit ang notebook niya.

"Answer me, are you just gonna drown yourself on studying? Ayaw mo bang magsaya naman kahit minsan?"

I didn't say studying is a bad thing to do all the time. Pero kung sa pag-aaral lang niya itutuon ang buhay niya ay wala siyang makikilalang ibang tao, hindi siya magkakaroon ng connection sa ibang tao. Hindi naman puwedeng mag-isa siya palagi.

Sumilay ang lungkot sa mata niya at umiwas ng tingin sa akin. "There's no need for me to be friends with anyone." sagot nito.

"Bakit?" tanong ko at hinawakan siya sa baba para tumingin siya sa akin.

"Because I have myself." sagot nito.

"So ano ako? Ano ba ako sa'yo?" tanong ko.

Natigilan siya dahil sa sinabi ko at hindi makasagot. Parang may kung anong tumusok sa dibdib ko dahil sa naging reaksyon niya. Bakit hindi niya ako masagot? Bakit hindi niya masabi sa akin kung ano ba talagang nararamdaman niya? Mahalaga nga ba ako sa kanya? O baka naman ako lang itong naghahabol at umaasa na baka naging mahalaga rin ako sa kanya dahil sa tagal na naming magkakilala.

All my life I've been following her at ngayon hindi ko na papayagan pa ang sarili ko na sundan lang siya. Gusto ko na siyang hawakan at hindi ko na bitawan pa.

"I like you, Sabrina." I confessed. "I've been liking you since then."

Hinawakan ko siya sa kamay at naramdaman ko ang malamig niyang palad. Hindi siya makagalaw sa p'westo niya at nakatitig lang siya sa akin.

"What are you. . saying??" madahang tanong niya.

"What I'm saying is that. . I want to court you." diretsong sabi ko 'yung tipong isang hingaan lang. "Let me court you, Sabrina."

Shining Stars In The NightWhere stories live. Discover now