Kabanata 3
Si selosa
"Kayo na ba ni Chance?" Naupo si Tiana sa tapat ako.
Hindi ko napansing dumating na ang isa kong kagrupo. She had that teasing look on her face. Isa na lang ang hinihintay namin sa grupo, si Sheryl.
I saved the file on my laptop.
Bumaling ako ng tingin sa kanya. Kagrupo ko siya sa thesis, we met for a discussion with our final defense. Isa siya sa mga barkada ko sa university, tatlo kami sa grupo at lahat kami nasa isang circle of friends.
Maayos naman. Contrary to what happens to most friendship, we are more productive working with friends. Mas madali ang trabaho, siguro dahil alam namin ang kahinaan at kalakasan ng bawat isa.
"Ha? Saan nanggaling ganyang balita?" tanong ko.
They know Chance because of me. Kahit sa school namin, maraming humahanga sa kanya. Ponce nga naman.
"Um, didn't he tag you with his profile picture?"
"Yes? What about that?" Tumaas ang aking kilay.
"Gosh, Ms. Crimson Aurelle. To viewers like myself, it seemed to be a double meaning. Taken by? Taken by Crimson? Like, hello? He can just captioned it with a camera emoji then your name like everyone else?!" She tried to explain.
I shook my head. "He doesn't know that. Hindi 'yon pala-post sa social media."
Nasapo niya ang noo. "Crimson naman, hindi lang siya gumagamit ng social media. It doesn't mean, he's bobo," saad pa niya. "Isa pa, walang tutuldok. Girl, I've seen him texting you. Complete, always."
"Can we make not a big deal out of it?" I sipped my drink and went back to my task on hand. "It's harmless."
"Okay, harmless..." She rolled her eyes.
Kumaway si Sheryl at tumakbo papalapit sa amin. Our group was finally complete, we could start our discussion regarding the thesis defense. Iyon muna ang pinag-usapan namin bago ang tsismis.
Pagkatapos ng group meeting at tsismisan, bumalik pa rin ang usapan namin sa naunang topic namin kanina. This time, si Sheryl naman ang nagbukas ng usapan tungkol sa amin ni Chance.
"I don't know what you guys are talking about. We're just friends. Best of friends." I tried to dismiss the topic once again. "'Wag na nating pilitin, hanggang doon lang kami."
Pareho silang nagkatinginan at umiling.
"Payag ka na magkaroon siya ng girlfriend? Tapos mawawala na sa'yo ang atensyon niya?" tanong nilang dalawa.
"Bakit hindi? Wala namang masama kung magkaroon siya ng girlfriend. Hindi naman ako batas para ipagbawal iyon. He's also supportive with all my kalandian," sagot ko.
Pero ngayon? Hindi pa ako handa.
I was so dependent of him. Palagi siyang unang tinatawagan ko. It was stressful these days knowing the big day for thesis defense was about to come.
Malapit na akong mainis sa dalawa sa pagpupumilit nilang mayroong namamagitan sa aming dalawa ni Chance. It was just not possible. Hindi naman ako ang type niyang babae. But I never asked him about his type...
I'm sure with one thing he isn't as shallow like other guys.
Napailing ako.
Hindi na rin kami nagtagal, we went our separate ways after the short meeting. Marami pa akong kailangang tapusin, sa bahay ko na iyon gagawin. I couldn't even focus having friends around, mauuwi lang iyon sa tsismisan.
YOU ARE READING
To His Future Lover ✔ (Haciendero #5)
General FictionThey are the most-sought hot magnates in town with their oozing sex appeal, connections, social and political status and wealth. What most does not decipher, they aren't gods to be perfect. They are either a dream or a nightmare and disaster combine...