Lumipas ang ilaw araw matapos kong makalaban yung Ex-wizard knight ay Maaga akong nagising para mag training, syempre napakasaya ko dahil kaya ko nang makipag kaisa kay dragu, tsaka ang astig ko tingnan pag naging armor ko siya.
“1,997… 1,998… 1,999… 2,000… Aarrgghh!!!“ Sabi ko sabay higa sa lupa.
“Grabe, nakakaabot na ako ng 2,000 push up pag magkaisa kami ni dragu.“ pagsasalita ko pa ng mag isa.
“I wonder kung kailan lalabas yung babaeng nakita ko sa isip.“ Dagdag ko pa.
Habang kinakausap ko ang hangin ay biglang dumating si miss minerva.
“Hoy bata, bumalik ka sa A5 Room.“ Sabi niya.
Agad akong napatingin sa kanya at sumagot.
“H-ha? Bakit naman?“ Tanong ko.
Dito nga ay kinuha niya ang voodoo doll niya na kamukha ko at nagsalita.
“SINONG…” sabi niya sabay kuha ng karayom.
“NAG SABI SAYONG…” dagdag pa niya at tinusok tusok niya ng pw£t ng Voodoo doll
“MAG TANONG KAA!!“ Sigaw niya.
Agad akong napatayo at tumalon talon sa sakit.
“AAAAAAHHHHH!! O-OKAY!! S-SORRY!! S-SORRY!!“ Sigaw ko sabay takbo papuntang A5 Room.
Sa sobrang bilis ko tumakbo ay agad akong nakarating sa A5 Room.
Aakmang papasok na sana ako sa loob pero pag dating ko sa harap ng pintuan ay nakita ko ay isang kanang kamay ng wizard king na nandoon.
Kaya nang makita niya akong nakatayo sa pinto ay agad siyang nagsalita.
“Ohh, nandito kana pala.“ Sabi niya.
Agad akong nagtaka.
“A-ano pong meron?“ Tanong ko.
Ngumiti naman siya at sumagot.
“Pumunta ka sa palasyo mamaya, doon mismo sa may gate.“ Sabi niya.
Naguguluhan ako.
“Bakit naman sir?“ Tanong ko ulit.
Huminga siya ng malalim at sumagot.
“Kasi ngayon na magaganap ang monthly award, since may naambag ka noong makalipas ang ilaw araw ay makakatanggap ka ng award galing sa wizard king.“ Sabi niya.
Nang marinig ko yun ay agad na lumaki ang aking mga mata at naging sobrang saya ko.
“W-wow!! Nakakainggit ka aiko, halos mag dalawang buwan na ako dito pero wala pa akong ganyan na makukuha.“ Sabi ni josh.
Agad ko naman tinapik-tapik ang balikat ni josh.
“HA! HA! HA!… Wag kang mag alala, Hahatian kita ng pagkain pag natapos ko nang makuha ang award na sinasabi niya. HA! HA! HA!“ Natatawa kong sabi habang ubod ng saya.
Ngumiti naman si josh at dito nga ay umalis na ang kamang kamay ni wizard king.
Pagkaalis nung lalaki ay saktong nakabalik na rin si miss minerva kaya agad kaming natakot at sila hazel, mia, at josh, ay bumalik na agad sa pag bubuo ng potion.
“Ahh… ehh… m-maliligo na ako!!“ Sabi ko at dito nga agad akong pumunta sa kwarto ko.
PARA SA KAALAMAN NG LAHAT, ANG BAWAT ROOM NG A1 TO A5 AY MAY KANYA KANYANG KWARTO PARA SA MGA STUDYANTE, DAHIL DITO NA SILA MATUTULOG, KAKAIN. PARANG SECOND HOME LANG AT ANG TEACHERS AY ANG SECOND MOTHER O FATHER.
Pagkatapos kong maligo at kumain ay agad na akong pumunta sa harapan ng palasyo, at dito nga ay nakita ko ang napakaraming mga tao ang nag abang.
Nang makita nila ako ay agad silang nagtaka.
“Diba ang uniforme na sout niya ay pang witch? Ibig sabihin galing siya sa A5 Room?“ Sabi nung lalaki.
“Hahaha, mahina pala ang batang yan.“ Sagot naman nung isa.
Agad akong sumimangot at hindi ko sila pinansin, nagpatuloy akong maglakad at pumunta ako sa pinakaharap ng palasyo at doon ay nakatayo.
