Kabanata 28

2.8K 40 2
                                    

"Hi Jansen!" nanginig ang buong sistema ko.

Halos maitapon ko ang baso dahil sa panginginig. Gusto kong pumikit dahil baka sakaling panaginip lang 'to. Panaginip lang na nasa harap ko siya.. hindi ko kasi napaghandaan 'to. Dahil sa totoo lang hindi ko inaasahan na sa unang araw o ilang oras ko palang na nakakabalik ay makikita ko na siya. Damn this life! Bakit pa kasi ako pumunta dito.

Ngumiti ako ng pilit. "H-hi!" oh great, nauutal pa ako.

"Kamusta world tour?" tanong niya.

"O-okay lan---

"Hello!"

Napataas ang kilay ko ng biglang lumabas si Sandra mula sa likod ni Nielven?

Oh jusko! Tama! Si Nielven 'to...yung pinsan ko. Tss. Ba't ba kasi sila magkamukha nung pinsan niyang siraulo.

"Kayong dalawa ang magkasama?" I asked. Sumimsim ulit ako sa aking inumin. Grabe akong magreact tapos joke lang pala. Akala ko pa naman andito na siya. Hindi pala. Oh? Ba't nanghinayang ka Jansen?

"Uhm. Kasama ko si Jonah. Si Linny naman kay Nine. Why? Are you surprised to see us?" ngiting may ibang ibig sabihin ang binigay niya sa akin. Sapakin ko kaya siya ng hindi na siya makangiti.

"Oh...I see. Enjoy the party couz." sabi ko bago sila talikuran. I don't want nonsense conversation. Aaminin kong may tampo parin ako sa pinsan ko. Hindi madaling palampasin nalang yung pagpapanggap niya.

Imagine, pumayag siya na pagtakpan yung pinsan niya para lokohin ako. Walangya naman talaga diba? Winalangya ako ng sobra.

Tss. "One more." order ko ulit nung maubos na yung isang shot. Napapasabay na ako dahil sa ganda ng beat ng music. Sorry by Justin Bieber.

Pagkakuha nung baso ay nilapag ko yun sa mesa kung saan kami. Nadadala na talaga ako nung tugtog. I want to dance and have some fun.

Malapad ang ngisi ni Nine nung makitang palapit na ako. "Dance with me baby." sabi niya pagkatapos ay kumindat.

"Yeah. Just dance."

Sumayaw lang ako kasabay ni Nine. Sayaw.

"You're familiar." there. Eto na yung mahirap 'pag nasa bar at nakikigulo sa dagat ng tao sa pagsasayaw. Yung may lalapit sa'yo at magpapapansin.

"Am I? Did we meet already?" sigaw ko pabalik sa lalaking nasa likod kong patuloy lang din sa pagsayaw.

Sa tingin ko six footer siya. Maputi, makinis at maganda ang katawan. Halatang halata sa Biceps at Abs niyang bakat sa grey v-neck shirt niyang suot.

"Hindi ko na matandaan. Basta, I met you before." okay, fine. Baka sa mga gig namin sa iba't-ibang bar dito sa Pilipinas.

He moved closer to me, kaya napatingin ako sa kanyang mukha...gwapong mukha. Simula sa mahabang pilik mata, matangos na ilong at mapulang labi. Oh damn!

Napakagat nalang ako sa labi ko. This guy is too hot. Danger alert!

Aatras palang ako palayi ay nahawakan na niya ang braso ko. Shit.

"Excuse me." binawi ko ang kamay ko.

"Taken?" matigas niyang sabi. Ngunit bago pa man ako makasagot ay may yumakap na sa akin mula sa likod. "Yes, she's mine. Hands off Ark." pamilyar na boses ni Eris ang narinig ko. Ano daw sabi niya? Lokong 'to. Hindi pa nakuntento at pinatong pa talaga yung mukha niya sa balikat ko.

"Okay..okay. Hands off." natatawang sagot ni Ark? Tama ba pagkakarinig ko? Tinanguan lang siya ni Eris at saka tuluyang umalis. So, magkakilala silang dalawa.

Tukso ng DugoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon