In ELEMENT KINGDOM, there are four common magics. and these are FIRE, WATER, EARTH and WIND.
Fire represents as a human desire…
Water represents as a Life…
Earth represents as a Peace…
And Wind represents as a Freedom…
Meanwhile in THIRSTIANS VALLEY…
My name is Aiko Fritchzer, i live in a place where magic is everything. I am 8 years old and no talent at all.
“Sister rebecca!“ Sigaw ko kay sister na tinuring ko na'ring ina.
Tumingin naman siya sakin habang nag sasampay ng mga labahan sa labas.
“Oh, bakit aiko? May kailangan ka?“ Tanong niya sakin.
Ngumiti lang ako at sumagot.
“May talent na ako! (Sabay talon habang may nakaukit na malaking ngiti sa mukha) hali ka! Tingnan mo!“ Sabi ko sa kanya.
Napailing nalang si sister rebecca at nagsalita.
“Hays aiko, tumigil ka na. Tanggapin mo na lang kasi ang katotohanan na lahat ng taong nakatira dito sa valley ay mga taong walang talento, kagaya ko, kagaya ni father, at kagaya ng mga kapatid mo.“ Sabi niya.
Nalungkot ako sa sinabi ni sister, pero tama naman siya. Lahat kami ay mga low class human, kaya nga kami tinapon sa lugar na to kasi ang tingin ng mga tao samin ay mga Walang kwenta.
Agad akong naiyak sa sinabi ni sister at nabitawan ko ang dala kong tubig na nakabalot pa sa plastic para sana mag kunwaring may water magic ako.
Nang makita ni sister ang tubig ay agad siyang nalungkot, kaya aakmang mag sasalita sana si sister nang bigla ko siyang inunahan.
“Papatunayan ko sayo! (Sabay punas ng luha) na may magic ako!“ Sigaw ko kay sister at tumakbo palayo. Pero sumagot si sister sa likod ko.
“AIKO! S-SORRY!… HINDI KO SINASADYANG SAKTAN ANG DAMDAMIN MO!!“ Sigaw ni sister rebecca.
Huminto ako sa kakatakbo tsaka ako tumingin sa kanya.
“Okay lang! Tandaan mo'tong sasabihin ko!“ Sabi ko sa kanya at nagsalita pa.
“Pag napatunayan kong may magic ako, Magiging Wizard king ako! At lahat ng mga taong mahihirap ay tutulungan kong makaahon sa buhay! Lahat ng mga taong walang talent at skills ay bibigyan ko ng paaralan para doon sila matuto!!“ Sigaw ko kay sister rebecca at nagsalita pa.
“Babaguhin ko ang lahat pag naging Wizard king ako!“ Sabi ko at tumitig ako kay sister rebecca at nangako.
“Gagawin ko ang lugar na ito kung saan pantay pantay ang lahat ng mga tao! Mahirap man o mayaman, Royalty man o magsasaka, may talent man o wala!. Dahil lahat ng tao ay may karapatan dito sa mundo at walang limitasyon sa buhay!“ Dagdag ko pa at tumakbo na ako papuntang likuran ng simbahan.
Pagkarating ko dun sa likod ay nakatambak na ang napakaraming mga kahoy na paghahatiin ko pa sa maliliit na parte, kaya kinuha ko ang axe tsaka ko yun pinaghahati sa maliliit. Yun ang nag silbing training ko.
Nag pu-push up ako ng 10, nag pa-plank ako ng 30 seconds, tsaka tumatakbo ako ng 1minute. Yan ang ginagawa ko araw araw pag natapos na akong mag itak ng mga kahoy.
Napakabilis tumakbo ng panahon, hanggang sa lumipas na ng ilang taon at nag 15 years old na ako.
Dito na malalaman kung may talent o skills ba ang mga batang nag aaral ng magic sa loob ng pitong taon. Kaso ang ginawa ko lang ay nag ti-training ng physical dahil wala akong magic, ibig sabihin wala akong pag aaralan.
BINABASA MO ANG
FANTASY: Aiko Fritchzer
FantasyAiko Fritchzer lives in the town of Thirstians Valley, where poor people and children who grow up without talents and skills are live there. Aiko grew up in an orphanage, when he was a young, he was trained to cook, do laundry, and do housework, so...