Si Makoy yung brother ni Reece sa L& R ( Landon and Reece )-------
"Sir it's confirmed po" boses ng sekretarya ko sa kabilang linya.
Isang malalim na buntong hininga ang aking pinakawalan.
"Sir?"
"Yes, just send me the details"
"Okay po, by the way po her ETA is tomorrow 4pm Sir" ani sa kabilang linya.
Binuksan ko ang telepono kong napatitig sa mensaheng dumating. Babalik siya sa Pilipinas and I will make sure na hindi na siya makakawala pa sa akin.
Tandang tanda ko pa ang mga binitawan niyang salita. Hindi daw kami bagay, hindi daw kami pwede o nararapat sa isa't isa...at ang dahilan niya ang agwat ng edad namin, ang pagiging matalik nilang magkaibigan ni Ate at ang masakit sa lahat na simula't sapul pa ay kapatid lamang daw ang turing niya sa akin.
Flashback
"Ang bango naman ng baby namin" pupog na halik niya kay Russel. Humagikgik naman sa tawa ang bunsong kapatid ko habang karga niya.
Nakakatitig lamang ako sa kanila.
"Naku, naku wag kang maharot matutumba tayo!" pigil niya sa pagiging malikot ni Russel, nakikipagkulitan kay Noreen na panay ang tawang hindi naman siya kinikiliti.
"Russ," pigil kong paambang lapit ng mas naging malikot pa si Russel sa kakatawa.
"Russel, wag kang malikot!" nakatawa niyang napatingin sa likod niyang naghahanap ng mauupuan nila.
"Russ,"
"Makoy patulong!" senyas niyang muli. Lumapit akong ambang kukuhain sana si Russel ng lalo itong kumulit sa pagkakahawak ni Noreen sa tagiliran niya.
"Ayaw ko na ate!" hagikgik ni Russel.
"Russel! matutumba tayo! Makoy!"
Mabilis akong sumaklolo ng karga sana kay Russel ngunit halos mabitawan ni Noreen si Russel. Wala kong nagawa kundi siya ang alalayan ko at hapitin sa baywang, matutumba sila o mahuhulog niya si Russel sa pagkakakarga.
"Russ!" hawak niya kay Russel na walang kamuwang muwang na halos matutumba na sila, umalalay ako mabilis siyang nahapit sa tagiliran niya, naramdaman ko ang dulo ng mahaba naming bangko sa sala sa likuran ng aking binti, napaupo ako doon kasabay nila. Napaupo siya sa aking kandungan habang karga niya si Russel.
"Uh,..ah" aniyang napatingin sa akin. Kahit ako man din ay natigilan. Mainit ang aking pisngi sa hindi ko maintindihang dahilan. Napatitig ako sa kanyang napatingin . Napalunok akong kaunting pulgada lamang ang agwat ng aming mukha.
Ito ang unang beses na matitigan ko siya ng malapitan. Madalas kapag nagpapatulong siya o si Tita Letty sa bahay nila ng ilang panlalakeng gawain ay di ko maiwasang tingnan siya kahit sa malayo.
Gusto kong kabisaduhin ang kanyang maamong mukha. Halos maipinta ko iyon sa aking pag iisip.
"Uh, M-makoy...s-si Russel" bulong niyang nakababa na si Russel mula sa kandungan niya, nakangiti ng malapad si Russel sa harapan namin, nahulog ang isang kamay ko sa kanyang tuhod.
"T-tatayo na ako" aniyang napatango ako.
"P-pakibitawan yung kamay mo sa baywang ko" bulong niyang muli na hindi ko namalayang mahigpit ang pagkakahawak ko doon.
BINABASA MO ANG
The Untold Chapters
Ficção GeralThese are point of views of my male characters, random po ito.