Landon 4 ( L&R)

1.4K 71 24
                                    

Hello po sa commentors ng previous chaps :P  aena1229 , dawn4113 ( ikaw may request neto eh :0 ) , rhiana11 , bluebonnetdaisy , lelegen , jeypii , jharian28  :) pagpasensyahan na po at nangangamote ako sa SPG chaps eh :) at dahil maraming SPG moments ang Landon and Reece pati ang untold chaps eh meron din :P. 


Short update.



***

"Fuck Dude! bakit ka naandito na naman?" yamot na baling ni Brent. Ipinagbawalang bahala ko iyon na hindi siya nilingon.

"Pare!"

"What Brent! Ang damot mo naman! para natambay lang sa opisina mo eh, madalas niyo ngang gawin ito sa opisina ko!" inis na sagot ko.

"Pare, may mga aasikasuhin ako" iling ni Brent muli.

"Tsk! e di layas na! aalis ako maya maya, naandyan pa naman ang sekretarya mo" sagot kong lalo itong umiling na nainis na bumubulong bulong pa.

Anong problema neto?

"Dude...hindi ka pwedeng manatili dito ng wala ako" yamot na sagot niyang muli.

"Why?"

"Tsk! umuwi ka na kasi! ano bang problema mo't natambay ka dito? kahapon din ay naandito ka na naman!" aniyang kunot na kunot ang noo.

"Tsss... ang labo mo! hindi ka naman dating ganyan kadamot ah" sagot ko.

"Ikaw ang malabo! bakit ka ba kasi nang iistorbo dito?" aniyang iritableng hindi ko maintindihan.


Napanguso akong hindi siya pinansin na itinuon ko ang tingin sa aking telepono.


"Dude!"

"Tsk! anong problema mo Brent?" ani kong ibinaba ang aking hawak.

" Pare, may meeting ako ng in 30mins, medyo malayo iyon" yamot na sagot niya.

"So?"

"Hindi ka nga pwede dito" aniyang iling.

"At bakit?"

"Mag oovertime si Lana ngayon" tukoy niya sa sekretarya niya. Napatitig akong inaanalisa ang sinasabi niya.

Napangiti ako.

"Brent pare-" ani kong pang aasar. Bakit nga ba hindi ko nakuha iyon agad?

"Shut up Landon, umalis ka na sa opisina ko" salubong na kilay niyang sagot.

Nagpigil ako ng tawa.

"Fine, isara mo na itong opisina mo, doon na lang ako sa mesa ni Lana maghihintay ng oras" pangaasar kong pinanlakihan ako nito ng mata.

"Fuck you Dude!" aniyang yamot na yamot.

Natawa akong pansin ang sandaling pamumula ng kanyang mukha.

Bumalik siya sa mesa niyang pumindot ng intercom.

"Sir?"

"Pack your things Lana, hindi ka mag oovertime ngayon, at pakitawagan si Mr. Lee na cancel ang meeting namin" seryosong aniya sa kausap.

The Untold ChaptersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon