CHAPTER 6

206 14 10
                                    

Pagkatapos kong magplaam sa mga sisters at kay father ay dinala nga ako ni professor sa elements kingdom, habang nasa ere kami at nakasakay sa walis niya ay bigla kaming hinarangan ng isang babaeng wizard at nagsalita.

“Patingin ng permission paper nyo?“ Sabi niya.

Huminto ang walis sa ere at pinakita ni professor ang papel.

“Okay, sensya na sa abala.“ Sabi ng babae.

Pagkatapos nun ay agad na kaming nagpatuloy sa element kingdom.

Ilang segundo lang ang lumipas ay nakarating na nga kami doon sa gate, kaya binaba na ni professor ang walis at lumapit kami sa guard doon na nag babantay sa labas.

“Oh professor, yan na ang huling naka pasa sa fight test?“ Tanong ng guard.

Ngumiti lang si professor at tumango.

“Hello, magandang umaga.“ Sabi ko.

Tinitigan niya ako tsaka siya nagtaka.

“Anong hayop yang nasa ulo mo?“ Tanong niya sakin.

Sumagot naman si professor.

“Yan ang rare type elves dragon form, kakaiba ang hayop na yan, kagaya ng owner o amo niya.“ Sabi ni professor at pinakita ang permission paper.

“Haha, kakaiba nga ang batang yan dahil wala akong naramdamang magic aura.“ Sagot ng guard at Nagsalita pa.

“Pumasok kana bata.“ Sabi nung gwardiya.

Agad akong pumasok at si professor naman ay nagpaiwan.

Pag pasok ko ay dito ko nakita ang limang kasamahan kong nanalo doon sa fight test.

"Uhmm... Hi, kamusta kayo? " sabi ko.

Tinitigan lang nila ako at hindi sila sumagot, kaya ngumiti nalang ako at hinayaan ko na sila.

"Pero ano na ang susunod naming gagawin ngayon?" sabi ko sa isip.

Nakatayo lang kami sa gate at maya maya lang ay lumapit na yung guard samin.

"Pasensya na sa pag hihintay. Nakikipag usap lang ako kay professor." sabi niya.

"Tara na." kunting sabi ng isang lalaki.

Agad naman kaming naglakad papunta sa palasyo.

Habang nag lalakad kami ay napakaraming mga tao ang nagbebenta sa gilid ng mga iba't ibang uri ng walis, at may mga magic wand din.

"Wow!" mangha kong sabi.

Tumingin tingin ako sa gilid at may mga kunting tao ang bumibili at naglakad lakad sa daan.

Habang nag lalakad kami ay may napansin akong napakadaming tao sa medyo di kalayuan.

"Malapit na tayo." sabi nung guard.

Agad akong napangiti, kaya pala napakaliit lang ng tao dito sa bentahan dahil nandoon pala silang lahat sa malaking palasyo nakaabang.

Ilang segudong pag lalakad ay nakarating na nga kami sa maraming mga tao, kaya habang nag lalakad kami ay napakaraming nag iingay sa gilid.

"Whoooh!" may mga bagong mag e-enroll nanaman!" sigaw nila.

"Goodluck sa inyong lahat! " sigaw pa ng isa.

Nakangiti lang ako at nang makalapit na kami sa palasyo ay dito ko napansin na may isang gate pa na may mga gwardyang nakaharang.

Dito ko na naintindihan kung bakit napakarami nilang nag aabang sa gilid dahil hindi pala sila makakapasok sa loob.

FANTASY: Aiko FritchzerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon