Nang tumama ang kamao ko sa panga niya ay bigla siyang nawalan ng malay na ikinakaba ko, tsaka tumingin ako sa libro niya at bigla itong nawalan ng aurang kulay pula na nakabalot at nahulog ito sa lupa.
Bigla akong napaatras, tsaka nagsalita yung babae.
“Teka! Anong mangyayare pag nawala yung aura namin sa libro!?“ Kabang tanong niya sa matanda.
Ngumiti lang yung matanda at sumagot.
“Normal lang yan, babalik rin dati ang libro niya pag nagising na yung lalaki.” Sabi ng matanda.
Napabugtong hininga ako sa narinig ko, ang akala ko ay mawawalan na ng libro ang mayabang na yun. Paano ako magiging wizard king kung ako mismo ang dahilan kung bakit mawalan ng book of magic ang isang tao.
Pagkatapos ng duwelong yun ay agad na akong umalis sa loob ng Tree Of Books, ano pa ang gagawin ko dun e'wala nga akong nakuhang libro.
Nalulumbay ako na malungkot habang naglalakad pauwi sa simbahan, yun na kasi ang tinuring kong tahanan.
Paano na ang pangarap kong maging wizard king, hindi pa naman makakapasok sa kingdom pag walang magic ang isang tao.
Pero okay lang, hindi pa rin ako titigil sa kaka training, papatunayan ko sa kanila na meron akong magic.
Ilang minutong paglalakad ay biglang may isang lalaking lumapit sakin at tinutukan ako ng kotsilyo.
“Akin na ang book of magic mo bata, kung ayaw mong mamatay.” pag babanta pa niya.
Naghubad ako ng damit tsaka ako humarap sa kanya at nagsalita.
“May nakita ka ba?” tanong ko.
Umiling lang siya at sumagot.
“Wala.” sabi niya.
“Wala naman pala ehh, ano pa ba ang maibibigay ko sayo?” malungkot kong sabi.
Dahil dun ay pinakiramdaman niya ako at wala siyang maramdamang aura sa katawan ko.
“I see, kawawa ka naman pala. Bat ka kasi pumunta sa the tree of books, e'wala ka naman palang talent?“ Tanong niya at natawa.
Hindi ko nalang siya sinagot at dito nga ay umalis siya sa harap ko.
“Che! Sinayang mo ang oras ko bata!” ika pa niya at naglakad.
Mas naa'awa ako sa lalaking yun, dahil magnanakaw ng mga libro sa mga batang baguhan at wala pang alam, siguro mahina yun. Dahil marami namang mga high class na libro sa kingdom pero bat napili niya dito sa valley magnakaw diba? Kaya pinigilan ko siya.
“Hoy!” sabi ko sa kanya.
Hindi niya ako pinansin at lumipad siya sa ere gamit ang walis kaya hindi ko mahabol, pipigilan ko sana ang lalaking yun dahil isa sa mga babaguhin ko pag naging wizard king ako ay ang mga taong kagaya niya.
Huminga ako ng malalim at nagpatuloy na sa pag lalakad, hanggang sa lumipas ang ilang minuto at nakarating na ako sa simbahan. At sa labas ng pintuan ay nag hihintay ang kapatid kong si julie.
Nang makita niya ako ay masaya siyang tumakbo palapit sakin at nagsalita.
“Ano na kuya aiko? May nakuha ka bang libro?” tanong ni julie na parang nag niningning ang mga mata niya sa excite.
“Wala julie.” Mahina kong sabi at ngumiti.
Bigla namang nalungkot si julie sa narinig at sumagot.
“G-ganun ba… hehehe… sge po.“ Mahina niyang sabi at napalitan ng lungkot ang napaka masayahin niyang mukha.
Umalis siya sa harap ko na ipinagtataka ko, napansin ko nalang si sister rebecca na nasa gilid.
BINABASA MO ANG
FANTASY: Aiko Fritchzer
FantasyAiko Fritchzer lives in the town of Thirstians Valley, where poor people and children who grow up without talents and skills are live there. Aiko grew up in an orphanage, when he was a young, he was trained to cook, do laundry, and do housework, so...