Kabanata 2

12.5K 114 1
                                    

------------------------------------------------------------------------------------------

Hindi lahat ng hindi lumalaban ay duwag na. Minsan kasi pinili lang talaga nilang manahimik nalang kaysa mayroon pa silang masaktan.

©MrsANO

------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Lahat ng katangahan talaga sinalo ko na. Pakingteyp naman.

Dahil sa tukaan na nangyari sa amin ni Nielven kaya halos walang ibig magsalita sa aming dalawa ngayon.

Sabi na nga ba magiging ganito ka-awkward ang gabi na'to.

I expelled a loud sigh when we're about to enter their house. Juskolord. Eto na po.

Naramdaman kong napatingin si Nielven sa direksyon ko. Ano na namang balak ne'to?

Ilang segundo ang pinalipas ko bago ko sinubukang tingnan siya. Para malaman kung nakatingin ba talaga siya.

And there he was, staring at me. Luh? "Anong tinitingin mo?" tanong ko.kasabay ng pagkamatay ng sasakyan. Nakapasok na kasi kami sa loob.

"Nothing." he replied. Nothing daw,pero bakit papalapit siya sa akin? Sabi na nga ba may binabalak na naman 'tong isang 'to e.

"Nielven wag kang lalapit." banta ko. Iba na naman nas-sense ko dito. Lalo na nung may naglarong mga ngiti sa labi niya.

Shit. "Nielven!" may awtoridad na ang boses ko. Pero parang wala siyang naririnig patuloy parin ang paglapit ng mukha niya sa akin.

Langya, wala atang pinipiling lugar ang kalandian nito. Juskobels, pwede naman mamaya sa kwarto. Haha. Dejoke.

"Oy!"

I protested nung halos one inch nalang ang layo ng mukha niya sakin.

Another breath-taking moment. Ito na naman ang titig niyang nakakalusaw.

Nakipagtitigan lang ako hanggang sa mapadako ang tingin ko sa labi niya.

I saw him smile bago binato ang tingin niya sa kanyang kamay na gumagalaw na papunta sa hita ko? Oh no!

I was about to slap his hand when I realize something.

Hindi sa hita ko dumapo ang kamay niya kung hindi sa seatbelt na suot ko.

Nakahinga ako ng maluwag because of that, akala ko kung ano na naman.
Pagkatapos niyang matanggal iyon ay binuksan ko na agad ang pinto ng kotse at agad lumabas dito. Mahirap na pag nagtagal pa ako dun.

Hindi ko na siya hinintay, nauna na akong pumasok sa.... kusina?

Bigla naman siyang sumulpot sa likuran ko.

"Pfft. Kahit kelan talaga sa kusina ang entrance mo noh?" I heard him chuckle before he passed by. Dumiretso na ang loko sa living room.

Ahm. Totoo naman ang sinabi niya, hindi na ako natama. Lagi kong nakakalimutan na ang pinto sa may garahe ay entrance ng kusina. Ayst.

Hahakbang na sana ako ng mapahinto na naman ako dahil sa mga alaala na biglaan na namang nagflashback sa utak ko.

I was sitting in a steel chair while watching him cooking. Pinangako niya na ipagluluto niya ako pagkauwi kaya pinilit ko siyang ipagluto ako ng paborito kong piniyahang manok.

Halos lahat na ata nasa kanya na e. Pati ang talent sa pagluluto nakuha pa niya. Gising na gising siguro s'ya nung time na nagpapaulan si God ng mga magagandang katangian. Ako kasi tulog nun. Hehe.

Tukso ng DugoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon