CHAPTER 03

239 14 14
                                    

Nang minulat ko ang mga mata ko ay dito ko nakita ang isang maliit na dragon na nakapatong sa balikat ko at bigla nalang nawala yung maputing babae.

“Teka, ano to?“ Mahina kong sabi habang yung maliit na kulay puting dragon ay nakapatong lang sa balikat ko at natutulog.

Napansin ko ring may aurang nakapalibot sa kanya at ang kulay nito ay puti na ipinagtataka ko, kasi sa pag kakaalam ko ay apat lang ang elemento ng magic at ito ay ang fire, water, earth, and wind.

Habang nakapatong siya sa balikat ko ay unti unting nag he-heal ang sugat ko, hanggang sa bumalik na sa dati ang katawan ko at bumalik na rin sa normal ang lakas ko.

“Wow! Salamat munting kong kaibigan!“ Mangha kong sabi.

Hindi ko alam kung anong klaseng aura ang nakapalibot sa kanya, pero nagpapasalamat ako dahil hindi lang niya hinilom ang sugat ko kundi binalik pa niya ang lakas ko.

Nang ma fully healed na ako ay bumalik na ako sa kaka push up.

*SISTER REBBECA's POV*

Nandito ako ngayon sa palayan, tiningnan ko kung may bunga na yung tinanim naming kamatis dahil paborito ng mga bata ang egg with tomatoes na ulam.

Habang nag hahanap ako ng kamatis ay biglang may mga lalaki ang napadaan sa palayan.

“Alam mo ba? Na bukas na magaganap ang fight test.” tanong ng isang lalaki.

“Oo, alam ko. Sino kaya ang pinakamalakas na magic user dito sa valley para ipapadala sa Element kingdom, at doon ay pa'aaralin sa element school academy?“ Tanong ng isa pang lalaki.

“Ewan, ang dami nating mga kabataan ngayon na nakatanggap ng book of magic, malamang sa malamang ay hindi magiging madali to.“ Sagot ng isa.

“Hindi na ako makakapaghintay.“ Ika pa ng isa pang lalaki.

Nag uusap pa sila pero hindi ko na marinig dahil napakalayo na nila sa palayan.

Oo nga pala, taon taon may fight test dito sa valley, at pinamumunuan yun ni professor, yung matandang nagbabantay sa the tree of books library.

Habang nag hahanap ako ay may nakita akong pitong kamatis.

“Sakto na'to.“ Sabi ko at ngumiti.

Bumalik ako sa simbahan at doon ay nagluluto.

*AIKO's POV*

Habang nag ti-training ako ay nakadikit lang sa balikat ko yung dragon, kaya hinding hindi ako mauubusan ng lakas dahil palagi niya akong binibigyan.

“997… 998… 999… 1000!“ Sabi ko habang nag pu-push up at dito nga ay napahiga ako sa lupa.

“Hooh! Salamat at tinulungan mo ako sa training ko munting kaibigan.“ Sabi ko.

Napangiti nalang ako dahil nagiging x10 yung lakas ko kanina pa, 100 push up lang kasi ang kaya kong gawin, pero noong nandito ang dragon na iyan ay kaya ko nang mag push up ng 1000.

Napatingin ako sa ulap habang nakahiga, at dito ko nakita na mag hahapon na pala.

“Luh? Asan na yung araw?“ Tanong ko sa sarili ko tsaka ako tumayo at umakyat sa puno. Dito ko nakita na palubog na pala yung araw.

Hindi ko namalayan ang oras dahil sa sobrang saya ko, syempre nagiging mas malakas ako dahil sa dragon na iyon.

Kaya bumaba ako ng puno at kinuha ko yung dragon sa balikat ko at hinarap ko sa sarili ko.

“Oras na para mag paalam munti kong kaibigan.“ Sabi ko at binitiawan ko siya.

Pag bitaw ko sa kanya ay biglang lumaki ang mga mata ko dahil lumutang siya sa ere.

FANTASY: Aiko FritchzerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon