Landon 3 ( L & R )

1.5K 79 19
                                        



hi @dawn4113 :)


***


"Whoah! para saan ito bro?"


"It's a blank cheque, ilagay mo na lang diyan kung magkano ang ibinayad mo sa club the last time" sambit ko. Sinadya ko pa si Brent sa opisina niya.


"Huh? Why?" nalilitong tanong niya.


"Because I said so, do me a favor Brent, i- encash mo kung magkano ang ibinayad mo doon" seryoso kong tugon.


"Huh? o- okay" aniyang tumango ngunit kunot ang noo.


"A-are you alright? uhm, is there something-" aniyang sinabaran kong umiling.


"Nothing, alam mong ayaw kong may utang kahit kanino" simpleng tugon ko.


"O-okay, well.. it isn't supposed to be-"


"Just do it Brent" sabad kong muli.


"Fine, whatever reason you have at nagpipilit ka ng ganyan, wala na akong magagawa" aniyang tugon.


"How's Cole?" pagiiba ko ng usapan.


"Ayun, hinahanap pa rin si Mira" sagot niyang tumayo at dumiretso sa mini bar niya sa loob ng opisina.


"Bakit hindi siya maghire ng private investigator para mas madali?" sagot ko.


"Actually, ginawa na niya iyan, masyadong mailap yung isa, ibig sabihin nun ayaw magpahanap" sagot muli ni Brent na napabuntong hininga. Kahit man din ako ay nakaramdam ng lungkot para sa kaibigan namin.


"...I suggested na bigyan ng space si Mira then pahupahin muna niya at saka siya maghanap uli" aniyang muli ng bumukas ang pinto ng opisina pagkatapos ng marahang katok.


"I'm sorry Sir for interrupting, dumating na po kasi yung 3:00 appointment ninyo" ani ng bagong sekretarya niya.


Tumango si Brent.


Napatayo ako.


"Mauna na rin ako" ani kong paalam.


---

Dumiretso ako ng ospital. Natapos ang urgent na operasyon ni Nanay Rina, at nakalipat na rin sa isang private room. Miel did a good job, ngunit naipaliwang din niya na malaking factor ang katandaan ni Nanay Rina sa pagkakaroon ng komplikasyon niya sa puso. Naalala kong halos hindi matapos tapos ang pasasalamat ni Reece sa kanya.


Napasilip akong ang nakababatang kapatid ni Reece ang nasa tabi ng higaan ng Lola nila. I composed myself bago ko naisipang kumatok at pumasok.


"Sir!" bati na ngiti ni Russel na napatingin sa hawak kong pagkain. Bumati akong lumapit sa kanila.


"Magandang hapon po" mas pormal na bati ni Ringo na pinipigilan ang kapatid na lumapit sa akin.


"This is for you" haplos ko sa ulunan ni Russel.


"...and for you too" ani ko kay Ringo na ngumiti ng nagpasalamat.


"Wow kuya! gusto ko neto!" bulong ni Russel na umupo sa isang tabi.


"Russ, dahan dahan naman" saway ni Ringo na inaalalayan ang kapatid sa pagbukas sa dala kong cakes at donut.


The Untold ChaptersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon