Kabanata 8

5.7K 52 1
                                    

------------------------------------------------------------------------------------------

Sa pagibig minsan kakailanganin mong magsakripisyo. Dahil mahalaga ang nakataya dito, yun ay ang puso ng taong mahal mo.

©MrsANO

----------------------------------------------------------------------------------------------

Ako'y kasalukuyang sumasailalim sa pagibig ng aking irog na si Nielven. Haha. Charot!

Mahigpit siyang nakayap sa akin at ako naman nakasubsob sa dibdib niya. Ito ang tinatawag na heaven..Haha.

Alam niyo na napagod kami sa paghaharutan este pagkukurutan kanina. Ang harot naman kasi netong bebehlabs ko. Nadyan yung bigla nalang siyang nangingiliti, nangyayakap at nagnanakaw ng halik. Walang kapaguran si Nielven.

Tumingala ako para tingnan siya, ang loko nakapikit na. Pero ang gwapo parin niya. Haha. "Labs nga pala, san ka nagpunta kanina nung lumabas ka?" I wonder lang kasi kung bakit nakabalik sya agad kung umalis siya kanina.

"Sa labas lang, pinaalis ko lang si Sandra." sagot naman niya na nakapikit parin.

"Ang bad mo, pinaalis mo talaga Labs?"

"Oo Labs, bakit ano ba dapat?" dumilat na siya this time.

"Hindi mo dapat pinaalis Labs. Dapat dun kinaladkad mo palabas tapos pinalayas mo sabay sigaw ng "HUWAG KA NG BABALIK! EPAL KA!" sabi ko sabay halakhak. Haha-hard!

"Haha. Ang kulit mo talaga Labs." hinalikan niya ako sa noo pagkatapos ay niyakap ng mahigpit.

"Mahal kita Labs." bulong niya.

"Mahal din kita Lalabs ko!" I replied then kissed the tip of his nose.

"Aww. Bakit sa ilong lang?" paawa pa siya nung sinasabi yan.

"E ikaw nga sa noo mo ako hinalikan."

"Lapit ka sa akin Labs, sa lips na kita hahalikan." tapos ngumuso siya.

"Hahaha. Para-paraan ka Labs."

"Sige na Labs."

"A-YO-KO!"

Sasagot na sana si Nielven kaso biglang may kumatok sa pinto. Natahimik tuloy kami pareho.

"Ate Jansen! Andyan kaba sa loob?"

Patay. Si Jona.

Bumalikwas agad ako, "Niel magtago ka." tarantang utos ko.

"Why?"

"Why-why kapa dyan. Syempre anong iisipin ng kapatid mo 'pag nakita ka niya sa loob ng kwarto ko aber?" tanga lang Labs?

"Tss."

"Oh ano pang inuupo mo dyan? Kilos na! Dun ka sa banyo."

"What? Ba't sa banyo? No way!"

Hala? Ang tigas ng ulo.

*Knock-knock*

"Ate Jansen!! Pakibuksan po ang pinto." - Jona.

Ayan na, letse naman e. "Niel magtago kana! Sasabihin ko nasa kabilang kwarto ka." langya, kinakabahan na ako e.

"Okay. Dun ako sa may Veranda, just close the door."

"Sige na, bilisan mo!"

Itinulak ko na siya palabas tapos sinarado ko na yung pinto. Letcheng lalaki yun, naginarte pa. Anong gusto niya? Pagdudahan kami ni Jona?

Tukso ng DugoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon