Albert (Broken Souls )

554 22 16
                                    


Albert and Ysabel ( from Broken Souls)


*****

I am the typical badboy. Mabarkada. Palaging makikita sa gulo. Babae. Iba't ibang bisyo. Typical rich spoiled kid with expensive hobbies. At ang isa doon ay car racing, Hindi ko na yata mabilang kung pang ilang sports car na ang nasira ko. I am living my life to the fullest. 


" Sorry Bro,"  tapik sa aking balikat. Napangisi lamang akong tumango. Mahirap talagang talunin ang Madrigal na ito. Lumapit ang kanyang mga kasama na bumati sa kanya.


"Drew!" umalingawngaw na boses na boses sa grupo nila. Yumakap ang babae na bumati sa kanya. 


"Congrats!" ngiti muli ng babae. Pamilyar siyang nakita ko na kung saan.


"Brad"bati ng isa sa mga kaibigan kong sumalubong din sa akin.  Inabot ko ang helmet kong napatingin muli sa grupo ni Madrigal.


"Hmm, kailangan mo pa ng konting practice, bihasa na 'yang si Madrigal" komento naman ng isa sa kasama ko. Napatango akong wala sa sarili na tinanaw lamang sila ng tingin kabilang na ang babaeng nakasunod sa kanila.


"Dude.."


"Huh?"


"Ysabel Villar" si Rex na isa sa trainors ko.


"Huh?"


Napangisi siya. " Siya ng tinitingnan mo kanina pa" aniya.


"Schoolmate natin siya" dugtong niya. Ah, kaya siguro pamilyar siya.



Nang sumunod na araw ay nakita ko nga ang grupo nila Madrigal sa University pero hindi kasama si Madrigal doon. Napahabol ang tingin ko kay Ysabel. Nakangiti siya habang matamang nakikinig sa ikinikwento ng katabi niyang lalake.


"Rex," kuha ko sa atensyon ni Rex habang nangangalikot ng telepono niyang hawak. Transferee din si Rex na tulad ko ngunit nauna siya sa akin ng isang taon.


Ininguso ko ang grupong napadaan sa harapan namin.


"Bakit wala si Madrigal diyan?" kyursyuso kong tanong ng mapansin ko ang lalakeng katabi ni Ysabel. Hawig kay Madrigal na mas payat lang pangangatawan. 


"Ah, sa ibang University iyon pumapasok" sagot ni Rex.


"...hmm, 'yang katabi ni Ysabel kakambal ni Andrew. Andrei ang pangalan"si Rex muli. Napatango ako. Sinipat kong muli sila ng tingin. Nakangiti pa rin si Ysabel na parang may magandang ikinukwento si Andrei na  aliw na aliw siya.


"Boyfriend niya?" baling kong muli kay Rex.


"Uh, hindi. May girlfriend yan si Andrei, sa Architecture Department. Upperclass natin" si Rex muli. 


"Interesado ka bro?" ngisi ni Rex.


Umiling akong napangiti pabalik sa biro niya.


"Nasa Race din yan si Andrei, hindi nga lang madalas" dugtong ni Rex.


"...uhm, magkakabata yata iyang mga yan, mga rich kids" aniya pang muli na tawa.


Hindi maalis ang tingin ko sa grupo ni Madrigal. Tumambay sila sa isang kiosk. Papalapit ang isang babae sa kanila na mabilis na tumayo si Andrei Madrigal para salubungin ang babae. Mabilis na humalik ang babae kay Andrei at ganundin din siya. Hindi ko maiwasang mapatingin kay Ysabel. KIta ko mata niya ang lungkot at iwas ng tingin mula papalapit na babae at kay Andrei. Napayuko siyang nagbukas ng kanyang telepono. Malayo ang disposisyon niya ngayon kaysa kanina na maaliwalas ang mukha.


"Hi Belle!" bati ng babae sa kanya na ngumiti naman siya na parang hindi nalungkot kanina.


Napangisi ako sa sarili. 


Belle...


" Tara na Dude," Si Rex na sumipat sa kanyang relo. Tumango ako ngunit napasulyap pa rin sa gawi nila Ysabel. 


"Dude!" si Rex muli.


"Huh?"


"Tara na Dude, mahuhuli na tayo sa klase ni Prof. Cepeda, terror pa naman iyon" si Rex na naiinip.


"Huh? okay, okay" sagot ko.


"Dude, ipapakilala kita kay Villar sa susunod na race" si Rex na nakangisi sabay tapik sa balikat ko.


Napangiti akong napailing sa sarili. Bakit parang na excite ako sa sinabi ni Rex na iyon?


Belle... one of these days, Belle.




*****






The Untold ChaptersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon