Jax 2 (Scent of Heaven)

1.1K 58 23
                                    

p.2

***

" Gaano ba kasi katangkad ang taong ito?" yamot niyang abot sa tokador. Napangiti ako sa sarili na pinapanood siya. She's wearing a loose pajama and tank top. The mere sight of her makes me want her. I can even see the silhouette of her thighs and legs... and her bottom. Damn it! i'm having hard on just bu looking at her.

Hindi na ako nakapagpigil na lumapit sa kanya.

"Ako na" bulong ko mula sa kanyang likuran. Her hair is tied in a messy bun, litaw ang kanyang leeg na medyo pawisan. Napatingin ako sa paligid, parang dinaanan ng bagyo sa kalat. Napangiti ako sa sarili, ginawa nga niya ang pinag usapan namin.

"Uh, uh sorry ang kalat...liligpitin ko mamya. N-nagluto ako eh" alinlangan niyang sagot. Medyo basa ang damit niyang may mga mantsa din doon. She's too adorable sa hitsura niya, cute!

I nod. Umupo  ako sa countertable na sinuri ang nasa mesa, napatingin siya sa akin na napakagat  ng labi. Kung pwede lang na ikaw ang almusalin ko...

"Uh, pasensya ka na medyo sunog yung longganisa and hilaw ata yung kalahati ng hotdog" medyo yamot niyang sagot.

Hindi ako umimik. It's the effort that counts, kahit pa anong ipakain niya, kakainin ko.

"Coffee or juice?"

"Kape na lang" sagot ko. Tumalikod siyang kumuha ng mug. Ang sarap ng pakiramdam! pinagsisilbihan ka ng asawa mo!

Halos mapangiwi ako ng matikman ko ang kape, sobrang tamis iyon.

"O-okay lang ba?" kabado niyang tanong muli.

"Okay lang, ilang kutsarita bang asukal ang nilagay mo?" i asked.

"Ha? dalawang kutsara"

"Bawasan mo na lang sa susunod kundi magkakadiabetes ako" sagot ko, i don't want to embarrassed her. Maswerte na nga ako at pinagsisilbihan niya, alam kong wala siyang alam sa kusina.

"Okay" aniyang napansin ko ang isang lalagyan.

"What's that?"

"Huh? w-wala ito" aniyang itinago iuon sa likuran niya.

"Is that for me?" umaasang tanong ko. please say yes...

"Ha? ah eh, hindi ko naisip na may nearby restaurant pala sa office mo" alinlangan niyang sagot. I am damn happy!

"Akin na yan" ani kong hindi napigilan ang sarili ko sa tuwa.

"Uh, Jax ano lang yan eh..."

"If this is for me Mara, kukunin ko" sagot kong bumalik sa pagkain.

"...why did you made it?" kyuryosidad kong tanong.

"Uhm, ganun naman dapat diba? nakikita ko si Mommy nuon, laging hinahanda ang baon ni Daddy,si Tita Maricar din" sagot niya, i am damn lucky husband.

"Ako na dito, maghanda ka na" pigil niya sa pagtulong kong magligpit.

Naligo akong nagbihis. I stared at my tie, i might take this chance...

Medyo maayos na ang kitchen pagbaba ko.

"Fix my tie"

Napatango siyang nagpunas ng kamay. Lumapit siyang inayos ang kurbata ko. I can't helped to stare at her beautiful face, kahit medyo magulo pa ang buhok niya at may sauce sa mukha. I love you...

"Ayan na" pilit na ngiti niya, inabot niya ang baon ko na sumunod hanggang pinto. I dreamt of this, parang hindi ako makapaniwalang ganito ang magiging umaga ko.

"You know my number right?" bilin kong napatango ito.

"Ingat ka" bulong niyang paalis sana ako ngunit hindi ko napigilan ang aking sarili.

Ibinaba ko ang case kong hinapit siya sa baywang. I kissed her fully on the lips, mahinay iyon na dinama ko. Her soft luscious lips...

Kung pwede ko lang hindi pigilan ang sarili ko...

***

"Yes Boss" si Ate Sol, may secretary.

"Do you have antacids?"

"Meron sir, wait po dadalahan ko kayo" aniya sa kabilang linya.

Pumasok siyang may dalang basong tubig.

"Sir, ito po chewable then ito naman buscopan" aniyang abot na napatingin sa mesa ko.

"Uh, ah... a- ano pong k-kinain ninyo?" aniyang napatingin sa baunan ko.

"Can you give me warm water?"

"Opo, sir parang hilaw pa itong karne ng tocino at bacon, tutong din yung sunnyside up egg mo, maraming carcinogens yan" puna ni Annie.

"I-i know" tugon ko.

"Eh bakit ninyo kinain?"

"My wife prepared it" simpleng sagot ko.

"Uh, pwede bang kuhaan mo na lang ako ng tubig?" pakiusap kong parang natatawa pa si Ate sol.

" ...and please don't tell Mara na sumakit ang tiyan ko okay?" pahabol ko.


***
thanks for reading.

The Untold ChaptersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon