Kabanata 4

8.5K 88 1
                                    

---------------------------------------------------------------------------------------------------

Love doesn't need to be perfect, it just need to be true.

©MJP

----------------------------------------------------------------------------------------------

Yung saya ko kanina biglang napalitan ng takot. Takot sa pwedeng magawa ngayon ni Nielven. Oo si Nielven ang lalaking nakatayo ngayon sa pintuan na matalim na nakatingin sa amin.

Kami naman ni Eris ay nasa ganung.posisyon parin. Nakahawak ang isang kamay niya sa mukha ko tapos ako nagpaubaya lang.

What will happen next? Walang may gustong magsalita sa amin dahil halos lahat ata kami ay nasa stage of shocks.

Walang kumikilos at umiimik. Nakatingin lang kami sa isat-isa. Ako kay Nielven at siya naman ay matalim na nakatingin sa kamay ni Eris na nakadapo sa pisngi ko.

Patay. I said inside my mind, kaya bigla akong lumayo para makawala sa pagkakahawak ni Eris.

Shet. Sino ba ang kakusapin ko sa kanila? Si Nielven o si Eris? Langya, ang hirap magdecide. Feeling ko nasa isang game show ako na pwedeng manalo ng milyon. Ang kaibahan lang lalaki ang mapapanalunan dito.

Woh ha? Masyado ba ako naga-assume dito? na sobrang haba ng hair ko? Pakiramdam ko nasa isang telenovela kami, ako yung pinagaagawan nung dalawang gwapong lalaki.

Hanep Jansen, lakas mo magilusyon aa? Kumilos ka kaya hindi yang nakayunganga ka dyan.

Sino? Ang pipiliin ko? Haha, nakuha ko pang kumanta. Ane be yen.

Okay seryoso na.

Hmmm. Dahil nga sa mas matimbang ang love sa friend. Nakita ko nalang ang sarili ko humahakbang papunta sa direksyon ni Nielven.

Pero nakakatatlong hakbang palang ako ay may humawak sa kamay ko.

Pinipigilan ba ako ni Eris? Ewan, bakit niya ako pipigilan?

I faced him para sana magtanong, ngunit nung makita ko yung galit sa mata niya napaurong ang dila ko.

Bakit ba ang intense ng eksena dito? Bakit ang sama ng tingin nila sa isa't-isa? Ano bang problema.

"Eris---aray!" angal ko ng biglang tinanggal ni Nielven ang kamay ni Eris sa braso ko tsaka ako kinaladkad este binuhat.

Buhat niya ako pababa ng hagdan pagkababa ay hinawakan niya ako sa kamay. Yung kamay ko parang wala ng dugong dumadaloy dahil sa sobrang higpit ng pagkakahawak niya.

San naman niya ako dadalhin aber? At tsaka bakit nga ba ako sumama sa kanya. Hindi ko din alam. Basta kasi si Nielven wala akong nagiging angal.

But wait! Ghad! Paano si Eris? Letche naman, bahala na nga.

Nagulat ako ng bigla niyamg binuksan ang pinto ng kotse at mabilid akong pinapasok doon.

Aray ko beh. Tao ako hindi bag na pwedeng ibato agad-agad sa front seat.

Pinagmasdan ko lang siyang umikot para sumakay sa driver seat.

Ang sama ng itsura niya, galit ba siya?

Aba, siya pa may ganang magalit sakin e wala naman akong ginagawa.

"Now, explain everything!" padabog na sabi niya sa akin.

Mage-explain ako? "Anong ipapaliwanag ko?" siraulo na'to. Siya nga 'tong may kabit tapos ako pagpapaliwanagin. Naks, kung maka-kabit naman ako parang pagmamsy-ari ko 'tong si Nielven.

Tukso ng DugoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon