CHAPTER 14

166 15 9
                                    

“Para yun lang!!? Dadamayin mo na ang lahat ng inosente dito sa kingdom!!??“ Sigaw kong sagot.

Agad naman siyang mapahinto at napikon sa pasigaw kong sagot.

Tumingin siya sakin ng may galit at nagsalita.

“Wala kang alam sa nararamdaman ko nang mga araw na yun paslit, kaya wala kang karapatan na sabihin sakin yan sa likod ko!!“ Sigaw niyang sabi at galit na galit na lumapit.

Lumaki ang mata ko nang makita ko siyang palapit sakin, kaya umatras ako ng umatras dahil hindi naman naapektuhan ang mga paa ko sa pag push up ko.

“P-pero hindi pa sapat ang rason na yun para damayin mo kaming lahat sa ginawa nila sayo!! Nanahimik lang ang ibang mga bata dito!“ Sabi ko.

Agad naman niyang tinaas ang wand niya at lumutang yung magic books niya sa ere na ikinakaba ko.

“Heh! Hindi mo alam ang nararamdaman ko kaya mo nasabi yan!“ Sabi niya at nag salita pa.

“Kung kailangan kong gumamit ng magic para lang maramdaman ninyo ang galit ko ay hindi ako mag dadalawang isip na gawin iyon!!“ Sigaw pa niya at dito nga ay nag cast siya ng spell.

“FIRE ELEMENT: Salamander's breath;“ Sigaw niya.

Biglang nagiging mainit yung hangin sa paligid, ramdam na ramdam ko ang napakalakas na apoy ang lalabas sa magic books niya.

Tsaka nagsalita pa siya.

“Ramdamin mo ang puot at hinanakit ko bata!“ Sabi niya ay kinompleto niya ang spell niya para tuluyan na itong lumabas at titira sakin.

“FIRE ELEMENT: Salamander's breath; Spews fire!“ Sigaw niya.

Dito nga ay may isang bilog na gawa sa apoy ang biglang lumitaw sa ere at nagulat nalang ako dahil nang lumitaw ang bilog na iyon ay biglang may mga maliliit na apoy ang nag siiparan sa ere.

Agad akong napapikit dahil sobrang init ng buo kong katawan, tsaka hindi lang yan ang nangyare, dahil nang makompleto na ang bilog sa ere ay may lumabas sa bilog na ubod ng lakas at nag liliyab na apoy tskaa ito papunta sakin.

Dahil sa mahika na yun ay agad akong tumakbo ng napakalakas, pero sobrang bilis kumalat ng apoy niya sa ere at hindi pa ako nakalayo ay napaligiran na ako ng mga apoy.

Agad akong napasigaw sa sakit, tsaka hindi ko rin magalaw ang mga kamay ko.

“Magdusa ka, lahat kayo ay dapat mag-sisi sa ginawa ninyo sakin.“ Sabi niya.

Sobrang init talaga ng paligid, tsaka napansin kong unti unting nasusunog ang mga damit ko kahit napakalayo lang nito sa apoy.

“Aarrggghh!!“ Sabi ko at napakahapdi ng buo kong katawan.

Sa sobrang sakit ay parang naluluto ako ng buhay.

“Ganyan nga, magbayad kayo sa ginawa ninyo sakin.“ Dagdag pa niya.

Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko, sinubukan kong maglakad pero gagalaw rin yung apoy, kaya ginalaw galaw ko si dragu sa ulo ko para humingi ng tulong, pero wala siyang response.

“P-paki… usap… m-mama… mat*y ako… pag nagpa… tuloy itong apoy mo sa… kakasunod… sakin…” nauutal kong sabi.

Sobrang maga na ng katawan ko, pati ang paningin ko ay na'aapektuhan na.

“Heh! Sorry kanalang! At lalapit yang apoy ko sa katawan mo at masusunog ka ng buhay!“ Dagdag pa niya.

Dahil dun ay tiningnan ko ang apoy niya at hindi nga siya nagsisinungaling, dahil unti unting lumalapit ang apoy niya sa katawan ko. At habang palapit ito ng palapit ay painit ito ng painit.

Napaluhod ako dahil sa sakit, hanggang sa tuluyan na ngang nakadikit sakin ang mga apoy niya at nilamon nito ang buo kong katawan.

“AAAAAAHHHHHHH!!!“ Sigaw ko pa.

Wala na akong ibang makita pa kundi ang mga apoy na nakadikit sakin at sa tuwing binubuka ko ang mga mata ko ay masusunog ito. Kaya napapikit nalang ako habang nakaluhod.

Hindi ko alam na ganito pala ang kapalaran ko dito sa kingdom, at ang pangarap kong maging wizard king ay parang hindi ko na magawa pa.

Nakaluhod lang ako sa lupa habang nilalamon ng apoy ang buo kong katawan, hanggang sa naapektuhan na ang dibdib ko dahil sumasakit na rin ang puso ko.

Napahiga nalang ako sa lupa at hinayaan ko nalang kung ano na ang mangyare sakin.

Pero nagulat nalang ako nang biglang may isang babaeng nakaputi ang nagpakita sa isip ko.

“Bumangon ka kaibigan, nandito ako para tulungan ka.“ Sabi niya.

Nabigla ako sa narinig ko, pero dahil nasa isip lang siya ay hindi ako naniniwala, tsaka wala na ang katawan ko. Nasunog na ng tuluyan.

“Tumayo ka aiko, nandito ako para tulungan ka. Dahil kaibigan kita.“ Sabi niya.

Di ko alam kung ano ang ibig niyang sabihin, pero nagulat nalang ako nang bigla kong maigalaw ang mga kamay ko.

“Tumayo ka, sasamahan kita sa lahat ng pagsubok mo sa buhay, sasamahan kitang abutin ang pangarap mo, ang maging wizard king.“ Dagdag pa niya.

Nang marinig ko ang sinabi niya na 'wizard king' ay agad akong napadilat ng mata at dito nga ay wala akong naramdamang sakit kahit nilalamon ng apoy ang katawan ko, tsaka napansin ko ring nakabalot ako ng isang kulay puting awra. Kaya tiningnan ko ang katawan ko.

Nang makita ko na ay dito na lumaki ang aking mga mata, dahil nag iba ang sout ko, tsaka napansin kong medyo lumaki ng kunti si dragu at nakadikit lang siya sa buo kong katawan.

Sinubukan kong igalaw ang katawan ko at maigalaw ko na ito ulit, tsaka malaya na akong gawin ang lahat ng gusto kong gawin.

Kaya lumipad si dragu paalis sa katawan ko at dito nga ay biglang nawala ang mga apoy niya na nakabalot sa katawan ko, tsaka napalitan rin ng yelo ang nagkalat na apoy sa paligid ko, at ang init na hangin ay napalitan ng ginaw.

Kaya nang maramdaman niyang nag nag iba ang hangin ay bigla siyang napahinto sa kakalakad at lumingon sakin.

Paglingon niya sakin ay nagulat nalang siya nang biglang napalitan ng yelo ang apoy niya sa paligid, tsaka si dragu ay nakalipad sa ulo ko habang nagpaikot ikot.

“T-teka! A-anong nangyare sa apoy ko!?“ Sigaw niyang sabi.

Agad kong tinaas ang kamay ko at sa pag taas ko ng kamay ay biglang may isang kulay puting ilaw ang nakasunod sa mga kilos ko.

“Hoy, makinig ka.“ Sabi ko at tinuro ko siya.

“Tandaan mo ang pangalan ko.“ Dagdag ko pa at kahit hindi ako nag cast ng spell ay biglang may isang kulay puting bilog ang lumitaw sa ere.

“Ako si Aiko Fritchzer, at ako ang susunod na magiging wizard king.“ Sabi ko.

To be Continue…


PLEASE DO FOLLOW ME AND DONT FORGET TO VOTE!

SENYORITONG ANEL.

FANTASY: Aiko FritchzerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon