Ikadalawampu't Dalawang Kabanata

2.1K 76 18
                                    

Kabanata 22

Going back to New York

"You resigned?" Mama asked on our call.

I finally told her about my resignation days ago. Medyo nag-aalala akong masira ng balitang iyon ang mood ng kanilang honeymoon vacation. I didn't want her to worry about me.

The truth is, I'm happy with my resignation.

"Congrats, girl. You're free of that burden." She smiled on the camera. "Why don't you join us here?"

Nakahinga naman ako nang maluwag sa kanyang pahayag. Her energy was positive, I liked it.

Humindi naman ako sa kanyang paanyaya. Gusto ko rin namang mag-travel pero ayoko namang gambalain ang honeymoon nilang dalawa. I don't want to be a thirdwheel.

Well, there's another reason... I want to spend my time with someone instead of joining their trip out of the country.

Ilang minuto pa kaming nag-usap ni Mama, ipinakita pa niya sa akin ang view niya. It was indeed beautiful, I was glad they were enjoying their trip. Tito Agustin said hi several times and showed me what they were eating for breakfast.

Kanina pa tapos ang aking agahan, na-claim ko na rin ang aking dessert. He was still sleeping on my room, I was in the kitchen talking to my mother. Ayoko namang magising si Chance sa ingay namin ni Mama.

"So, how are you and Chance?" My mother asked.

Pasimple naman akong tumingin sa palibot ng apartment ko, baka gising na siya.

"We're okay..." Medyo tuminis ang aking boses.

"Okay? Ano, anak? Wala man lang bang progress sa relationship n'yo?" Pinanlakihan niya ako ng mata. "Sabi ni Julius, madalas daw si Chance sa apartment mo at lumalabas kayong hindi siya isinasama."

Ngumuso naman ako.

Kahit kailan talaga pahamak si Julius! Inilaglag ba naman ako sa aking ina. Nakakainis!

"Anak, kumibo ka naman. Ang hina mo naman..." Inirapan niya ako. "Dati naman nakakaya mong lumandi sa ibang tao noong college ka."

"Mama, iba naman po 'yon..." I pouted. "It wasn't that serious. Hindi naman sobrang gusto ko sila kaya ganoon din kadali sa akin na mag-move on before, my ego was just bruised mostly. Iba naman iyong kay Makoy..."

"Paanong iba?" She was just being annoying.

"Iba po kasi mahal ko, okay? Happy na?" Sumimangot ako.

"Sa amin nga kaya mong aminin, eh bakit hindi kay Chance?"

I groaned in annoyance.

Bakit ba napunta sa ganitong usapan?

She was grilling me again with her questions.

Hindi ko rin alam kung bakit ang hirap para sa aking magtapat sa kanya. How am I going to say I love him? Hindi pa ba sapat na ipinaparamdam ko naman sa kanya?

The call ended with her just laughing.

Nagpaalam na rin sila dahil mayroon silang activity sa resort para sa araw na iyon. I heaved a deep sigh after my talk with my mother.

Nang tumayo ako upang tumungo sa kuwarto, muntikan na akong mapatalon sa gulat. Chance was already awake. Nakasandal siya sa hamba ng pintuan habang nakakrus ang braso sa kanyang dibdib.

"You're awake..." Namumulang saad ko.

Did he hear everything? Kanina pa ba siya sa kanyang tayo?

"Do you want to eat? Let's just order. Para hindi ka na rin mapagod." I tried to go pass him. Bahagya naman akong napatigil sa harapan niya. "What?"

To His Future Lover ✔ (Haciendero #5)Where stories live. Discover now