Kabanata 16

3.9K 39 5
                                    

'Cause you're my flashlight..

'Cause you're my flashlight..

You're my flashlight..

"I see the shadow---- Uhh! Badtrip naman!" nalow-bat pa. Music na nga lang stress reliever ko e. Amputs.

Ibinalik ko na ang tingin sa harap ng laptop ko. Ugh. I pressed ctrl+a then delete. Bwisit, wala akong maisip na maayos. Nakakaimbyerna gumawa ng presentation.

Three hours na akong gumagawa pero wala pa akong natatapos. Ayst. Ang aga ko pa naman gumising ngayon.

I glanced at the piece of paper where I wrote the titles of my completed stories. Pati ang pagpili, pahirapan din. *sigh

1. Walang Forever Pero Lifetime Meron

2. My first time goes wrong

3. Eyes of Eba

4. Some Mad Hope

5. Tukso ng Dugo

What will I choose? Ang theme is about hopes and dreams. Ahm..

"Arrrrgh!!" napasabunot nalang ako sa sariling buhok. "Nakakaloka naman!" sigaw ko pa.

Kapag kasi yung number one ang pinili ko parang sa title palang mukhang hindi na maa-approve. Hindi naniniwala sa forever e.

Yung number two naman, hindi ko alam ang takbo ng istorya na yan. Nagawa ko lang naman siya kasi ewan. Ayst.

Tapos, yung Eyes of Eba. About love at first sight yun.

Then, some mad hope. I think pwede naman siya, may babaguhin lang ng konti.

And last, yung Tukso ng Dugo. Masyadong kumplikado naman ang isang 'to. Pero maganda yung leading na babae sa story ko na yun. Uhm, pwede 'to! E kasi about naman sa hopes and dreams yun. Hoping yung mga bida na magkakatuluyan sila tapos pinapangarap nila na balang araw magiging maayos din ang lahat para sa kanilang dalawa. Uy! Pwede! (^_^)

Narrator's PoV

Prenteng nakaupo si Nielven sa kanyang swivel chair sa loob ng office niya, habang ito naman si nine ay sa table niya nakadapo.

"Huwag mo akong ngitian dyan Nine." kanina pa nakangiting aso kasi sa kanya. Pero gwapo parin si Nine kahit ganun. Haha

"Aminin mo na kasi kupal, inlove ka. Naks." Nine said to Niel. Ang nasaisip kasi niya may babae si Nielven dahil sa laki ng ngiti nito kahapon bago sila umuwi mula sa Farr Company. Akala mo kasi nakajackpot sa lotto o kaya naka-score. Haha

Insane. Tss. bulong ni Nielven sa isipan. Tumalikod siya mula sa pagkakaharap sa kanyang pinsan, "Think whatever you want." inis niyang sabi.

"Woah! Yun oh. Sino kups? Staff ba dun sa Farr?" sigaw ni Nine tapos inilagay niya yung kamay niya sa may baba, yung parang nagiisip. "Sino kaya dun sa mga chickababes na nakita ko dun?" sabi niya pa ulit.

Siraulo na talaga 'to. Hindi ko alam kung paano ko naging pinsan ang isang 'to. Nielven thought to his self.

Kanina pa kasi siya kinukulit ng pinsan niya simula pagkapasok sa office.

"Wala kang pakialam kung sino man yun. Alis!" Nielven nearly groaned but Nine still paste the wicked smile on his face.

"Woah! Chilax lang Nielven. So andun nga? Haha Sabihin mo na kasi ng mai-check kung perfect ten."

Tukso ng DugoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon