Chapter 28

475 21 1
                                        

The next morning....

Michelle's POV:
Nagising siya alas 10 na ng umaga. Medyo nalasing siya kagabi pero kontrolado pa naman niya ang pangyayari at nahatid niya si Sampan ng maayos kagabi sa kwarto nito. At siya naman nakatulog na kaagad pag dating niya sa kwarto. Medyo masakit ang ulo niya pero bumangon siya at dumiretso sa banyo upang maligo at para maibsan ang pagka hangover. Pagkatapos niyang maligo lumabas siya at nagbihis ng simpleng damit at pants. May napansin siya sa may pintuan niya. Nilapitan niya ito at nakita niya ang isang puting sobre. Nagtatakang kinuha ito at binuksan habang nakaupo pabalik sa kanyang kama. Napagtanto niyang sulat ito. Laking gulat at kaba niya ng makita niya kanino galing ito.... kay Anntonia.

Parang dinudurog ang kanyang puso sa mga sinabi nito sa sulat. No! Bakit? Paano? Sabi niya sa kanyang isipan. Nandito nga siya! So yung mga nakaraang araw na babaeng nakita niya sa dalampasigan, sa jetski at kagabi ay si Anntonia! Lord, bakit hindi niya ako hinarap! Bakit hindi niya ako kinausap para malaman niya ang totoo... Tumulo ang kanyang luha lalo na ng makita niya ang larawang nilakip nito sa sobre.

Ikaw ang mahal ko Anntonia! Ang labo mo! Sigaw ng kanyang puso't isipan

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Ikaw ang mahal ko Anntonia! Ang labo mo! Sigaw ng kanyang puso't isipan. At mabilis siyang lumabas sa kwarto niya kahit nakapaa lang siya. Lumapit siya sa reception at nagtanong.

"Morning Bren, do we have a guest named Anntonia Porsild or any Thailand persons babae at lalaki na nagcheck in??", nagmamakaawang tanong niya rito.

"Ah yes Ma'am Dee. We have guests from Thailand but they already checked out earlier around 8am." pahayag nito sa kanya na bahagyang nagtataka.

"Bakit hindi mo sinabi sa akin?!" Pasigaw niyang sabi dito.

"I'm sorry Ma'am. Pero iyong lalaki po nag asikaso ng pag check in nila dito sa resort po. Tsaka po privacy rules po ng hotel na hindi binibigay ang names ng guests po" Paghingi nito ng pasensiya sa kanya.

Napaupo nalang siya at humahagolhol ng iyak sa sahig. Ito ang naabutan ni Sampan.

"Baboo, what happen? Why are you crying?". Nagtataka at nag aalalang tanong nito sa kanya.

"She's been here Babe. My God, I should have trust my instinct..." pagsisisi at panlulumo niyang sabi habang tumutulo parin ang luha niya.

"Si Anntonia? Andito siya?". tanong nito na bahagya na shock sa nalaman. Tumingin din ito sa tauhan nito. Tumango lang si Bren, isang hotel receptionist. Patuloy nitong tanong, "Where is she now and what room is she staying?".

"Ma'am Sam, they already checked out po from the hotel kanina pa po mga 8am." Nakayukong sabi nito.

Nalungkot din ito ng marinig iyon. Bumaling ang attention nito sa kanya. "Shhhh... stop crying na Baboo..Let's talk this one in your room ok," sabi nito tsaka tinulungan siyang tumayo at lumakad papuntang kwarto niya. Nagpaubaya naman siya rito dahil nanghihina siya sa lahat ng nangyayari ngayon.

Pagdating sa kanyang kwarto, pinabasa niya rito ang sulat at pinakita ang larawan na galing kay Anntonia.

"We need to fix this Baboo. Tell me what to do. Hindi dapat ganito ang mangyari sa inyo. I'm so sorry if I'm the reason of everything between you and Anntonia. What can I do to solve the problem? Do you want me to talk to her? Clear everything to her about us?" Tuloy tuloy nitong sabi sa kanya sabay tanong.

"She's so unfair... Leaving me without my explanation. She don't trust me well then when I already confess my feelings and everything to her. Ito ang gagawin niya sa akin.. Di paba sapat iyon? I thought she needed some space to think binigay ko naman iyon sa kanya diba. I'm patiently waiting for her. Ngayon ako pa ang napasama sa mga nakikita niya. Bakit hindi niya ako hinarap at kausapin ng malaman niya ang lahat." Galit niyang naiisip sa ginawa ni Anntonia sa kanya. Gusto ba niyang ipagsigawan ko sa mundo na siya lang ang mahal ko at wala ng iba para mapaniwala ito at huwag ng magduda pa.

"Siguro Baboo, nagawa niya yan dahil sa matinding selos na nakikita niya habang tayo ang magkasama. Nagpadala at nagpatalo siya sa kanyang nararamdaman." Sabi ni Sampan habang pilit pa rin na pinapakalma siya.

"Ang babaw naman niyang magmahal kung ganun. I think Babe whatever me and Anntonia had, without trust there's no reason to continue anymore. I'm so disappointed on her...," she said while looking so far away in her window.

"Baboo, huwag niyong saktan mga sarili niyo ng ganito please," pakiusap ni Sampan sa kanya sabay yakap nito sa akin ng mahigpit.

"Masaktan na kung masaktan. Nag decide na siya para sa amin eh. Ano pa magagawa ko???".

Naputol ang kanilang pag uusap na iyon ng biglang nag ring ang phone ni Michelle. It's Abe Lawyer calling... her brother. Sinagot niya ito.

"What is it bro? I'm not in the mood for nonsense," seryosong sabi niya rito sa kapatid.

"Ate Mich! It's about Mom. Emergency... She is in the hospital now..." malungkot na pahayag nito sa kabilan linya.

"What?!! What happened?" Nataranta at kinakabahan niyang tanong dito.

"She collapsed earlier in the kitchen. And Dad saw her in the floor unconcious so we rushed her to the hospital." Abe said and cried on the phone.

"My God, ok Abe don't leave our Mom there. I'll fly right away ok. Please send my regards to Mom and Dad. And keep me updating while I'm on my way ok." saad niya sa nakakabatang kapatid.

"Ok Ate Mich. We will wait for you here." replied by her brother then ended his call.

Nakatingin sa kanya si Sampan. Naghihintay ng kanyang sasabihin parang mas nadagdagan ang pag aalala nito sa kanya.

"Babe, I need to fly right away to LA. Mom Melanie has been rushed to hospital dahil nagcollapsed ito sa sahig bigla." Natataranta at kinakabahang pagsasalita niya.

"Oh, sorry to hear that Baboo. I'll help you pack your things. And you book your flight. Babalik pa ba tayo ng Manila bago ka lilipad ng LA?", sabi at tanong nito sa kanya.

"Yes Babe, balik muna tayo ng Manila ngayon bago ako aalis papunta ng LA," sagot niya rito. Tsaka patuloy niyang sabi, "Grabe Babe! When it rains it pours talaga! Meron pa ba para isang bagsakan at sakitan lang oh?.", malungkot kung saad kay Sampan. Sunod sunod ang problema niyang kinakaharap ngayon. Lalong sumasakit puso't isipan niya..

Dahil sa mga pangyayaring iyon naging ibang tao ang isang Michelle Marquez Dee...

Beyond The UniverseWhere stories live. Discover now