Kabanata 12

4.2K 45 4
                                    

Alert! : Nagkaroon ng changes sa takbo ng story. Binura ko po yung naunang KABANATA 11 at pinalitan ko ng bago. Nakapost na po yun, please do re-reading Kabanata 11 before this. Thanks!

-MrsANO

---- --- ----

Ang pagbuo ng tamang relasyon sa maling panahon ay parang paggamit mo ng drugs.

Oo, may oras na masisiyahan ka pero ang kapalit naman nun ay ang pagkasira ng sarili mo mismo. It means walang magandang kakahantungan, pagdating sa huli talo ka parin. And that what's happened to us, we ended up like this dahil narin sa kagagawan namin pareho.

Masyado kaming nadala ng sarili naming pagnanasa sa isa't-isa.

But sino ako para magsisi ngayon, ginusto ko yun e. Nasarapan ako at nasiyahan, bakit ako magsisi kung hanggang ngayon nasasaktan parin ako sa kinahantungan namin ni Niel.

Halos magi-isang buwan narin ang nakakalipas simula ng biglaan akong bumalik dito sa Manila. Si Nielven? Wala akong balita sa kanya, ni hindi niya na ako kinausap since nung araw na iniwan ko siya. Bakit pa? Ako yung nangiwan diba? Psh.

Ang tanga lang dahil sa mga araw na lumipas na yun umasa ako na dadating siya para makipagayos sa akin. Pero wala, nasaktan lang tuloy ako lalo.

Ang assumera ko kasi, nagkakumpyansa ako na hahanapin o susundan niya ako 'pag iniwan ko siya. Yung tipong luluhod siya para balikan ko siya at ayusin namin kung ano mang dapat ayusin.

Nakakatawa lang, pinagtawanan ko lang ang sarili ko dahil sa mga araw na yun walang Nielven na nagpakita. Kahit isang text, WALA. And who the hell care? Ako? No! Ayoko na, ayoko ng umasa.

Desisyon ko ang iwan siya kaya dapat panindigan ko. Sabi nga ni Rio, What the reason of crying? Ipakita mo dapat na masaya ka sa naging desisyon mo.

Kung ako natiis at binalewala niya, ako pa kaya? Kayang-kaya ko! Fighting! Ang tapang ko kaya. Kakayanin ko kahit siya pa ang greatest weakness ko.

I grabbed my bag pati narin yung laptop. Back to normal na, papasok ako ngayon.

"Deon may pasok ka?" tanong ko sa abnormal kong kapatid na naaubutan kong nanunuod.

"Oo, afternoon class ako sis. Bakit?"

"Wala lang." I said. Pero ang totoo sasabihin ko sanang pagdala niya ako ng lunch sa office. Nakakahiya na kasi kay Rio, lagi nalang siya ang nagdadala ng lunch ko.

"Uhm. Ganun? Akala ko magpapadala ka ng lunch sa office." sabi niya sa akin. Kailan pa natutong bumasa ng isip 'tong si Deon?

"Oo sana, kung pwede."

"Sige, idadaan ko nalang bago ako pumasok."

"Sigeeeee! I love you little bro."

Hehe. Goodvibes na, ipagluluto ako ni Deon e. Grr. Bakit ba kasi hindi ako marunong magluto. Huhu. Hayaan na nga, yun ang nakatadhana sa akin e. May mga tagaluto naman ako. Haha.

Masaya akong lumabas ng apartment. Dahil sabi kong 'wag na akong sunduin ni Rio, magco-commute nalang ako. Ayokong magtaxi dahil hindi ko afford. Haha. Kuripot lang e noh?

Nagaabang na ako ng pwedeng masakyan ng biglang may humintong BMW na itim sa harap ko.

"Shit." bulong ko. Kinabahan ako agad. Isang tao lang naman na kakilala ko ang may ganitong sasakyan. What if siya nga 'to? Magpapauto na naman ba ako? Kakausapin ko ba siya? No way! As in NO na NO!

Tumalikod ako nung marinig kong bumukas yung pinto ng kotse. Nakakaloka! Kailangan kong hindi magpahalatang nakita ko siya.

E paano kung makilala niya ako? Kakausapin ko ba siya? Ayst. Bahala na.

Tukso ng DugoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon