Chapter 09
ARIES
I passed our first semester!
Simula talaga noong hinabol ko si Sabrina sa pagiging honor noong high school ay naging concern ko na rin talaga ang grades ko. As much as possible kahit hindi man ako makasama sa dean list ay makapasa manlang okay na sa'kin. Para masabi ko sa kanya na pinagbutihan ko naman kahit na pasado lang ang kinaya ko.
"Congrats for being a dean lister!" bati ko sa kanya at inabot ang blackberry chessecake na binili ko kanina.
"Parang tataba na ako sa mga cheesecakes na 'to." she commented but still accept it.
"Gusto kita i-spoil sa mga favorite foods mo e!" nakangiting sabi ko kaya napairap na lang siya.
Tita Sarina invited me for their dinner. Dapat nga ay kasama si Mama pero dahil may emergency sa trabaho niya ay ako na lang ang nakapunta. Since Sabrina entered the dean's list, pinagcecelebrate ito ng Momy niya. Every small achievement ata ni Sabrina ay cinecelebrate nila dito. Nakakainggit tuloy.
"I cooked your favorite chicken pastel, Aries." Tita Sarina said at ipinatong sa dining table ang isang mangkok ng chicken pastel.
Ang dami niyang niluto ngayon! May adobo at shanghai pa, tapos umorder pa siya ng lasagna. She prepared all of this just for her only daughter.
"Sino ba talaga anak mo rito, Momy." Sabrina said while pouting kaya naman natawa sa kanya ang momy niya.
"Soon naman magiging anak rin ako ni Tita, 'di ba po?" sabi ko at kumindat.
Pabiro naman akong hinampas ni Tita. "Ikaw talaga, sinagot ka na ba?" 'Yun lang, awit nang rerealtalk si Tita.
Kunwari akong napahawak sa dibdib ko. "Hindi pa nga po e."
"Tumigil nga kayo." saway sa amin ni Sabrina pero tinawanan lang namin siya.
We had a great talk together while eating dinner. Kahit na kaming tatlo lang dito sa dining area nila ay hindi naman nakakalungkot dahil puno ng tawanan ang buong hapunan namin. Masaya kasama si Tita Sarina dahil sobrang light and positive niya kausap. Samantalang si Sabrina naman ay palaging seryoso at limitado ang mga expressions. Habang ako naman ay kavibes si Tita kaya nagbabardagulan lang kami.
"What are your plans, Rina? Are you sure na talaga sa law school?" Tita asked, we were currently eating the lasagna pero busog na busog na ako!
"Yes po, sure na ako. Matagal ko na pong pinagplanuhan."
Sigurado akong seryoso siya sa sinabi niya. Isa sa mga nalaman ko sa kanya ay may isang salita siya. Basta sinabi niya ay ginagawa niya. Kapag naman nagplano siya gusto niya ay naaayon sa plinano niya ang mga gagawin. Ganu'n siya kaorganize na tao at sobrang perfectionist niya rin.
Samantalang ako ay go with the flow na lang at bahala na kung anong opportunity ang lumapit sa akin balang araw. Hindi naman sa walang akong plano, may tiwala naman ako sa sarili ko na may mararating naman ako. Sigurado naman ako sa Film, gusto ko talagang maging director o maging photographer. Masaya naman ako sa tinahak kong course.
"How about you, Aries?" baling ni Tita sa akin.
"After graduating, baka tumanggap po ako ng offers sa ibang bansa para doon maging ganap na director." sagot ko.
Marami ng inooffer sa akin ng film entertainment companies si Mama dahil minsan na rin siyang nagtrabaho sa mga ganu'n bilang isang writer noon pero dahil nagretiro na siya ay nagtatrabaho na lang siya bilang secretary sa isang malaking kumoanya.
Kaya ang landas na sa tingin ko ay p'wede kong tahakin ay ang pagiging isang director.
"What country? 'Di ba writer noon si Ariana?" tanong niya.
"Korea po, doon dati nagtatrabaho si Mama."
Napatingin ako kay Sabrina dahil naging tahimik siya, well palagi naman talaga siyang tahimik pero iba ang aura na nararamdaman ko sa kanya ngayon. Nakatitig nga lang siya sa pagkain niya. Hindi ko mabasa kung anong iniisip niya.
Malulungkot kaya siya kapag umalis ako? Apektado ba siya sa sinabi kong plano? Lilipas pa naman ang tatlong taon bago kami grumaduate kaya matagal tagal niya pa akong makakasama.
Nang matapos kami kumain ay nagpaalam na ako sa kanila dahil gabi na rin, kahit na sa tapat lang naman ang bahay namin. Hindi na ako kinausap ni Sabrina simula noong pinagusapan ang plano ko after grumaduate. Pakiramdam ko tuloy ay galit siya sa akin o ano. Si Tita lang tuloy ang nakakausap ko.
"Salamat po sa dinner, Tita. Pagbubutihin pa po namin ni Sabrina sa next semester." nakangiting sabi ko.
Ginulo niya ang buhok ko at ngumiti pabalik. "Thank you for staying with my daughter."
"Mananatili at mananatili po ako sa kanya, Tita."
Tinaga ko na 'yon sa bato, simula pa noon. Hindi ko na siya kayang iwan e'. I'm nothing without her. I'm not gonna be the best version of myself without her. Dahil sa kanya nalaman ko kung gaano kaganda ang mga bituin sa langit, kung gaano sila nagniningning tuwing gabi.
"Alagaan mo sana siya, alam kong hirap siyang ipakita ang emosyon niya. Pero dahil sa'yo nakita ko ang pagbabago sa kanya. Malaki ang pasasalamat ko sa'yo, Aries."
Malaki rin ang pasasalamat ko sa'yo Tita, dahil nakilala ko ang pinakamahalagang tao sa buhay ko. Alam kong siya ang bubuo sa akin, sigurado na ako do'n. Kaya walang dahilan para huminto na abutin siya, kahit kasing taas pa siya ng mga bituin sa langit.
After that dinner, napansin ko ang pagiwas niya sa akin. Hindi ko talaga siya mabasa at kapag tinatanong ko naman siya ay sinasabi niyang ganu'n naman talaga siya. Hinahatid sundo ko pa rin siya at inaaya pa rin na kumain sa labas. Pero pansin ko ang pagkaiwas niya sa akin.
"May problema ba tayo, Sab?" tanong ko sa kanya habang naglalakad kami pauwi.
"Wala. . ." sagot niya agad.
Huminto ako sa paglalakad kaya napahinto rin siya at nilingon ako habang nakakunot ang noo.
"You know that you can tell me everything right? Hindi naman na ako ibang tao sa'yo Sab, kaya p'wede mong sabihin sa akin kung anong nararamdaman at iniisip mo." sabi ko pero nakatingin lang siya sa akin kaya nagpatuloy ako.
"I'm willing to listen to your thoughts, rants and feelings. And I'm willing to share mine's to you too." I assured her.
Nang hindi pa rin siya nagsasalita ay lumapit ako sa kanya at hinawakan ang kamay niya. Sinundan niya ang bawat galaw ko na parang may gusto siyang sabihin sa isip isip niya.
"Can you look at me and tell me what's on your mind right now?"
Sumunod siya sa akin at tinignan ako sa mga mata kaya ngayon ko nakita ang namumuong luha sa mga mata niya.
"I don't want you to leave." halos pabulong na sabi nito.
"Pero hindi naman ako aalis, Ri." nakangiting sabi ko.
"Promise me, you won't leave me." I can feel that she's sincere about that at ang mahigpit na paghawak niya sa kamay ko.
"I promise, and when I promise I don't break it."
YOU ARE READING
Shining Stars In The Night
Historia CortaShe doesn't like him, she was annoyed by him, she doesn't want to be around him. But that doesn't stop Aries to follow her, that doesn't stop him to end his feelings for her. He's the only person that could understand her, he's the only person who c...