“Luh, may A5 Room student ang nandito. Wala ba yang pasok?“ Sabi nung ali.
“Wala siguro, mahihina naman ang mga A5 Room student ehh “ sagot pa nung isa.
Medyo naiirita ako sa mga taong to, kaya hindi ko nalang sila pinansin.
Ilang minutong pag aantay ay lumabas na ang isang wizard king na suot-suot ang mala-royal na kapa niya at ang kurona.
Nang makita ng mga tao ang king ay agad silang nagsihiyawan.
“Whhaaaa!!!! Nandito na ang wizard king!!“ Sigaw nila.
Tumalon talon ako sa saya, dahil nakita ko nanaman ang pangarap ko.
“Woohooo!! Mabuhay ang wizard king!!“ Sigaw ko sa saya.
Agad namang nagsalita ang wizard king.
“Maraming salamat sa lahat ng pumunta.“ sabi niya.
Nag hiyawan nanaman kaming lahat.
“Napaka importante ang araw na ito para sa ating mga wizard soldiers, dahil ang araw na ito ay ang palatandaan na may naitulong sila sa ating mamayaman at may na protektahan.“ Sabi pa niya.
Napakaraming pa niyang sinasabi, hanggang sa ina-nounce na niya ang mga mabibigyan ng award.
“WIND ELEMENT: WIZARD KNIGHT; Aaron Magalet, Jason Haker, Hanna Virke, at Kleah Dharlie, Nakakatanggap kayong apat ng kabuoang sampung gintong medalya at tumatagingting na 500,000,00 pesos dahil sa katapangan ninyong pumunta doon sa undead dungeon para ibalik ang mga undead soldiers, at marami din kayong na-accomplished na mga mission sa loob ng isang buwan.“ Sabi niya
Nagsihiyawan naman kaming lahat at pinapalakpakan namin sila, hanggang sa binigyan pa yung ibang mga knights ng medalya.
FIRE ELEMENT: 3 knights, 7 medals. ₱350,000,00.
WATER ELEMENT: 5 knights, 5 medals. 250,00,00.
EARTH ELEMENT: 2 Knights, 5 medals. 250,000,00.
“Sila ang pinakamatapang at walang takot na nag buwis ng buhay para sa ating kaligtasan! Kaya palakpakan natin ang ating magigiting na mandirigma!“ Dagdag pa ni wizard king.
Bigla kaming nag sihiyawan, hanggang sa may ina-nounce pa ang wizard king.
“At ang pang huli…” sabi niya at huminga ng malalim tsaka nagsalita.
“Ang matapang nating estudyante na walang takot na hinarap ang ex-wizard knight na sanhi ng kaguluhan makalipas lang ang ilaw araw.“ Sabi ni wizard king at nagsalita pa.
“Siya si, ICE ELEMENT: ELVE's FRIEND; JADE DRAGON USER: AIKO FRITCHZER!!“ Sigaw ng wizard king.
Dahil dun ay agad akong tumalon ng napakalakas at tumakbo ng napakabilis papunta sa harapan nilang lahat tsaka ko pinakita ang napakalaki kong mga muscles.
“KYAAAHHHH!!! AKO ANG SUSUNOD NA MAGIGING WIZARD KING!!!“ sigaw ko sa lahat ng tao.
Bigla naman silang nagtawanan, pati ang wizard king ay natawa rin, tsaka ako lumapit sa kanya at nagsalita.
“Oy!! Oy!! Ang ganda ng pagkagawa mo ng intro ko ha!“ Sabi ko sa wizard king.
Nagtawanan nanaman lang silang lahat tsaka nagsalita na agad ang wizard king.
“ICE ELEMENT: AIKO FRITCHZER, Makakatanggap ka ng isang Gintong medalya at 20,000 pesos! Dahil sa katapangan mong hanapin at harapin ng nag iisa ang makasalanang ex-wizard knight.“ Sabi niya.
To be Continue…
PLEASE DO FOLLOW ME AND DONT FORGET TO VOTE!
SENYORITONG ANEL.
BINABASA MO ANG
FANTASY: Aiko Fritchzer
FantasyAiko Fritchzer lives in the town of Thirstians Valley, where poor people and children who grow up without talents and skills are live there. Aiko grew up in an orphanage, when he was a young, he was trained to cook, do laundry, and do housework, so...