CHAPTER 4

220 10 12
                                    

“Ang susunod na maglalaban ay ang EARTH ELEMENT AT ANG WIND ELEMENT!“ sabi ni professor at pinangalanan niya ang mga user.

Agad naman silang pumunta sa stage at sumigaw si professor.

“SIMULAN NA ANG LABAN!“ sigaw niya.

“EARTH ELMENT: SMALL ROCK ATTACK!!“ Sigaw nung lalaki at nagsiliparan yung mga maliliit na bato papunta sa kalaban.

“WIND ELEMENT: AIR TORNADO!“ Sigaw naman ng kalaban.

Biglang may isang tornado ang nabuo sa hangin, at dahil nakaikot yung hangin sa tornado ay bumalik lang yung mga bato papunta sa spell caster at nasaktan siya sa sarili niyang magic.

“WIND ELEMENT WIN!!“ Sigaw ni professor.

Nagpalakpakan kaming lahat, at dito nga ay tinawag na niya ang susunod na maglalaban.

“ANG SUSUNOD NA MAGLALABAN AY ANG UNKNOWN TYPE OF ELEMENTS MAGIC: AIKO FRITCHZER, VERSUS WATER ELEMENT: BRAKE CHUIO!“ Sabi ni professor.

“Oy!! Oy!! Kuya ko yan! Kuya ko yan!“ Sabi ni julie.

Nang marinig kong ako na ang susunod na lalaban ay bigla akong napangiti.

“Goodluck aiko, pakiusap i enjoy mo lang ang laban.“ Sabi ni sister rebecca.

Nginitian ko lang si sister at pumunta na ako sa stage.

“Huh! Diba ikaw yung walang talent kahapon sa loob ng the tree of book library? Paano ka nakasali dito sa fighting test?“ Pang aasar pa niya sakin.

“Tsk! Nandoon ka pala? So, alam mo nang mananalo ako dito sa labanan na'to dahil magiging wizard king pa ako!“ Sabi ko at ngumiti.

Ngumiti rin siya at sumagot.

“Hahaha! Isang batang tinapon sa dagat na walang magic at lumaki sa bahay ampunan ang nag hahangad na magiging wizard king, sa pag tapak mo palang dito sa stage ay mag papasalamat kana, di ko nga alam kung ano ang pumasok sa kukuti nung matandang yun at sinali ka dito. E'wala ka namang talent, isa ka lang hamak na walang kwenta!“ Sabi niya.

Nainis ako sa sinabi nung lalaki, kaya agad akong sumugod sa kanya.

“WATER ELEMENT: Waterball!“ Sigaw niya at nagsiliparan yung mga tubig papunta sakin.

Agad akong umilag, at dahil pitong taon akong tumakbo ay napakadali lang para sakin ang ilagan ang mga ataking yun.

“Kyaahh!!“ Sigaw ko at lumapit sa kanya, pero tumakbo siya palayo at nag cast nanaman ng spell.

“WATER ELEMENT: Water rain!“ Sigaw niya.

Biglang nagsilitawan ang mga maliliit na tubig na ikinakaba ko, dahil mas malakas pa siya kung ikukumpara sa kalaban ng mayabang kanina. Ibig sabihin ay mas mabilis lumipad ang ulan niya at mas lalong masakit.

“Enjoy the pain, useless brat.“ Mahina niyang sabi at nagsalita pa.

“ATTACK!!“ Sigaw niya sa mga tubig.

Biglang nagsiliparan ang mga tubig sa ere at dito nga ay tumakbo ako at umilag, pero napakabilis lumipad ng mga tubig niya at naabutan pa rin ako.

“AAAAHHHH!!!…” Sigaw ko pa.

Buti nalang at nailagan ko yung ibang tubig bago bumagsak sa katawan ko, kaya natapos kaagad sa pag papaulan ng tubig yung kalaban, dahil kung tumama yung lahat ng tubig niya sa katawan ko ay malamang idedeklara na siyang winner.

“Ano? Kaya pa?“ Tanong niya sakin.

Hindi ako sumagot at nagpatuloy lang akong lumapit sa kanya, pero tumatakbo siya palayo at nag cast nanaman ng spell.

FANTASY: Aiko FritchzerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon