CHAPTER 18

272 20 20
                                    

Nang marinig kong makakatanggap ako ng isang gintong medalya at 20,000 pesos ay agad akong napatitig sa medalya, wala akong maisip na sasabihin.

Kaya nang matanggap at mahawakan ko na ang medalya ay hindi ko napigilang maiyak, dahil ito na ang sign na palapit na ako ng palapit sa pinapangarap kong magiging isang wizard king.

“Hanggang dito nalang, maraming salamat sa inyong lahat!“ Sabi ni wizard king at bumalik na sa loob.

Nagsipalakpakan naman silang lahat habang kaming mga nabigyan ng parangal ay nakatayo lang sa gitna.

Hanggang sa unti unti nang umalis ang mga tao at ganun rin ang mga wizard knight, kaya umalis nalang rin ako at masaya ako naglakad.

Habang naglalakad ako ay may narinig akong mga guni guni.

“Siya yung may isang medalya ohh, ang hirap maniwala. Isipin mo, A5 Room student, tapos makakatanggap ng medalya, grabe ang astig!“ Sabi nung lalaki.

Nakangiti lang akong naglakad, dahil kanina lang dina-down nila ako pero ngayon ay may sinasabi  na silang maganda tungkol sakin.

“Whaaa!! Kuya!! Kuya!!“ Sabi nung batang babae na lumapit sakin.

“Ohh bakit.“ Nakangiti kong sagot.

“Salamat po dahil hinuli mo yung lalaking nag utos sa mga multo na gumawa ng masama.“ Sabi niya.

Dahil dun ay bigla akong nagtaka, dahil kung may hinuli man akong ganun ay malamang hindi ako yun, matatakutin pa naman ako pag dating sa mga multo.

“Ahh, ehh… hehehe, walang ano man bata.“ Sabi ko at nag lakad na ulit.

Yung tinutukoy siguro niya ay yung mga undead soldiers.

Ilang minutong pag lalakad ay nakarating na nga ako sa A5 Room, at dito ay pinalakpakan nila ako sa achievement ko.

Pagkatapos nun ay naging matiwasay na ang kingdom, ang tanging ginawa ko lang araw araw ay ang mag training, at tinuruan din nila akong gumamit ng potion. Dahil dapat daw may alas ako maliban sa physical, kailangang may magic pa ako pag dumating ang araw na mawawalan ng mana si dragu.

Lumipas ang mga araw, linggo at mag dadalawang buwan na ako sa academy. Natuto ako kung paano gumawa at gumamit ng potion. Tsaka syempre kaya ko nang mag push up ng 3000 counts.

Isang araw, habang nasa likod ako ng palasyo ay may isang royalty na lalaki ang nakakakita sakin na nag pu-push up.

“Eww, A5 Student. Anong ginawa mo dito sa likod?“ Tanong niya.

At dahil royalty siya ay sumagot ako ng may respeto, kasi nirerespeto dito sa kingdom ang mga kagaya niya.

“Nag t-training lang po.“ Sabi ko.

Agad naman niya akong dinuraan sa ulo na ikinabigla ko.

“Pwee! Umalis ka dito! Ngayon na!“ Sigaw pa niya at binugaw ako palayo.

Lumaki ang mata ko sa ginawa niya sakin at parang sumasabog na agad ang ulo ko sa galit.

“K-…. K-…. K-….kalma lang aiko, r-royalty y-yang… k-kaharap mo…” bulong ko sa sarili ko.

Agad akong tumayo at aakmang maglalakad paalis nang bigla niya akong sinipa sa likod.

“Heh! Low class human!! Untalented!! Wala kang skills!! Nakakadiri ka!!“ Sabi niya.

Dahil sa sinabi niya ay uminit pa lalo ang ulo ko, ngayon ko lang naintindihan kung bakit ganun nalang ang galit nung lalaking nakalaban ko dito sa likod ng palasyo noon. Naintindihan ko na kung bakit ganun nalang siya umasta sa mga mamamayan dito sa kingdom.

FANTASY: Aiko FritchzerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon