Chapter 16

89 5 0
                                    

Chapter 16

ARIES

"Are you feeling fine right now?"

Tumango ako bago unti unting kumalas ng yakap sa kan'ya. Ang mga luha ko kanina ay natuyo na dahil sa malakas na hangin, pero nararamdaman ko pa rin ang hapdi nito.

"I feel relieved na." sambit ko at napatingin sa bonfire.

Naramdaman ko ang paghawak niya sa buhok ko kaya napalingon ako sa kan'ya. And there I saw her smiling genuinely on me. It was the first I saw her smiling like that. Siguro dahil first time ko ring in-open up sa kan'ya ang isa sa mga grudges ko noong bata pa ako.

She caressed my hair and was murmuring something.

"Anong binubulong mo? Baka minamahika mo na ako d'yan ah." sabi ko kaya hinampas niya ang ulo ko.

I just laughed at her that's why she rolled her eyes as usual.

Nilingon ko ang katabi kong cardigan at kinuha iyon dahil napansin kong parang nilalamig na siya.

"Wear this, lumalamig na."

Pinatong ko sa balikat ni Sabrina ang dala kong cardigan. Kinuha ko 'to sa bag niya kanina bago kami bumaba dito. Gumawa na kami ng bonfire at dito na rin kami kumain kanina. Madilim na kaya medyo mahangin.

"Thanks." tipid siyang ngumiti sa akin bago sinuot ang cardigan.

Natanaw ko si Liam na may mga dalang barbeque kaya tinulungan ko siya sa pagbibitbit nito.

"Ready to eat na 'yan! Hintayin na lang natin 'yung ibang pagkain kay Dale at s'yempre. ." ngumisi siya sa akin kaya alam ko na agad kung anong ibig sabihin nu'n.

"Are you guys gonna drink?" Sabrina asked kaya napalingon kami sa kanya.

"Konti lang, Riri. Okay lang ba?" tanong ko na parang nagpapaalam sa kanya. Ayaw ko rin namang malasing dahil magaamoy alak lang ako sa harap niya.

Tumango siya. "Okay lang, 'wag lang masyadong marami ha baka isumbong kita kay Tita."

Napangiti na lamang ako bago siya tabihan ulit. Dumating na rin ang iba kaya nagsimula na kaming kumain nitong mga inihaw nila. Nagdala si Kuya Denzel ng isang bucket ng beer kaya malamang ay mapapakwento kami mamaya.

"Gusto mo Sab?" alok ni Dale dito.

Kinuha ko ang bote at tinabi sa gilid ko. "Bawal siya niyan."

Dale smirked at me. "Aysus, parang boyfriend na ah."

Our night was filled with laughters. Panay ang asaran nila Dale at Danica. Puro tungkol lang naman sa mga kalokohan nila ang pinaguusapan namin. Iniiwasan nilang pagusapan kung ano ang mga nangyayari sa buhay buhay namin. Maybe this is also our way to escape to the exhausting outside world.

Aminin ko man o sa hindi, alam ko naman bawat isa sa amin ay may mga pinagdadaanan. Lahat kami may hinaharap na problema. And hanging out together will be our healing time. We found peace in each other, dahil magkakaibigan kami.

Kung kanina ay si Danica ang kaasaran ng kaibigan ko, ngayon ay si Aeli na. Hindi na ako magugulat kung magtropa na 'tong dalawang 'to. Parehas kasi silang magisip.

Habang panay ang kuwentuhan ng mga kasama namin, Sabrina was just listening to us. Nakikitawa rin naman siya sa amin lalo na kapag nagpapatawa sina Dale. And she's answering whenever we're asking her naman. But tonight, she looks free and light. Ngayon ko lang nakita ang ganitong side niya.

Shining Stars In The NightWhere stories live. Discover now