Ikasampung Kabanata

2.1K 80 10
                                    

Kabanata 10

The boy I knew since childhood

The first month was intensive training for my job.

I tried my hardest to learn all the techniques they taught us. Good thing, mayroon namang supervisor na nakabantay sa akin. Bawat araw na umuuwi ako ng apartment, deretso tulog ako sa pagod sa buong maghapon.

Gusto ko nang umuwi sa bahay ni Mama. Darating na lang ako na may nakahanda ng pagkain.

In my apartment, I'm the only one doing all the chores.

Minsan nakakatamad gumalaw upang mag-init nang makakain, mas mabuti pa kung itutulog ko na lang iyon.

Palagi namang tumatawag si Mama para kumustahin ako. Paminsan - minsan din siyang dumalaw sa apartment ko, dinadalhan niya ako ng mga lutong pagkain. Chance also visits me often.

Hindi ko nga kasama si Mama, siya naman ang pumalit upang alagaan ako. Medyo nahihiya ako dahil mayroon din siyang klase kaya kinausap ko siya na kailangan ko rin maging independent. It was all good to my bestfriend.

Mahirap iyong transitioning mula sa estudyante at sa pagtra-trabaho.

Naloloka ako.

But it was rewarding a bit with my first cash I earned. Nai-treat ko sina Mama, si Chance at si Tito Agustin sa dinner na ako ang nagbayad para sa aming lahat. It felt great.

"So, is this a double date?" Tito Agustin laughed.

Pangiti - ngiti lang si Chance sa tabi ko. Dumating naman ang dessert na order namin.

"How was the job, Crim? Hindi ka naman ba nahihirapan?" tanong pa niya sa akin.

I shook my head. "Nakapag-adjust naman po ako sa trabaho, pero gusto ko po sanang bumalik kay Mama. I wasn't a fan of apartment life." It was a bit of a joke, and half truth.

Tumawa si Mama at umiling.

Si Chance naman ang in-interview ni Mama sa kanyang pag-aaral. He would be graduating after his last semester. I'm not pressuring my bestfriend... pero sa aming dalawa, siya talaga ang mag-aahon sa amin sa hirap.

Sobrang in-demand ng engineering tapos nasa big four pa ang university niya. Pag-aagawan siyang kuhanin ng mga kompanya.

Inihatid kami nina Tito Agustin at Mama sa apartment ko. They thanked me for the dinner. I waved my hand to bid them goodbye in the car. Tatambay muna si Chance sa apartment ko, baka hindi ko na rin siya pauwiin.

Sabado naman bukas at wala akong pasok. Kilala na rin siya ng guard sa apartment, hindi na kinukuwestiyon ang paglabas-masok niya.

"Congrats on your first sahod, Crim."

Yumakap siya sa baywang ko nang makarating kami sa loob ng apartment.

May kinuha ako sa bag, iniabot ko sa kanya ang ang pao na may lamang pera. He looked at me, then looked at the ang pao I was holding.

"Crim..."

"Magtatampo ako kapag hindi mo tinanggap." Ngumuso ako. "I'm not trying to emasculate you by giving you a bit of my salary. You'll do it for me once you're earning as well. Alam ko magiging big time ka. Panggastos din iyan sa graduation."

Kapag babae ang binigyan ng pera, ayos lang. Bakit kapag lalaki may pagdadalawang - isip bago tanggapin?

Iniabot ko sa kanya ang ang pao, tinanggap naman niya iyon. He put it in his pocket.

To His Future Lover ✔ (Haciendero #5)Where stories live. Discover now