Mike ( Almost Over You )

1.8K 48 21
                                    


A/N : Tinawid ko ang barbwire sa kwento na ito (lolz 😜😁😅) , most heartbreaking para sa akin. Ito lang yata ang story ko na hindi ko nire read.

***

"Huy, sinong tinitingnan mo dyan?" kalbit ng kasamahan ko.

"Ha? Wala," iling kong napatingin muli sa lobby. Nasa internship program ako sa ospital na pagmamay ari ng pamilya namin.

"Tss , wala daw, patingin ako Pre" pangungulit ni Marco. Humara ako sa harapan ni Marco, ayaw kong makita niya kung sinuman ang nakaagaw ng pansin sa akin.

"Ang damot" nguso ni Marco na natawa.

"...Dude, kanina ka pa dito sa Lobby pabalik balik, naandon ang mga pasyente natin oh" turo niya sa bukana ng Laboratory.

Hinatak ko siya pabalik sa Lab. Napasulyap ako ng tingin sa lobby ng huling beses, naandon pa rin siyang nakasandal sa waiting area na may hawak na libro.

"Sino dyan Pre?" tingkayad ni Marco.

"Halika na" hila ko ngunit bumalik muli ang tingin niya sa lobby.

"Dude, wag mo sabihing yung buntis? o yung lalakeng nakadekwatro..." aniyang tukso. Binatukan ko siyang hinila muli.

"...oh, I know" ngisi niya.

"...that girl na malapit sa vendo machine!" kantyaw niyang hinatak ko ang kwelyo niya.

"Ang bata pa nun Pare!" tawa niya.

"Shut up"

***

"May bedside ako sa ER" ani ng intern coordinator namin, na ang ibig niyang sabihin ay may kailangang i extract sa ER. Nasa huling taon na ako ng Premed ko bilang Medical Technologist.

Nagtaas ako ng kamay.

"Ako na po ang gagawa" prisinta ko.

"Okay Montecillo"

Dumaan ako sa lobby, napasulyap akong naandon pa rin siya. Halos breaktime na namin. I am wondering kung bakit siya naandito, may pasyente ba siyang hinihintay?

Pansin kong halos kalahati na niyanang librong hawak niya. Napahikab siyang isinara muli ang libro at napatingin sa kanyang relo, at naglabas ng telepono.

"Mr. Montecillo" gulat ako sa pagtawag ng Intern Coordinator namin, napabalik ako sa ulirat at napatingin sa hawak ko. Halos nakalimutan ko na kung bakit ako napadaan ng ER.

"S-Sir..."

"What are you doing there? nagfollow up na ang ER" aniyang kunot ang noo.

"Huh? Opo! opo! papunta na po" madali kong sumabay siya ng lakad.

"Tsk! you are spacing out, ano bang nangyayari sa iyo? to tell you, hindi porke't sa iyo ang ospital na ito ay magiging lenient ako sayo" sermon niya.

"Ha, hindi naman po...sorry Sir" hingi ko ng dispensa.

Lumingon ako ng isang beses sa Lobby.

Sana naandyan ka pa mamya.

Binilisan kong mag extract ng dugo.

The Untold ChaptersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon