CHAPTER 9

190 14 8
                                    

Nang makita kaming nag du-duwelo sa sparring ground ay bigla kaming pinapatigil ng lalaking royal dahil gumamit siya ng ipinagbabawal na items.

“Hoy ikaw! Sino ang nag bigay sayo ng ipinagbabawal na item na yan?“ Tanong niya.

Ngumiti lang siya at sumagot.

“Wala sir, sinubukan ko lang itong gamitin bago ibalik ni papa sa kingdom. Narinig ko kasi na kayang mag heal ng hayop na nasa balikat niya (sabay tingin sakin) kaya hinamon ko.“ Sabi nung lalaki.

Pagkatapos magsalita nung humamon sakin ng duwelo ay agad na siyang umalis at ganun rin yung lalaking royal.

Naiwan ako sa sparring ground na nakatayo, tsaka nakita ko yung ibang mga bata na bumabalik na sa pag ti-training.

Hindi ko nalang yun ininda at nagpunta ako sa gilid para mag push up ng 1.5k counts.

*Miss minerva's POV*

Habang gumagawa ako ng dark potion ay biglang tumunog ang ATCP Magic ko sa gilid. (All teachers and captain's phone) kaya agad ko itong kinuha.

“Bakit? Busy pa ako.“ Taray kong sabi.

Agad namang nagsalita yung kanang kamay ng wizard king.

“Attention to all sorcerers and captains! May emergency meeting tayong magaganap dito ngayon sa palasyo!“ Sabi niya.

Bigla akong nagulat, sobrang tagal na nung huling nagkaroon kami ng emergency meeting. Kaya agad akong huminto sa pag gawa ng dark potion at naglakad ako papunta sa loob ng palasyo kung saan nakaupo at nag hihintay ang Wizard King.

Ilang minutong paglalakad ay nakarating na nga ako sa meeting room, at dito ay nakita ko ang apat na sorcerers ng fire, water, earth and wind na nakaupo at ang limang magic knights captains.

“Oyy! Oyy! Oyy! Mukhang mahalaga to ahh!“ Sabi ko.

Umupo ako sa upuan at dito nga ay sinimulan nang magsalita ni Stevan, Ang Royalty fire sorcerer teacher.

“Pasensya na sa abala mga teachers and captains, kanina lang ay may nakita akong isang batang gumamit ng unregistered type item, at ang item na yon ay isang legendary radiant, makukuha lang yun sa undead dungeon. Kung saan kailangan pang pat*yin ang boss o hari ng mga undead soldiers.“ sabi niya.

Agad kaming nagulat, paanong may makakakuha nun e sobrang lakas ng mga Undead fighters doon, tsaka may mga undead magic at undead archers pa. May undead defenders din at undead healers, Kahit nga kaming limang sorcerers at limang magic knights captains ay hindi makakapasok doon.

“Mukhang seryoso nga iyan…” sabi nung wind type magic knights captain.

Agad na tumayo ang wizard king at nagsalita.

“To all teachers, may task akong ibibigay sa inyo. Dapat ma-unclock na ng mga new summoners magic types ang mga spell nila sa magic books.“ Sabi niya.

“Kahit yung mga basic at common magic manlang.“ Dagdag pa niya.

“Ikinalulugod kong tanggapin ang task na iyan wizard king.“ Sabi nung water type teachers at ganun rin yung fire, earth, and wind.

“Maraming salamat sa inyong apat.“ Sabi nung wizard king at tumingin sakin.

“Lalong lalo na sayo miss minerva, ikaw ang inutusan kong humawak sa mga bagong rare type magics user.“ Sabi pa nung king at nagsalita pa.

“Alam naman nating lahat na common type lang yung four elements magic diba? At ang tanging pwedeng makakagamit lang ng mga rare type magic ay ang mga taong pinanganak na walang talent at skills.“ Sabi pa ng wizard.

PARA SA KAALAMAN NG LAHAT, SI MISS MINERVA AY ISANG RARE TYPE MAGIC USER, PINANGANAK SIYANG WALANG TALENT AT SKILLS.

“Hindi ko iyon nakakalimutan wizard king, gagawin ko ang lahat upang malaman nila ang potential ng mga hayop na dinadala nila, at para malaman rin nila ang totoong dahilan kung bakit nilagay sila sa A5 Room, kung saan pinapalabas lang natin sa mga taong bayan bilang isang pinakamahinang mga magic user.“ Sagot ko.

Ngumiti naman ang wizard king at nagsalita.

“Masaya akong marinig yan miss minerva, at habang pinapalabas ninyo ang totoong potential ng mga new summoners rare type magic user natin ay uutusan ko ang limang captains na mag iimbestiga sa Undead dungeon.“ Dagdag pa ni wizard king at nagsalita pa.

“At ang mga magic knight member ninyo captains ay uutusan ninyong mag iimbestiga dito sa loob ng kingdom.“ Ika pa niya.

“Masusunod wizard king.“ Sabi nilang lima.

“Sa ngayon, hanggang dito nalang muna ang pag uusap natin. Maaari na kayong umalis mga sorcerers at captains!“ Sabi nung wizard king.

Agad na kaming tumayo at nagsimula nang umalis.

“Maliban sayo miss minerva.“ Dagdag pa ni wizard king.

Nabigla naman silang lahat dahil ma-iiwan ako, im sure na may gustong sabihin sakin si wizard king. Lalo na't ako ang may hawak sa mga rare type magic user.

Huminto ako at nag hintay kung kailan makaalis ang mga kasamahan namin.

Nang makaalis na ay agad na sinirado ng kanang kamay niya ang pinto at nagtanong ang wizard king.

“Diba bago nagpakita sayo ang hayop mo ay nagpakita muna ang true human form ng paniki?“ Tanong ni wizard king.

Agad ko namang sinummon ang paniki ko at dito nga ay pinapalabas ko ang totoo niyang anyo bilang isang Female Demon Succubus Vampire,

“Oo Inaros, bakit?“ Tanong ko at nagsalita naman ang succubus female kong alaga.

“Aarrgghh!! (Sabay himas sa mga mata) ano nanaman miss minerva? Sa lakas mong yan ay humihingi kapa ng tulong sakin?“ Tanong niya at halatang kakagising lang.

“Wow! kahit kailan lataga, napaka sexy ng paniki mo miss minerva.“ Sabi ng kanang kamay ni Inaros.

“Heh! Wag kang mainlove sa kanya second king, sinasabi ko na sayo na araw araw nang ra-r*p£ yan sa panaginip ng mga lalaki.“ Sabi ko.

Natawa naman si inaros at nagsalita.

“Hello minerva's friend. Pwede mag tanong?“ Sabi niya.

Ngumiti lang yung Succubus ko at sumagot.

“Sure, anything inaros.“ Sabi niya.

“Pag ba nahanap na ninyo ang karapat dapat na gumagamit ng mga kapangyarihan ninyo ay nagpapakita ba muna kayo sa mga magiging user ng magic ninyo?“ Sabi ni inaros.

Napangiti naman ang succubus ko at nag alok ng deal.

“Gusto mong sagutin ko yan?“ Sabi niya.

Tumango lang si inaros at nagsalita naman yung Succubus ko.

“Well, kung papayag kang makipag s*xûál int£rc0ūrse sakin sa panaginip ay sasagutin ko ang katanungan na yan.“ Sabi niya.

Natawa naman si inaros at sumagot.

“Sure, papayag naman si Frederick sa deal mo.“ Sabi niya.

Nabilaukan naman ang kanang kamay ni inaros sa narinig, pero im sure na gustong gusto naman ng lalaking yan ang offer ng Succubus ko, feeling ko nga may gusto nga'yan sa alaga ko.

To be Continue…

PLEASE DO FOLLOW ME AND DONT FORGET TO VOTE!

SENYORITONG ANEL.

FANTASY: Aiko FritchzerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon