Kabanata 5

7.9K 84 1
                                    

------------------------------------------------------------------------------------------

Hindi mawawala ang bakas ng tuwa sa mukha mo at ang saya sa puso mo, tuwing ang kasama mo ay ang taong nagmamay-ari nito mismo.

©MrsANO

----------------------------------------------------------------------------------------------

"Holy sh*t! Jansen stop playing, kainin mo na." matigas na utos ni Nielven sa akin. Excited lang?

"No! Ang sarap ahm..kayang paglaruan." sagot ko naman tsaka hinawakan ulit yun. Ang laki at ang tigas naman ne'to. Grabe, paano ko 'to kakainin? Hindi ko ata kaya, mukhang mabibilaukan ako dito.

Siraulong Nielven 'to kung anu-ano pinapakain sa akin. "Niel hindi ko kayang kainin."

"Just eat." medyo asar na sagot niya.

*iling-iling* "Ang tigas e." ayaw ko talaga.

"Isubo mo na." - siya.

"Malaki masyado." - ako.

"Tss. Sayang naman kung hindi mo maexperience kainin yan." sabi niya ulit.

"Masarap ba talaga 'to?"

"Oo, para sa akin masarap 'pag kinain yan."

Amputs. Kapag ako hindi nasarapan dito.

Hinawakan ko na ulit at dahan-dahang isinubo sa bibig ko.

"Shet! Ang alat!" I blurted out.

Langyang balot yan.

Bwisit. Muntik ko ng maibuga buti nalang inabutan agad ako ng tubig nung lalaking katabi ko dito na mukhang mamamatay na kakatawa. Hmp.

Inirapan ko siya sabay crossed arms. "Tawa ka pa dyan."

"Haha. Priceless kasi itsura mo kanina Labs." Ey? Labs? Naiilang pa din ako 'pag tinatawag niya ako nun. Tae, bat ba kasi naisipan ko na ganun pa ang endearment namin. Huhu

Pinagtripan na naman niya ako. Buong araw kung anu-ano yung exotic na food ang pinakain niya sa akin. Last nga yung kanina, yung maalat na balot.

Bwisit na lalaki, kung hindi ko lang siya mahal. Hehe. Ganito kami ngayon.

Tatlong araw na kasi ang nakakalipas simula nung maging official na mayroong kami ni Nielven.

Sa tatlong araw na yun walang mintis ang pagpunta niya dito sa bahay. Thanks God walang malisya sa iba ang pagpunta niya dito, sakin lang meron. Haha.

Heto kami ngayon sa sofa, hinapit niya ako palapit sa kanya. He hugged me from behind and lean his face on my shoulder. "Labs." tawag niya.

Punyeta, ang lambing ng boses niya. Ane be. "Hmmm." sagot ko habang binubuksan yung laptop na nakapatong sa lap ko. Kahit magkasama kami, nagt-trabaho parin ako. Kailangan ko matapos yung cover bago pa magalit si boss Rio.

"Labs?" aya, tawag naman ng tawag.

"Hmmm." sagot ko while busy pa din sa pagl-laptop.

"Mahal kita, mahal na mahal."

Ghad. Napahinto ako sa paggawa nung narinig ko yun. Ibinaba ko muna yung laptop sa center table pagkatapos ay humarap ako sa kanya.

I looked directly in his eyes, "Mahal din kita Labs. Mahal na mahal sagad!" haha, ang korni ko ba.

"Madaya, talo ako dun. May sagad e."

Tukso ng DugoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon