CHAPTER 5

218 11 8
                                    

“AAAAAHHHH!!“ Sigaw ko at tumakbo, pero natamaan nanaman ako.

“AAIKKOOO! TAMA NA YAN!!“ Sigaw ni sister rebbeca.

Sinubukan kong tumakbo at natamaan nanaman ako sa apoy niyang sumasabog, sa sobrang dami ng tama ko ay sobrang dami rin ng pag sabog, at dahil marami yung sumabog na apoy ay marami ring mga usok ang nagkalat.

“HAHAHA! REST IN PEACE! AI…KO…” sabi niya.

At dahil maraming usok ang nagkalat ay pabor na pabor sakin yun para gawing taguan, kaya habang marami ang usok sa paligid ay hini-heal rin ako ni dragu, hindi ako nagpakita agad o nag response.

Hanggang sa lumipas ang ilang segundo at ang akala niya ay hindi na ako makatayo pa sa ataking yun kaya agad siyang napangiti at tumalikod, dito nga ay biglang lumipad si professor at aakmang i a-anounce ang panalo nang bigla akong lumabas sa usok at tumakbo papunta sa kanya.

Nang makalapit na ako sa likod niya ay tsaka lang niya ako napansin, kaya aakmang lilingon na sana siya pero huli na ang lahat. Nakalapit na ako sa kanya.

“Hindi pa ako pwedeng mamatay…” sabi ko at napansin niyang parang wala akong sugat.

Nabigla naman siya sa nakita niya.

“Dahil magiging…” dagdag ko pa sabay hawak sa leeg niya.

“Wizard king…” ika ko pa at bininat ko ang kamao ko.

“Pa akoooooo!!!…” sigaw ko at dito nga ay sinuntok ko siya sa pinakamalakas na paraan.

“AAAAAAAHHHHH!!!….“ Bigla niyang sigaw at dito nga ay tumama ang kamao ko sa likod ng ulo niya.

Sa sobrang lakas ng pagkakasuntok ko ay biglang nawala ang maliit na itim sa gitna ng mata niya at nagiging puti ang kulay, sign na nahimatay siya sa lakas at gulat.

“Heh! Napaka careless mo!“ Sabi ko.

Bigla namang nagsigawan silang lahat, pati na rin sila father.

Napailing nalang si professor at natawa.

“HAHA! NAKAKALOKA TALAGA ANG BATANG TO!“ Sabi niya na naka announce pa.

“THE WINNER IS… UNKNOWN TYPE OF ELEMENTS MAGIC: AIKO FRITCHZER!“ Sabi ni professor.

Bigla akong tumalon sa saya, tsaka tumingin ako kay Stephen at napatalon rin sila ni julie sa saya.

Agad na akong bumaba sa stage, tsaka yung mga healer ay dali dali nilang kinuha si jaiko na nakahilata sa stage.

“Ang galing mo aiko!!“ Sigaw ni stephen.

“Yeah!!“ Sagot ko sa kanya at lumapit.

“Congratulations.“ Sabi ni sister rebbeca.

“Ganyan nga aiko!! Kasali kana sa ipapadala sa elements kingdom!! Anim daw ang mapipili ngayon!!“ Sigaw ni father.

Agad akong nabigla sa sinabi ni father.

“H-ha!? Ibig sabihin ito na ang last round battle!?“ Bigla kong sabi.

Tumango naman sila sister rebbeca, at dahil dun ay hindi ko ma explain ang nararamdaman ko, dahil ito na ang simula ng journey ko papunta sa parangap kong magiging isang wizard king.

Sumama ako sa kanila habang pinanonood namin ang susunod na kalahok, hindi ko masasabing nagpapahinga ako dahil wala naman akong kunting sugat o pasa. Iba talaga ang kapangyarihan ni dragu.

Lumipas ang ilang battles ay natapos na ang fight test ng tanghali, kaya pinapahinga na muna ni professor ang mga nanalong kalahok at kumakain rin ng tanghalian ang mga nanonood.

FANTASY: Aiko FritchzerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon