Nang malaman kong kinukontrol pala ito ng batang royalty ang mga undead ay agad kong napagdesisyunan na e dispel ang mga soldiers na ito, dahil kung malalaman ng boss nila sa dungeon na pinuksa namin ang mga soldiers niya ay malamang susugod yun rito sa kingdom at madadamay pa yung mga taong walang kapangyarihan.
“DARK ELEMENT: Rapid Oath Dispel!!“ Sigaw ko at dito nga ay biglang may isang kulay violet na medyo maitim ang lumabas sa ere at nagsilabasan yung mga paniki sa bilog habang umiilaw sila ng violet.
“DARK ELEMENT: Circle Oath!!“ Sigaw ng napakaraming mga undead at skeleton na magkasama.
Sinangga nila ang mga atake ko kaya wala akong ibang choice kundi ang gamitin ang isa sa pinakamalakas na spell ng Succubus ko.
“DARK ELEMENT: ONE THOUSAND BAT;“ Sigaw ko at dito nga ay biglang may isang napakalaking kulay violet na bilog ang nakaharap sa lupa kung saan nandoon ang mga napakaraming mga undead soldiers.
Nang malaman ito ng mga wizard captains at teachers ay agad silang nagsilapitan sakin.
“Hoy! Wag mo silang puksain!“ Sigaw ni stevan, ang fire teacher na royalty.
“I know stev.“ Sagot ko dahil sobrang hina lang ng mga soldiers na ito, sobrang hina lang rin kasi ng nag kontrol sa kanila.
Ang lakas kasi ng mga undead at skeleton na yan ay depende sa kumu-kontrol sa kanila.
Pero napakalakas ng boss nila sa dungeon, pag nalaman niyang ginanito namin ang mga soldiers niya ay malamang sa malamang magagalit yun at siya ang mag kokontrol sa mga undead, dahilan para mas lalong lalakas ang mga nandito sa kingdom.
“Ito na! Ititira ko na!“ Sigaw ko.
“Sge, basta wag lang silang mapuksa!“ Sigaw ni stev.
Tumango lang ako at dito nga ay binanggit ko na ng buo ang spell para magsilabasan na sila sa bilog.
“DARK ELEMENT: ONE THOUSAND BAT; DARK OATH DISPEL!!“ Sigaw ko.
Agad namang umilaw yung napakalaking bilog at nagsilabasan ang ubod ng daming paniki na umiilaw at lahat sila ay tatama sa dibdib ng mga kalaban kung saan kino-kontrol sila ng mahika.
Pero hindi rin nagpatalo ang mga soldiers na yun dahil nag cast rin sila ng spell bilang panangga.
“DARK ELEMENT: Rapid Circle Oath!!“ Sigaw nila at sinubukan nilang patamaan ang mga paniki ko, pero na dispel lang ito at nawalan ng saysay.
At dito nga ay tumama sa mga dibdib nila ang mga dispel na gawa sa paniki tsaka sila natumba at nagiging normal na bangkay at kalansay.
“Nice job miss.“ Sabi ni stev.
“Ikaw lang ang makakagawa nyan.“ Dagdag pa niya.
Ngumiti lang ako dahil napakahina lang kasi ng mga undead na yan, siguro kung mas malakas lang yung nag kontrol sa kanila ay malamang hindi tatalab ang mga dispel ko.
Tsaka kanina ko pa napansin na dalawang spell lang ang kaya nilang ilabas.
Tanging mga rare type spell caster lang na kagaya naming mga nasa A5 ang may kakayahan ng ganito, dahil pag inborn na sayo ang magic ay may apat lang na element ang pagpipilian, fire, water, earth and wind.
Pero ang mga inborn na walang magic na kagaya naming mga nasa A5 ay kami lang ang pwedeng magkaroon ng iba't ibang klaseng magic, kasi tanging samin lang lalapit ang mga elves.
*AIKO's POV*
“Hays sa wakas! Natapos na rin kayong e heal ni dragu.“ Sabi ko.
Nagpasalamat naman sila sakin at dito nga ay tiningnan ko yung kalansay, at nakahiga lang siya sa sahig ng room.
“Lumabas tayo! Sisiguraduhin nating okay lang yung ibang mga tao sa kabilang room!“ Sigaw ni mia.
SI MIA NGA PALA AY ANG KANANG KAMAY NI MISS MINERVA, SIYA ANG PRESIDENTE NG A5 ROOM. SI HAZEL NAMAN AY ANG VICE PRESIDENT AT SILA JOSH AT IBA PA AY ANG NORMAL STUDENTS.
“sge!“ Sagot namin.
Agad naman kaming nagsilabasan at paglabas namin ay sumalubong sa harap namin ang napakaraming mga paniki na umiilaw.
“Teka!? Ano ang mga yan!?“ Tanong ko.
Sumagot naman si mia.
“Mukhang naglinis si miss minerva.“ Sabi niya.
Tinignan ko yung mga paniki at nagsilapitan ito sa dibdib ng mga undead at kalansay, nang makalapit na ang spell ni miss ay bigla rin silang mababasag at pag nabasag na sila ay papasok sila sa armor papunta sa dibdib. At kalaunan ay mawawala na yung itim na ilaw sa dibdib ng mga undead tsaka lang sila agad na matumba at hindi na gumalaw.
“Yan ang dispel magic ng succubus ni miss.“ Sabi pa ni mia.
“Mukhang marami kang alam sa guro natin ah.“ Sabi ko.
Hindi ako sinagot ni mia at dito nga ay unti unting nagsilabasan ang mga bata sa iba't ibang room na walang aydeya sa nangyayare.
Tsaka napakarami ng mga undead na nagkalat sa daaan.
*MISS MINERVA's POV*
“Natapos ko nang e dispel ang mga undead soldiers.“ Sabi ko.
“Mabuti naman.“ Sabi ni stev at nagsalita pa.
“Ang problema nalang natin ay kung paano ito ibabalik sa undead dungeon na hindi magagalit ang boss nila pag nakita niya tayong dala dala ang mga soldiers niya pabalik sa kanyang kaharian na hindi na gumagalaw.“ Sabi ni stevan.
Bigla namang nag announce ulit ang wizard king.
“GOOD WORK CAPTAINS AND TEACHERS, IIMBITAHAN KO KAYO ULIT NA PUMUNTA SA MEETINGS ROOM!“ Sabi niya.
Agad namang pinapalapit ng mga captains ang mga wizard knight nila at inutusan nilang iligpit ang mga nagkalat na undead soldiers para makabalik na sa room ang ibang studyante sa kani kanilang room.
Pagkatapos nun ay magkasabay kaming sampu na pumunta sa meeting room.
Pagkarating namin doon ay pinapaupo kami ng wizard king sa upuan tsaka nagsalita ang kanang kamay niya.
“Alam na siguro ninyo na ang nag kontrol ng nga undead na yun ay ang batang royalty na hindi nakarehistro dito sa kingdom, nandito lang siya upang ipasok ang mga undead na yun.“ Sabi ni Frederick at nagsalita pa.
“Ngayon, gusto kong alamin ninyo mga captains kung ano ba talaga ang totoong pakay nila at kung sino ang nag utos sa batang yun para ipasok dito ang nga undead na hindi natin namamalayan.“ Dagdag pa niya.
To be Continue…
PLEASE DO FOLLOW ME AND DONT FORGET TO VOTE!
SENYORITONG ANEL.
BINABASA MO ANG
FANTASY: Aiko Fritchzer
FantasyAiko Fritchzer lives in the town of Thirstians Valley, where poor people and children who grow up without talents and skills are live there. Aiko grew up in an orphanage, when he was a young, he was trained to cook, do laundry, and do housework, so...