Kabanata 24

2.7K 36 1
                                    

Dalawang linggo ang binigay nilang oras para sa akin. At sa loob ng mga linggo na yun ay wala akong ginawa kung hindi ang magkulong sa apartment ko. Umiyak at magmukmok. Grabeng sakit kasi, gusto ko nalang ngang mawala sa mundo.

Ayun, wala din tuloy progress sa project ko. Hindi ko lang kasi talaga kaya, hindi ko kayang magtrabaho ng ganito ang nararamdaman. Lalo na at hindi maiiwasang makasalamuha ko si Nielven. Yung Nielven na pinsan ko ha na kinsabwat ng pinsan niya na si Veniel sa hindi ko malamang dahilan. Ugh? At wala na akong balak alamin. 'Weh? Di nga Jansen?'

Hah! Fine! Oo na, gusto kong malaman kahit alam kong masasaktan ako ng todo. That's what I heard from Eris. Yah, siya ang nagkwento sa akin ng lahat---except the reason why they do that to me.

Tatlong linggo ang kailangan kong hintayin bago niya sa akin ipaalam yun.

Sa kanya ko din nalaman na bestfriend din pala siya ni Nielven, the true Nielven not the fake one huh.

He didn't tell me the truth dahil may plano daw ang magkasabwat na Steal, na hindi niya alam.

Haay. Kung hindi pa sa pagiging padalos-dalos ni Nielven hindi ko malalaman ng maaga ang kagaguhan nila. But I'm not mad at him, alam ko naman na tumutulong lang siya. I'm happy for him and Sandra nga.

Dun lang talaga ako naiinis at galit na galit sa siraulo niyang pinsan! Ugh? That freaking Veniel Fiasco Steal na kinuha sa akin ang lahat...at pinira-piraso ang buong pagkatao ko. *sniff

"You're spacing out and cying again." Rio said while rubbing the tears on my face by his hands.

"Tss. Sabi ng pumapangit ka 'pag umiiyak e. Kumain ka na nga lang ng mami." komento naman ni Eris.

Buti nalang talaga andito silang dalawa. Kung hindi kasi, baka wala na ako sa mundong ito! Kaloka!

Kinuha ko ang inihayag na mangkok ng mami sa harap ko. Sinimulan ko na itong kainin.

"Sigurado kabang papasok kana?" - Eris

"Sigurado kabang kaya mo na?" - Rio

"Hindi tayo nakakasigurong walang Steal sa office." -Eris.

Nagpabalik-balik tuloy ang tingin ko dahil sa pagdudugtungan nila ng sinasabi.

Ngumiti ako...yung pilit. "So, tatlo na pala ang tatay ko ngayon?" I kidded.

"Nakakapagbiro kana ngayon aa. Improving bestfriend! Apir!" sigaw niya sabay high-five sa akin. Tamo 'to nabaliw na naman.

"Bestfriend? Bestfriend your face Mondelez!" singit naman ni Rio. Isa pang baliw.

Heto na naman sila, nagsimula na naman silang magdebate. Ganyan lagi ang eksena nila, hindi na kasi nasanay itong si Rio sa mga kalokohan ni Eris.

"Tama na yan. Sumasakit na naman ang ulo ko ng dahil sa inyo."

Natahimik sila pareho.

"Medicine?" Rio asked me.

"Hindi na, gayak lang ako." tumayo na ako at iniwanan silang dalawa dun sa labas. Bahala nga silang magpatayan dun. Mga baliw! Simula ng nagkandaloko-loko ang buhay ko nabaliw na sila. Ginagawa nila ang kung ano-anung kabaliwan mapatawa lang ako. Hindi ko naman ipagkakaila na natuwa naman ako sa effort nilang dalawa.

Tukso ng DugoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon