Pagkatapos ng meeting na'yun ay pinapabalik na kami ng wizard king sa aming mga room at ang ibang captains ay nagsimula nang mag imbestiga samantalang ang iba ay nandito lang sa kingdom.
Nang makabalik na ako sa A5 room ay sinabi ko sa kanila ang totoong dahilan kung bakit nakapasok dito ang mga undead.
“H-HA!?? YUNG LALAKING YUN!!??“ Gulat na sabi ni aiko.
“Oo bata, nakita mo na pala ang batang yun. Pero natalo ka pa sa duwelo ninyo noong inayaka niya, kaya dapat sayo ay parusahan!“ Sabi ko.
Agad namang nagulat si aiko sa sinabi ko at dito nga ay nag cast ng spell ang succubus ko at pinapalabas niya ang mga paniki.
“Ngayon, kung ayaw mong mamat*y. Umalis kana at mag training ka!“ Sigaw kong sabi.
Agad naman siyang tumakbo palayo dahil alam kong lalabas ang elve form ng dragu niya dahil mag rereklamo iyon pag malapit nang maubos ang mana nila. Physical kasi ang training ni aiko kaya kailangan talagang mag labas ng energy si dragu tapos kakagaling pa lang ni dragu na mag heal sa kapwa niya elves. Napakalaking mana ang nawala sa kanya.
Hinayaan nalang muna namin si aiko at dito nga ay nag focus muna ako sa ibang kaklase ni mia dahil hindi pa nila alam kung paano mag fusion ang hayop na nasa balikat nila at ang sila.
Ang tanging makakagawa palang nun dito sa element kingdom ay ako at si mia, kaya hindi na ako nagdadalawang isip at tinuruan ko na sila kung paano pag iisahin ang kani kanilang mga katawan.
*SISTER REBBECA's POV*
“Kamusta na kaya si aiko? Sana makapasa siya sa exam no para meron na tayong sorcerer dito sa simbahan.“ Sabi ko habang pinaliguan ko si julie at si stephen.
“Hahaha! Nakapasa na yun sa mga oras na'to! Si kuya pa! Nanununtok yun pag hindi niya kayang talunin sa mahika ang kalaban niya!“ Sigaw ni Stephen.
“Oo nga sister, kaya wag kanang mag alala.“ Sabi ni julie.
Pagkatapos kung paliguan silang dalawa ay agad ko na silang dinala sa harap ng simbahan at doon ay nagpatulong ako sa kanilang mag laba ng damit namin.
*AIKO's POV*
Nandito ako ngayon sa likod ng palasyo, ayoko mag training sa sparring ground dahil lahat sila ay may magic, ako lang ang wala.
“1,002… 1,003… Arrggh!!“ Sabi ko at nahiga sa lupa.
“Dragu!? May problema ba?“ Tanong ko dahil umabot naman kami ng 1,500 count pag nag pupush up, pero ngayon ay hindi manlang kami nakaabot ng 1,005.
Hindi sumagot si dragu at napansin ko ring hindi niya ako hini-heal.
Hindi ako makatayo dahil sa sakit ng dalawa kong kamay, wala akong pangtukod para makatayo kaya nahiga lang ako sa lupa.
“Hays dragu, pwede bang pahingi ng kunting energy? Pampatayo ko lang sana.“ Dagdag ko pa.
Hindi nag response si dragu kaya wala akong ibang choice kundi ang mahiga nalang muna.
Habang nakahiga ako ay biglang may isang taong patungo dito sa kinalalagyan ko.
“Ohh, nagkita nanaman tayo.“ Sabi niya.
Nang marinig ko ang boses niya ay agad akong nagulat dahil kaboses niya yung lalaking ka duwelo ko doon sa sparring ground.
“IKAW!!“ Sigaw ko sa kanya.
Nabigla naman siya at nagtanong.
“Ako? Bakit? May nagawa ba ako?“ Tanong niya.
Sumimangot ako at tumitig sa mukha niya since nakahiga naman ako ay kitang kita ko ang buo niyang mukha.
“Oo ikaw!! Ikaw ang nagdala sa mga undead soldiers na yun papasok dito!!“ Sigaw kong sabi.
Agad naman siyang nagulat sa sinabi ko.
“P-pano mo nalaman!?“ Gulat niyang tanong.
“Na bisto kana! Wala kanang takas ngayon! Hinahanap kana ng mga captains!“ Sigaw kong sagot.
Nagulat talaga siya sa narinig, kaya huminga siya ng malalim at sumagot.
“Hahaha, its look like tapos na ang pag papanggap kong mahina.“ Sabi niya.
Agad akong nagulat sa sinabi niya.
“Anong ibig mong sabihin!?“ Sigaw kong tanong.
Ngumiti siya at tinanggal ang kingdom uniform academy at dito ko nakita na may badge siya sa gilid.
“T-teka!? Isa ka bang… wizard knight!?“ Tanong ko.
Agad naman siyang natawa.
“Opps, Ex-wizard knight!“ Sabi niya at nagsalita pa.
“Mga wala kayong kwenta!“ Dagdag pa niya.
Hindi ko siya maintindihan.
“Paano mo nagawang magtaksil!!?“ Sigaw kong tanong.
Nagulat naman siya sa tanong ko.
“Ops? Hindi ako tumaksil bata, sila mismo ang nagpaalis sakin matapos kong iligtas sa kapahamakan ang anak ng isang royalty doon sa palasyo!“ Sabi niya.
Naguguluhan ako sa sinabi niya.
“Anong ibig mong sabihin? Kung niligtas mo ang isang royalty, dapat nakatanggap ka ng paranggal diba?“ Tanong ko.
Bigla namang sumeryoso ang mukha niya at nagsalita.
“Kaya nga!! Dapat ma-promote ako dahil niligtas ko ang isa sa pinakamahalagang uri ng tao dito sa kingdom!!“ Sabi niya.
Wala akong masagot dahil hindi ko alam ang buo niyang dahilan kung bakit siya nagiging masama.
“Pero ano ang ginawa nila!? Pinarusahan nila ako at ginawang criminal!“ Dagdag pa niya.
Dahil dun ay agad akong nabigla tsaka nagsalita pa siya.
“Nang makita ako ng ama ng batang niligtas ko ay bigla siyang tumawag ng wizard captain para ipadakip ako! Dahil sinibukan ko raw na pat*yin ang anak nila!!“ Sabi niya na may galit.
Biglang lumaki ang mata ko sa narinig, kaya wala na akong masagot.
“Dinakip nila ako at nilagay sa bilangguan! Nag durusa ako ng ilang taon sa loob ng walang kwentang kulungan na yun, kaya habang nasa loob ako ng kulungan ay nag training ako araw araw para mas lalong lumakas ang magic ko!“ Sabi niya at nagsalita.
“Kaya ngayong nakalabas na ako, oras na para mag higante, at ito palang ang simula ng paghihiganti ko.“ Dagdag pa niya at naglakad paalis.
Hindi ko matanggap ang rason niya, kaya kahit wala akong lakas na natira ay sinubukan kong tumayo kahit napakasakit na ng katawan ko.
“Para yun lang?“ Sabi ko at huminga ng malalim para makarecover sa sakit ng katawan ko.
“Para yun lang!!? Dadamayin mo na ang lahat ng inosente dito sa kingdom!!??“ Sigaw kong sagot.
Agad naman siyang mapahinto at napikon sa pasigaw kong sagot.
Tumingin siya sakin ng may galit at nagsalita.
“Wala kang alam sa nararamdaman ko nang mga araw na yun paslit, kaya wala kang karapatan na sabihin sakin yan sa likod ko!!“ Sigaw niyang sabi at galit na galit na lumapit.
To be Continue…
PLEASE DO FOLLOW ME AND DONT FORGET TO VOTE!
SENYORITONG ANEL.
BINABASA MO ANG
FANTASY: Aiko Fritchzer
FantasyAiko Fritchzer lives in the town of Thirstians Valley, where poor people and children who grow up without talents and skills are live there. Aiko grew up in an orphanage, when he was a young, he was trained to cook, do laundry, and do housework, so...