CHAPTER 15

147 9 6
                                    

Agad kong tinaas ang kamay ko at sa pag taas ko ng kamay ay biglang may isang kulay puting ilaw ang nakasunod sa mga kilos ko.

“Hoy, makinig ka.“ Sabi ko at tinuro ko siya.

“Tandaan mo ang pangalan ko.“ Dagdag ko pa at kahit hindi ako nag cast ng spell ay biglang may isang kulay puting bilog ang lumitaw sa ere.

“Ako si Aiko Fritchzer, at ako ang susunod na magiging wizard king.“ Sabi ko.

Nagulat naman siya sa mga binitawan kong salita, kaya dahil dun ay agad siyang napikon sa sinasabi ko.

“Haha, hahaha, hahahaha! Ikaw!? Magiging wizard king!? Nagpapatawa ka ba!!??“ Sabi niya at dito nga ay bigla siyang humarap sakin at nagsalita pa.

“FIRE ELEMENT: Fire Salamander: Armor Knight!!“ Sigaw niya.

Biglang may mga nag siliyabang mga apoy ang lumabas sa paligid namin at may bilog din na biglang lumabas sa harap ko tsaka nagsilabasan rin dito ang apoy niya at dumikit sa katawan niya tsaka ito nagiging armor.

“Nagka armor kalang ang yabang mo na!? Bakit!? Di ko ba kayang gawin yan, ha!!??“ Sigaw niyang tanong.

Kumalma lang ako at nagsalita.

“Magiging Wizard king ako, At lahat ng mga taong mahihirap ay tutulungan kong makaahon sa buhay, Lahat ng mga taong walang talent at skills ay bibigyan ko ng paaralan para doon sila matuto.“ kalma kong sabi at nagsalita pa.

“Babaguhin ko ang lahat pag naging Wizard king ako, Gagawin ko ang lugar na ito kung saan pantay pantay ang lahat ng mga tao, Mahirap man o mayaman, Royalty man o magsasaka, may talent man o wala. Dahil lahat ng tao ay may karapatan dito sa mundo at walang limitasyon sa buhay.“ Sabi ko pa.

Natawa naman siya sa sinabi ko at nagsalita.

“Haha! Pasensya kana bata! pero wala akong paki sa mga pangarap mo!! Nandito ako para maghiganti sa mga taong pinarusahan ako kahit wala akong ginagawang masama!!!“ Sagot niya at nag cast pa ng spell.

“FIRE ELEMENT: Fire Sword!!“ sabi niya at biglang may isang apoy ang lumabas sa bilog at nagiging espada ito.

Kumalma rin ako at kahit hindi ako nag cast ng spell ay biglang may isang Ice Sword ang biglang lumitaw sa harapan ko.

“Para magiging wizard king ako, kailangan kitang talunin, dahil masama ka.“ Sabi ko at nagsalita pa.

“Oo naintindihan ko ang nararamdaman mo, pero kung gusto mong mag higante, gantihan mo nalang yung mga gumawa nun sayo. Wag mo nang idamay ang mga inosenteng tao!!“ Sigaw ko at dito nga ay nagalit nanaman siya sa binitawan kong salita. Kaya sumugod siya sakin.

“Kyaaaahh!!!!“ Sabay lapit sakin at nag espadahan kami.

“KAILAN MAN! HINDNG HINDI MO MARARAMDAMAN ANG GALIT AT PUOT NA BUMABALOT SA KATAWAN KO NGAYON!!..“ Sigaw niya at nag cast ng spell.

“FIRE ELEMENT: Fireboll!!“ Sigaw niya, kaya nag cast rin ako ng spell.

“ICE ELEMENT: IceBall!!“ Sabi ko at dito nga ay nawalan ng epekto ang apoy niya.

“HINDI PA AKO TAPOOSS!!! FIRE ELEMENT: RAPID FIREBOLL!!“ Sigaw pa niya.

Lumayo ako sa kanya tsaka ako nag cast ng spell.

“ICE ELEMENT: Rapid Iceball!!“ sabi ko at nag banggaan ang mga mahika namin.

“AARRGGGHH!! FIRE ELEMENT: SALAMANDER'S BREATH!!!“ Sigaw niya.

Tinaas ko ang espada ko tsaka ko tinutok sa kanya.

“ICE ELEMENT: JADE DRAGON: ICE BREATH!!.“ Sabi ko pa at dito nga ay nag banggaan ang apoy at ang yelo naming mahika.

Sa sobrang lakas ng pinakawalan naming spell ay nakaapekto ito sa palasyo at nagsilabasan ang mga royalty.

“GAYA GAYA KA!!“ Sigaw niya at nag cast pa ng spell.

“FIRE ELEMENT: Salamander's ROAR!!“ Sabi niya.

Dahil sa spell na yun ay biglang may napakalakas at ubod ng laking apoy ang biglang nagkalat sa likod ng palasyo kung saan kami nag aaway, at dahil sa sobrang lakas at laki ng apoy niya ay kumalat ito sa buong paligid, nasusunog pati ang ibang parte palasyo. Sa sobrang laki ay umabot ito sa academy, at dito nga ay nagsilabasan ang mga studyante at mga teachers na may pagtataka sa mukha, naguguluhan sila kung ano ang nangyare.

“HAHAHA! MAMAT*Y NA KAYONG LAHAAATT!!“ Sigaw niya at mas lalong lumala pa ang sitwasyon dahil mas lalong palakas ng palakas ang mahikang yun.

Napapikit nalang ako tsaka ko hinawakan ang espada ko sa dalawa kong kamay at nag salita.

“Na'aawa ako sayo.“ sabi ko at nag cast ng spell.

“ICE ELEMENT: JADE DRAGON; ICE SPIKE;; ICE BREATHS!!“ Sigaw ko pa.

Bigla namang lumamig ang simoy ng hangin at dito nga ay biglang may isang napakalaking bilog na kulay puti ang sumentro sa buong kingdom at may nag silabasang mga snow na ikinagulat niya.

“PASENSYA NA, PERO ANG KALABAN MO NGAYON AY ISANG RARE TYPE ELVE, JADE DRAGON FORM: AIKO FRITCHZER!!“ Sabi ko at tinaas ko ang espada ko.

Pag taas ko ng espada ko ay bigla namang nagsilapitan ang mga snow tsaka ko ito ginawang tornado.

“ICE ELEMENT: TORNADO ICE SPIKES!!“ Sigaw ko pa at tinira ko sa kanya.

Nagulat naman siya sa pinakawalan kong mahika at tumingin siya sa piligid, pag tingin niya ay nagulat nalang siya dahil ang mga apoy niya ay nagiging yelo.

“AAAAAAHHHH!!! HINDI PA DITO MATATAPOS ANG ANG LABANANG TOOO!!!!“ sigaw niya at aakmang mag ka-cast ng spell pero huli na ang lahat, dahil nakalapit na ang tornado ko. At dito nga ay napalibutan ng ice ang buo niyang katawan.

Natapos ang labanan namin nang walang namat*y, pansamantalang nakakulong siya sa ice magic ko at matutunaw lang ang ice na iyon pag tinanggal ko ang ang spell.

Tsaka dapat huwag galawin ang ice, dahil kung mababasag ang ice na iyon ay mababasag rin ang katawan niya, dahilan para tuluyang mamat*y ang kung sino man ang mabalot ng yelo ko.

“Sorry, pero nasa maling paraan ka gumanti.“ Sabi ko pa.

Agad namang nagsidatingan ang limang teachers at tatlong wizard captains at ang napakaraming mga wizard knights.

“Teka!? Ano ang nangyayare dito sa likod ng palasyo!?“ Sigaw nung lalaking royalty teacher.

Agad namang nagsidatingan ang mga iba pang studyante, sobrang dami ang pumunta sa likod ng palasyo.

Nagulat nalang ako dahil biglang lumuhod ang limang teachers at tatlong wizard captains. Tsaka lumuhod rin ang ibang mga wizard knights.

Hindi ko namalayan na nasa likod ko na pala ang wizard king kasama ang kanang kamay niya.

To be Continue…


PLEASE DO FOLLOW ME AND DONT FORGET TO VOTE!

SENYORITONG ANEL.

FANTASY: Aiko FritchzerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon