Joshua ( S&N)

827 31 5
                                    




Joshua or Josh- bandmate ni Nate sa Sara & Nate.

***

I first saw her ng nakiusap si Nate na buksan ko ang locker niya at kuhain ang picker ng kanyang gitara mula sa kanyang wallet. Her picture with Nate and Sara. Hindi ko napigilang buklatin pa ang ibang mga  litrato doon.

Her baby picture habang karga ni Nate.


Her childhood photo with Nate and Sara's siblings.

...at isang recent ID photo which I assume para sa school requirements nila. Tatlo iyon. Napatitig akong napangiti sa sarili, I can hear my heart thumping so loud. Napailing ako, what the hell is wrong with me? Tsk! picture lang ito ng isang dalagita.

Narinig ko ang tawag ng isang kabanda kong minamadali ako sa kailangan ni Nate. Nagmadali akong ibinalik sa wallet ni Nate ang nailabas kong mga litrato mula roon. Napatitig akong muli sa huling hawak ko.

I am damn nervous sa gusto kong gawin. Nagtatalo ang isip ko kung dapat ko ba iyong gawin. Then, I made a quick decision na hindi na iyon ibalik sa dapat kalalagyan niya, instead nagmadali akong isinilid sa aking wallet. Her ID picture na katabi ng akin.

Ramdam ko ang tulo ng aking pawis mula sa aking sentido ng inabot ko kay Nate ang kanyang picker.

"Ayos ka lang?" Si Nate na kunot ang noo. Napalunok ako, this is the first time that I steal from someone. Alam kong mali ang kumuha ng bagay na hindi sa akin ngunit hindi ko talaga napagilan ang sarili ko.

I am not alright. Hindi ako mapakali.

"Josh, pare ayos ka lang ba?" ulit ni Nate na nakapagpakaba sa akin, sana ay hindi niya mapansin  may nawawala sa kanyang wallet.

"Josh,"

"Ha? Oo, Oo!" sagot kong pilit na ngumiti.


"Tol, mukha kang constipated," tawa ni Nate na tumapik sa aking balikat na nilagpasan ako.


Naiwan ako sa studio. Pinagpawisan nga ako ng malamig.

Dinukot at binuklat ko ang aking wallet.

Damn, I think it is worth it.

Neya, I can't wait to meet you...

———

The Untold ChaptersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon