As per requested by you dawn4113 :)***
"Where's Reece? wala ba siyang pasok ngayon dito?"
" Sir, sorry po nakalimutan kong banggitin, actually kahapon pa po siya hindi nakapasok may emergency lang daw" sagot ni Annie.
"What kind of emergency? nabanggit ba niya?" kunot noo kong tanong.
"Uh, family emergency po yata" alinlangang sagot ni Annie.
Akmang sasabad ako ng muli siyang nagsalita.
"Uh, hindi pa nabanggit Sir kung anong klaseng family emergency po" aniyang muli.
Kinuha ko ang telepono kong hinanap ang numero niya. Nakuha ko iyon sa telepono ni Mommy.
Ilang tawag ang idinial kong out of reach pa rin.
Whay happened to her? Sa pagkakakilala ko kay Reece, hindi siya magaabsent ng walang mabigat na dahilan.
"Dude!" pagbukas sa pinto ng aking opisina. Nakangiti pang walang alinlangang pumasok sina Brent. Seryoso lang na sumunod si Cole.
Napataas ako ng kilay na napansin ang pagbuntong hininga niya, napangiti naman si Brent na bumulong.
"Broken-hearted pare"
"Shut up Brent"
Napaupo ako sa sarili kong mesa.
"Bakit kayo naandito?" tanong ko habang dinadial si Reece. Hindi pa rin siya nasagot.
"Dude, ngayon lang kami uli naandito" sabad ni Brent na naka dekwatrong sumandal sa isang sofa.
"May trabaho ako"
"Tsk! ikaw ang may ari pare!" nakangising tugon ni Brent muli. Seryoso lang si Cole na nagtitipa sa kanyang telepono.
"Dude, hindi ako katulad ninyo, maraming umaasa sa kumpanya ko" irap ko.
"Tsss, too uptight" iling ni Brent na nakikipagdebate.
"Mag aaya sana akong lumabas" sabad ni Cole sa gitna ng pagtatalo namin ni Brent.
Tumayo si Brent na lumapit sa swivel chair ko.
"See, damayan mo naman pare" tawa niyang tumapik sa aking balikat.
Nadako ang tingin ko kay Cole na lugmok pa rin ang mukha.
"Okay! okay!" suko kong nagsara ng laptop at telepono kong hawak.
Nakangisi si Brent na parang nangaasar pa.
---
Tahimik lang akong nakikinig sa mga reklamo ni Cole. Iniwan siya ng girlfriend niya.
"Diba yun naman ang gusto mo?" hindi ko napigilang tanungin.
"N-no" iling niyang medyo nakainom na.
"Ang hirap mo kasing ispelengin pare, alam nating mahal mo si Mira pero pinapahirapan mo naman" sabad naman ni Brent na nakainom na rin.
"...tang'na! grupo tayo ng mga sawi!!!" tawa ni Brent na nag angat ng inumin.
Napailing akong natawa. Puro sawi nga kaming tatlo sa pag ibig.
"Ikaw dude, nakahanap ka na ba?" baling ni Brent na sumiko sa akin.
" Okay na ako, tanggap ko na ang nangyari sa amin ni Natasha" sagot kong napatingin sa aking telepono. Isang mensahe iyon kanina mula kay Annie na wala pa ngang reply si Reece sa kanya.
" Dude, nag book ako ng para sayo" ani ni Brent na nakangisi kay Cole.
Isang iling lang ang isinagot ni Cole na puro tungga ng nasa baso niya.
"Whoah! bro! dahan dahan naman, wala ka ng lakas umiskor mamya niyan! sayang ang ibinayad ko!" pang aasar ni Brent sa kanya na hindi niya pinansin bagkus panay lang ang inom sa kanyang wine glass.
"Fuck dude! ginawa mo ng tubig yan!" tawang muli ni Brent.
Napatingin ako sa telepono kong nagbura ng mga natirang litrato at videos namin ni Natasha.
"Totoo na ba yan pare?" tukso ni Brent na pilit nakikialam sa telepono ko.
"Shut up" sagot ko.
Umorder pang muli si Cole ng ilang rounds. Halata na ang kalasingan sa kanya.
"Last round na ito" ani kong sumenyas ng bill namin.
"Pre, kaya mo pa ba?" bulong ni Brent na hindi umimik si Cole na pulang pula ang mukha.
"K-kaya kho p-pa" aniyang isinandal ang ulo sa headrest ng sofa.
"Huli na ito, iuwi mo na siya" ani ko kay Brent na tumango.
"Saglit Dude! paano na yung ibinook ko kay Cole?" aniyang baling.
"Huh?"
"Dude, ikaw na lang ang magpunta doon, eto ang room no. sa hotel" aniyang abot sa isang papel.
"Bakit ako?"
"Bayad na iyan, malaki nga ang hiningi sa akin diyan eh, tapos bayad na rin yung sa hotel, hindi ako pwede may aaga akong meeting bukas" aniyang tumayong inalalayan si Cole.
"Brent-"
"Malinis yan tol! sige na, ikaw na ang magpunta" ani na Brent na palabas ng bar.
Napatingin ako sa hawak kong papel na isinuksok iyon sa aking bulsa.
Napakibit balikat ako, the last time I had a woman ay nung kami pa ni Chloe.
***
thanks for reading.
![](https://img.wattpad.com/cover/109514291-288-k223587.jpg)
BINABASA MO ANG
The Untold Chapters
Narrativa generaleThese are point of views of my male characters, random po ito.