Lumipas ang mga araw simula nong naging guro ko si miss minerva ay napansin kong puro lang ako ang gumagawa ng gawain sa loob ng room, pag wa-walis, at pag li-linis ng bintana. Samantalang silang lahat ay busy sa pag gagawa ng mga tinatawag nilang potion.
“Hays ang boring, ganito lang ba ang gagawin natin araw araw?“ Tanong ko. Ngumiti lang si Mia na may dolphin at sumagot.
“Mag training ka sa labas, diba physical ang alas mo dahil nag he-heal lang si dragu?“ Tanong niya.
Tumango lang ako dahil kung mag ti-training ako sa labas ay parang walang pinagkaiba lang nung nasa simbahan pa ako.
“Ahh… hehehe, ganun ba…” sabi ko.
“Oo aiko, kami kasi ay umaasa lang sa potion kaya busy kami sa kakagawa nito. Siguro kong physical lang ang alas namin ay matagal na kaming nag training sa labas.“ Sabi niya.
Ngumiti lang ako at nagpatuloy siya sa pag gawa ng potion, kaya aakmang lalabas na sana ako sa room para mag training nang biglang pumasok si miss minerva sa room.
“Hoy! Bakit wala kang ginagawa!?“ Sabi niya.
Ngumiti ako at sumagot.
“Hehehe, nag lilinis pa kasi ako ng room.“ Sabi ko.
Tiningnan niya ang paligid at biglang sumabog yung ginawang potion ni josh, dahilan para dumumi ulit.
“Kita mo yan? Wag kana mag linis at mag fucos ka sa kung anong kayang gawin ng hayop mo, nang sa ganun ay magsimula kanang mag magtraining doon sa sparring ground.“ Sabi niya.
Nabigla ako sa sinabi ni guro.
“H-ha? May ganon pala sa labas?“ Tanong ko.
Sumagot naman si mai.
“Kakasabi ko lang sayo kanina diba?“ Ika pa niya.
Napailing nalang ako, yun pala ang ibig sabihin ni mia.
“May task ako sayo bata.“ Sabi ni guro.
“Ano po yun?“ Tanong ko.
Huminga siya ng malalim at sumagot.
“Diba healing ang kayang gawin ng alaga mong yan? Susubukan kitang pat*yin tapos buhayin mo ang sarili mo.“ Sabi niya.
Biglang lumaki ang aking mga mata sa narinig.
“H-ha!!?? Hindi priest si dragu!!“ Sigaw ko.
“Mas lalong hindi siya nakakagawa ng resurrection.“ dagdag ko pa.
“Binabalik lang niya ang energy ko at hini-heal ang sugat sa katawan ko.“ pagsasalita ko pa.
“Chee!! Wala akong paki!! Bibigyan kita ng limang segundo para tumakbo palabas, at kung hindi ka makakaabot sa sparring ground ay papat*yin kita!“ Sigaw ni guro at nag bilang.
“Lima.“ Sabi niya.
Agad akong tumakbo at dali daling lumabas sa room.
“Apat.“ Sigaw niya.
Ginamit ko na ang pinakamabilis kong paraan ng pagktabo.
“Tatlo!..“ sigaw niya na medyo hindi ko na marinig dahil malayo na ako.
Habang tumatakbo ako ay nakita ko ang isang napakalaking ground sa gitna ng academy na may mga batang nag ca-cast ng spell.
Napakarami nila, kaya lumapit ako at sumali, ginising ko si dragu at dito nga ay nagsimula na akong alamin kung ano ba talaga ang kaya niyang gawin.
“Okay dragu, nakita mo ba ang bilog na kahoy jan sa harap?“ Sabi ko sa dragon.
“Tamaan mo nga yan ng kapangyarihan mo.“ Sabi ko.
Dahil dun ay agad siyang lumapit sa kahoy ay doon ay hineal niya ito.
Napailing nalang ako sa ginawa ni dragu, tsaka napasin kong nagtawanan yung mga batang nakakakita.
Medyo nahiya ako sa ginawa niya, parang wala na yatang pwedeng gawin si dragu.
Pero hindi ako pwedeng sumuko, kasi kung heal lang ang alam niya ay sana kulay green ang aura niya, pero kulay puti ehh…
“Hays, ano kaya ang pwede kong gawin dito.“ Sabi ko.
Bigla namang may isang lalaki ang lumapit sakin at nagsalita.
“Pwede ba kitang ayain ng duwelo?“ Tanong niya.
Nabigla ako sa tanong niya tsaka narinig iyon ng lahat ng bata.
“H-ha???“ Sabi ko.
Agad na nagsi-alisan yung mga batang nag ti-training at binigyan nila kami ng space para mag laban.
“Handa kana? Aatake na ako.“ Sabi niya.
“H-ha???“ Dagdag ko pa.
Agad naman siyang umatake sakin.
“H-hoy!! Di ko pa sinagot ang hamon m—”
Napatigil ako sa kakasalita dahil bigla siyang nag cast ng spell.
“FIRE ELEMENT: Tornado Fire!!!“ Sigaw niya.
Bigla akong nagulat sa pinakawalan niyang spell, sobrang lakas nun at napansin kong may item siya sa kamay, yan din yung ginamit ng mayabang na royal noong binu-bully nila kaming mahihirap.
Wala akong choice kundi ang umiwas at lumapit.
Nang makalapit na ako ay aakmang susuntukin ko sana siya pero biglang may mga apoy ang biglang pumalibot sa harap niya, dahilan para mapaatras ako.
“Teka!! Paanong nangyare yun e'hindi ka naman gumamit ng spell!“ Sigaw ko.
Ngumiti lang ang lalaki at sumagot.
“Tumahimik ka nalang at lumaban ka sakin.“ Sabi niya.
Dahil dun ay wala na akong choice, tsaka yung tornado na apoy niya ay hindi pa nawala at lumapit ito sakin.
Umiwas ako sa tornado niya at lumapit uli, at pag lapit ko ay may apoy nanaman ang humarang sa kanya. Kaya hindi ako nagpatinag at sinuntok ko ang mukha niya kahit may mga apoy pa itong nakaharang.
“AAAAAHH!!!“ Sigaw niya at tumilapon sa lupa.
Agad akong napangiti pero kalaunan ay sumigaw sigaw ako sa sakit ng kamao ko dahil may apoy.
“Aahh! Ahh! Ahh! Bat dumikit sa kamay ko!!“ Sigaw ko.
Agad naman akong hineal ni dragu pero ang kamay ko lang ang kaya niyang ibalik sa normal, hindi niya kayang pat*yin yung apoy.
“Aaaaaahhh!!“ Sigaw ko pa at sinubukan kong pat*yin yung apoy gamit ang kamay ko pero ayaw umalis sa kakadikit.
Dahil dun ay tumayo ang lalaki at napansin kong effective ang pag suntok ko sa mukha niya dahil may dugo ito sa bibig.
“Heh! Mag dusa ka! Yan ang kapangyarihan ng ite—”
Napatigil siya sa kakasalita dahil biglang dumating yung royal na lalaki at pinat*y niya ang apoy na ayaw umalis sa kamay ko.
“Hoy ikaw.“ Sabi ng royal sa kaduwelo ko.
“Sino ang nag bigay sayo ng ipinagbabawal na item na yan?“ Tanong niya.
Nabigla ako sa sinabi ng royal, kaya pala may apoy ang nakapalibot sa kanya kanina, dahil pala yun sa ipinagbabawal na item, tsaka napansin ko ring hindi siya nag cast ng spell pero nakagawa siya ng apoy na ganun kalakas.
Tinignan ko yung tornado na apoy pero naglaho na ito.
“Wala sir, sinubukan ko lang itong gamitin bago ibalik ni papa sa kingdom. Narinig ko kasi na kayang mag heal ng hayop na nasa balikat niya, kaya siya ang hinamon ko.“ Sabi nung lalaki.
To be Continue…
SENYORITONG ANEL.
BINABASA MO ANG
FANTASY: Aiko Fritchzer
FantasyAiko Fritchzer lives in the town of Thirstians Valley, where poor people and children who grow up without talents and skills are live there. Aiko grew up in an orphanage, when he was a young, he was trained to cook, do laundry, and do housework, so...