“Teka!? Ano ang nangyayare dito sa likod ng palasyo!?“ Sigaw nung lalaking royalty teacher.
Agad namang nagsidatingan ang mga iba pang studyante, sobrang dami ang pumunta sa likod ng palasyo. Nagulat nalang ako dahil biglang lumuhod ang limang teachers at tatlong wizard captains. Tsaka lumuhod rin ang ibang mga wizard knights.
Hindi ko namalayan na nasa likod ko na pala ang wizard king kasama ang kanang kamay niya, kaya agad akong napalingon sa likod at pag lingon ko sa kanya ay agad na lumaki ang aking mga mata, ito ang kauna unahang nakakita ako ng wizard king.
Agad akong lumuhod habang naka Ice water armor form ako, yung jade dragon ko ay nakalutang lang sa ere at medyo malaki siya ngayon.
“Maganda ang ginawa mo bata, paano mo nahanap ang lalaking yan?“ Tanong niya sakin.
Agad akong nataranta sa sinabi niya.
“Ahh… eh… a-ano… ehh… N-napadaan l-lang habang n-nag t-training… a-ako wizard king!!“ Nataranta at nauutal kong sabi.
Agad naman siyang ngumiti at nagsalita.
“Good job at natalo mo ang ex-wizard knight na'yan.“ Sabi niya.
Agad na lumaki ang aking mga mata dahil pinuri ako ng wizard king.
“Imposible!!“ Sigaw ng lalaking royalty sa likod ko.
Agad kaming lumingon sa kanya tsaka nagsalita pa siya.
“Imposibleng makakatalo ang untalented student na yan ng isang wizard, at isa pa talagang knight ang natalo niya. It takes a year para maging wizard knight tapos matatalo lang ng isang new comer na walang skills? Imposible talaga!!“ Sabi niya at nag walk out.
Dahil sa sinabi niya ay agad na sumagip sa isip ko ang sinabi ni miss minerva na mag training ako, at si miss rin ang dahilan kung bakit pinilit ko ang sarili kong mag training. At ngayon ay dahil sa 50/50 kung buhay ay nagawa kong makipag kaisa kay dragu.
Agad akong tumingin kay miss at nakita ko siyang nakangiti, pero nawala rin agad dahil tumingin sa kanya ang wizard king at nagsalita.
“Mukhang sineryoso ni miss ang sinabi ko kanina sa meeting room na palabasin niya ang tunay na kakahayan ninyo ah.“ Pagpupuri pa ng wizard king kay miss.
Agad namang sumimangot si miss minerva at dito nga ay kinuha niya ang voodoo doll na kamukha ko tsaka siya galit na galit na nagsasalita.
“SINONG…. (sabay kuha ng karayom) NAGSABI SAYONG…. (tinapat niya sa pw£t ng manika ang karayom) GUMAWA KA NG GULOOOOO!!!!!“ sigaw niya at dito nga ay pinag tutusok niya ang pw£t ko.
“AAAAAHHH!!! S-SORRY!! S-SORRY!! AAAAAAHHHH!!“ Pag sisisgaw ko pa dahil sa sakit.
Tumalon talon ako at patakbo takbo sa ere, napailing nalang ang wizard king at nagsalita.
“Ahays, kahit kailan talaga miss. Napaka brutal mo pag dating sa mga bata.“ Dagdag pa ni wizard king at dito nga ay agad siyang naglakad papunta sa lalaking napalibutan ng yelo at dinispel niya ang magic ko.
Agad namang naging tubig ang mga yelo na nakabalot sa lalaki tsaka nagsalita pa ang wizard king.
“Kung mamaarapatin mo, kukunin namin ang lalaking to para imbestigahan.“ Sabi ng wizard king at pag hawak niya sa lalaki ay bigla silang naglaho ng parang bula.
Hindi manlang hinintay ang sagot ko.
Agad nang nagsibalikan ang mga studyante at mga wizard knight at captains, pati na rin yung mga teachers ay umalis narin. Maliban kay miss at sa mga kaklase ko na humihiram din ng magic sa mga elves.
Dahil dito ay agad na nawala ang mga armor ko at bumalik sa normal ang sout ko, pati si dragu ay bumalik na rin sa normal niyang anyo, naging maliit siya at humiga sa ulo ko.
“Oyy aiko! Paano mo nagawang makipag kaisa sa hayop!?“ Tanong ni josh at lumapit sakin.
Ngumiti lang ako tsaka nagsilapitan sila sakin.
“Good job aiko, bago ka palang dito pero napakalaki na ng improvement mo.“ Sabi ni hazel.
“Good job aiko.“ Sabi ni mia.
Nginitian ko lang sila tsaka tumingin ako kay miss.
“Magaling kang kupal ka, makuha mo na agad ang attention ng walng kwentang hari na yun.“ Sabi niya.
Medyo napipilitan akong matawa sa sinabi ni miss, ewan ko lang kung ganyan ba ang turing niya sa king.
Pagkatapos nun ay agad na kaming bumalik sa A5 room.
*WIZARD KING's POV*
Habang dala dala ko ang lalaking ito ay pinapaalis ko muna si Frederick sa tabi ko.
Nang makaalis na siya ay tsaka ko lang tinapik ang lalaking ex-wizard knight at nagsalita ako.
“Hoy ikaw na nagkukunwaring walang malay, Alam kong nagkukunwari kalang ring natatalo.“ Sabi ko.
Nang marinig niya ako ay tsaka lang siya natawa, kaya binaba ko na siya sa lupa.
“Tsee! Wala kana ron, desisyon ko yun.“ Sagot niya sakin.
“Wee talaga ba? Imposibleng walang rason yung ginawa mong pagkukunwaring natatalo, isa kang ex-wizard knight. At alam ko kung gaano ka kalakas.“ Dagdag ko pa.
Agad naman siyang sumimangot at nagsalita.
“Chee! Sge na! Gawin nyo na ang gagawin ninyo sakin! Lost is a lost, natalo ako at hindi na magbabago yun.“ Sabi niya.
Napailing nalang ako dahil parang ayaw nya talagang sabihin sakin kung ano ang totoo niyang dahilan kung bakit siya nagkunwaring natatalo.
Kaya natawa nalang ako tsaka ako naglakad paalis.
“Wala kang parusa, ang totoo pa nga nito ay nagpapasalamat ako sayo. Dahil hindi mo pinat*y ang isa sa mga rare type element user ng kingdom.“ Sabi ko.
Natawa naman siya sa sinabi ko at nagsalita.
“Talaga? Bahala ka jan, pag hindi mo ako kinulong ay magpapatuloy akong mag hahasik ng lagim.“ Sabi niya.
Kumaway ako habang nag lalakad.
“Gawin mo ang gusto mo, malaki kana naman.“ Sabi ko at dito nga ay ginamit ko na ang magic ko at bigla akong nawala sa mga mata niya ng parang bula.
*VILLAIN's POV*
Nang mawala na ang wizard king sa mga mata ko ay agad na akong naupo sa lupa, dahil ang batang yun ay galing sa Thirstians Valley kung saan ako lumaki.
Yung sinabi niya kanina na magiging wizard king siya ay sinabi ko na rin yun noon, tsaka yung rason niya ay kagayang kagaya lang rin sa rason ko noon, parehas lang kami ng pangarap sa buhay.
Bago ako kinain ng galit at pout ay pangarap ko rin ang magiging wizard king.
Kaso parang malabo na yun mangyare dahil sa ginawa ko, kaya i-aasa ko nalang sa batang yun ang pangarap ko sa buhay.
Tsaka common type lang itong element ko, mas matutuwa si father pag yung rare type element ang magiging kauna unahang magiging wizard knight sa bayan namin.
Iba kasi ako sa kanila, noong bata pa ako ay sinekreto ko lang ang talent ko sa mga sisters.
Dahil ako lang ang naiiba sa mga bata doon, ako lang ang tanging makakagawa ng magic.
Kaya tinago ko yun sa kanila para ang tingin lang nila sakin ay normal na bata, kagaya ng mga untalented na bata roon.
To be Continue…
PLEASE DO FOLLOW ME AND DONT FORGET TO VOTE!
SENYORITONG ANEL.
BINABASA MO ANG
FANTASY: Aiko Fritchzer
FantasyAiko Fritchzer lives in the town of Thirstians Valley, where poor people and children who grow up without talents and skills are live there. Aiko grew up in an orphanage, when he was a young, he was trained to cook, do laundry, and do housework, so...