Kabanata 23

2.7K 32 2
                                    

Bumalik ako sa pagkakahiga sa tabi ng bebehlabs ko. Niyakap naman niya ako sabay halik sa noo.

"Behave, please?" bulong ko bago sagutin ang tawag. Tumango naman siya.

[Jansen! Anak!] sigaw ni mama sa kabilang line.

"Po? Biglaan ata ang pagtawag niyo." I replied. Si Niel naman walang lubay sa pagharot sa akin. Kaloka! Behave na ba siya nung lagay na yan?

[Mangangamusta lang anak.]

Ohh. Namiss lang ako nito ni mama. "Okay lang po ako, 'wag po kayong magalala. Uuwi ako dyan 'pag natapos ko ang project ko." masayang sabi ko.

Nielven moved closer to me. Hinawakan niya ako sa mukha, nakatitig kami sa mata ng isa't-isa. Walang umiimik, sa mata lang kami naguusap.

[Bakit hindi kapa ngayon umuwi? Mukhang wala ka naman pasok aa.]

Lumalapit na ang mukha niya sa akin. Ang mokong na'to sinasamantala ang pakikipagusap ko kay mama. He was about to kiss me. But, there's something weird I noticed. He has mole on the left eye pala?

"Ma, sabi ko nga po may project akong---

[Andito si Deon.]

"Wow! Paano siya nakauwi ng hindi ako kasama."

[I told you, kaya umuwi kana]

"Sa isang araw na siguro ma." ayoko pa atang umuwi.

[Haay. E kung sabihin ko sayong andito sila tita Bea mo? Uuwi kana? Surprise dapat, ang kaso ang hirap mong pauwiin.] natatawang sabi ni mama.

Wow! Parang gusto ko ng umuwi tuloy ngayon!

"Hahaha. Kailan pa dyan sila tita Bea?" I asked. Napakunot naman ang noo ni Nielven na nakaakap parin sa akin. Ayaw niya bang marinig ang pangalan ng mommy niya?

[Kanina lang, kaya umuwi kana.]

"I see. Pero sino pang andyan ma?" sana marami sila para mas masaya diba? Miss ko narim kasi yung mga yun.

[Andito si Jona, Deon, si tito at tita mo at yung pinsan mong isa wala pa pero----ay! Heto na pala siya kasama si Sandra.]

My jaw dropped when I heard Mama say Sandra. Sinong pinsan ang kasama ni Sandra? Imposibleng si Nine. Lalo na si---napatingin ako kay Nielven na tila curious sa pinaguusapan namin ni mama. Pero, ba't kinabahan ako bigla. Shit.

"Sinong pinsan ma?" takhang tanong ko.

[Hay naku! Ikaw talagang bata ka! Sino paba? Si kuya Nielven mo ang kasama niya.]

Nanlamig ako sa sinagot ni mama. Tangina.

"Ma? Sigurado kaba?" I asked in disbelief. Paanong mapupunta si Nielven dun? Eto siya sa tabi ko.

[Gaga! Syempre! Nielven magsalita ka nga!......] may kaluskos akong narinig na parang may kumuha ng cellphone mula kay mama.

[Sino po ito tita?] I heard him say na talaga namang nagpabasag sa buong sistema ko.

Narinig ko pang may sinabi siya sa phone pero hindi na dun naka-focus ang atensyon ko. Kundi dito sa lalaking kasama ko.

S-sino siya?

"Lumayo ka sa akin." I pushed him away. Dali-dali akong tumayo at ibinalot ang katawan ko puting kumot.

"Bakit?" takhang tanong niya.

Biglang nanghina ang mga tuhod ko. Nanginginig ang buong katawan ko.

"S-sino ka?!" I blurted out.

Tukso ng DugoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon