Ringo ( I hate that I love you)

1.1K 53 44
                                    


Ringo- brother ni Reece sa L & R

(Nagsasanay ako ng male POV- kaya walang magrereklamo okay?😜, hirap kasi ako sa POV ni Nate sa S&N ) #struggleisreal

***

"Tito!"

Awtomatik akong napangiti sa tinis ng boses ng aking pamangkin. Nagmadali siyang tumakbo papunta sa gawi ko. Naka pusod ang kanyang buhok na may hati sa gitna at nakasuot ng pangballet na palda o yung tutu skirt daw. Isang puting tshirt na may printed na unicorn naman ang pang itaas nia at may sandals na pang ballet din. Halos hindi na niya mabuhat ang katawan niya sa kabigatan sa edad na tatlong taon.

Umamba agad siya ng karga na mabilis kong sinunod. Napatili siya ng kinagat ko ang mataba niyang braso. Nakakagigili sa katabaan, wala yatang balak i diet ni Ate ang panganay niya.

"Namiss ko ang baby ko" pupog ko ng halik sa pisngi at halik niya na siyang lalong ikinatili niyang tumatawa.

"S-stop! Stop na po!" Tawa ni Rayne. Lalo ko siyang kiniliti sa tagiliran.

"Ringo!" Si Ate na na karga naman ang isa't kalahating taon niyang anak na si Lennox, at medyo umuumbok na rin ang tiyan niya sa pangatlo nilang anak. Hindi uso sa kanila ni Kuya Landon ang family planning.

"Hi ate" ngisi ko.

"Mag ahit ka muna bago halikan ang pamangkin mo!" Saway niya. Noong nakaraang buwan ay binawalan niya akong lumapit kay Rayne ng mahigit isang linggo. Grounded kumbaga dahil sa pagkaka allergy ni Rayne sa pisngi niya, siya pa rin si Ate Reece na medyo may pagka istrikta pero mapagmahal.

Napangisi akong humalik sa sentido ng pamangkin ko. Di ko mapigilan eh, ang cute kasi at ang taba taba pa!

"Hmp, ewan ko sayo! Kapag yan nagka allergy na naman lagot ka sa akin" rinig kong patalikod sana at dalahin sa kwarto ko si Rayne ng maulinigan kong muli si Ate.

"Halika Daniella, pumasok ka" si Ate na napalingon ako. May isang bulto na lumabas mula sa kanyang likuran. Hindi ko iyon napansin kanina.

Nakayuko siyang hila ang isang trolley bag, na may nakasukbit na knapsack mula sa kanyang likuran.

Hindi ako nakapagpigil na lumapit ng kaunti.

"Anong ginagawa niya dito Ate?" Baling ko kay Ate.

"Dito na siya titira Ringo" si Ate muli na akay si Daniella.

Gustong sumabog ng dibdib ko sa galit at inis.

"Ilapag mo muna ang gamit mo Dani" utos muli ni Ate na sinunod naman ng isa.

"Seryoso ka Ate?! Ano ba namang kalokohan na naman ito?" Ani kong lumapit sa gawi niya.

"Umayos ka Ringo" saway niyang umirap sa akin na lumabas.

"Daddy, pakibilisan naman diyan" sigaw niya kay Kuya Landon na papasok din ng bahay. Nagmadali si Kuya na kinuha si Lennox sa kanya.

"Salamat, nangalay ako" reklamo ni Ate.

"Mauna na kami sa bahay" bulong ni Kuya na lumapit sa gawi ko. Ipinasa ko sa kanya si Rayne.

"Don't make your Ate mad, okay?" Bulong niyang paalala bago kinuha ang pamangkin kong dumiretso sa isang bahagi ng bahay namin na nagkokonekta sa bahay nila.

Ipinaupo ni Ate si Dani na nanatiling nakayuko.

Pinilit kong kumalma. Maselan muli ang pagbubuntis ni Ate sa pangatlo niyang anak.

The Untold ChaptersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon