Chris ( Rose and Chris)

62 7 2
                                    


"Dude, ngayon ka pa lang uuwi?"  si Karl ng madatnan ko sa internship duty namin.


"Ah, oo" maikling sagot kong naglagay ng gamit sa aking locker. 


Lumapit si Karl na umupo sa isang bench doon. Alam kong matiim siyang nakatingin. Marahil hindi kontento sa sagot ko.


"You're on duty more then our working hours Chris, halos dito ka na matulog. Daig mo pa ang mga residente at consultant dito" pilit niyang biro.


Totoo naman iyon. Hindi ako umuuwi netong nakaraan sa aming apartment.


"May finofollow up lang akong study" makling sagot kong hindi pa rin siya nilingon.


"Hmm, okay" sagot niyang napakunot ako ng noo.


"Well, you know...ilang araw ka ng hinahanap ni Rose" aniyang napapikit akong napahinto.


"...and I think" aniyang napasinghap akong napahinto siya.


"Are you avoiding her?" aniyang muli.


Hindi ako nakaimik.


Ramdam ko ang pagtayo ni Karl nang maramdaman sigurong hindi siya makakuha ng sagot mula sa akin.


"Bro, I think you need to see her" aniyang tapik sa balikat ko.


"...well, Rose is a sister to me. Pero siguro kung hihingi siya ng tulong sa akin. Gagawan ko ng paraan" aniyaang sabi muli. Napakunot ako ng noo. Hindi ko alam kung mapipikon ba ako masusuntok ko itong si Karl.


"Face her Chris, besides parang ikaw lang ang makakatulong ng totoo sa kanya. " aniyang tapik muli.


"...and alam nating dalawa na hindi mo siya matitiis" aniyang muli bago lumabas ng locker room.


Napahinga ako ng malalim. Umupo ako kung saan nakaupo si Karl kanina.


Napahilamos ako ng aking palad sa aking mukha.


Rose is confusing.  She proposed something na parang hindi man lang niya pinag isipan ng mabuti. Ganoon naman siya lagi, gumagawa ng desisyon na hindi pinag iisipan.



Flashback


"Chris!" aniyang pagkakakita sa akin. Halata sa kanya ang pilit na pag ngiti.


Napapikti akong dumiretso sa aming kwarto. Sumunod siyang hinawi ang divider na naghihiwalay ng aming kama. 


Inilapag ko ang gamit kong kukuha sana ng bihisan ko ngunit naunahan niya ako.


Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 15 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Untold ChaptersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon