Kabanata 27

2.8K 34 1
                                    

Pinagmasdan ko ang libo-libong tao na naghihintay sa aming pagkanta. I can't imagine how this happen in just one fvcking month?

Oh yeah. World tour 'to Jansen, world tour! Kaya bakit ka magtatakha? Sikat na ang RiSen bago ka pa mapasama sa kanila.

Suminghap ako ng nagsimula na sila sa pagtugtog ng intro. Ito na talaga, hinihintay ko nalang kung saan ako papasok.

~~Kailan ba maari ang mali..
Pwede bang magbaka-sakali..~~

Tumayo ang balahibo ko sa pagkanta ng naunang dalawang linya. Hindi ko lubos maisip na yung ginagawa kong kanta....buong pusong pinakikinggan at sinasabayan ng lahat.

~~Sana'y pagbigyan ng tadhana ang aking pasubali..
Na ika'y mapasa-aking muli~~

Dinama ko ang musika. Sana andito siya. Sana naririnig niya. Dahil para lang 'to sa kanya.

~~Hibang man matatawag ang umasa.
Masakit man na mayroon kang iba.
Ako'y mananatiling sa'yo, hindi magiging para sa iba..~~

Shit. Hindi ko na napigilan ang pagiyak. Bumuhos na naman ang lahat ng ala-ala. I've been forgetting those mem'ries for almost three months. But nothing change and it can't be change. Kahit ano pa ang gawin kong paglimot wala yung magagawa.

Akala ko makakatakas na ako sa sakit. Ngunit mali, hindi lang ako nasaktan...worst ako na ang may nasasaktan.

Nginitian ako ni Eris to cheer me up. First time kong sumama ng concert tapos iiyak-iyak ako dito? WTF! Nakakahiya.

Humarap siya sa akin at hinawakan ang aking kamay.

~~Kahit gaano katagal.
Libo-libo mang dangkal.
Pag-ibig ko'y ikaw.
Oh nag-iisa ka aking mahal..~~

"Are you tired? Hatid na kita sa kwarto?" nagaalalang tanong ni Eris. Tapos na yung concert namin, andito lang sila nakatambay sa veranda ng tinutuluyan naming suite dito sa Canada.

Umiling ako. "Kaya kong lumakad papasok sa kwarto Eris. Hindi mo na ako kailangan pang ihatid." malamig kong tugon. Unang buwan ay sa Japan kami, nung pangalawa sa Singapore at dito nga sa ikatlong buwan. Actually last gig na yung kanina kaya nagc-chill nalang sila. Dahil bukas babalik na kami sa Pilipinas. Ang pinakakatakutan ko sa lahat.

Nakaramdam ako ng bagyang kirot sa puso ko. The. Pain. Is. Still. There. Pero hindi na katulad ng dati, nabawasan na ito.

"Shot mo na." alok sa akin ni Pio.

"Tss. Sagot ko siya." epal naman ni pusa.

Inagaw ko ulit sa kanya yung whiskey na kinuha niya kay Pio at mabilis kong nilagok.

"Great!" masayang sigaw nila na nakapagpangiti sa akin.

"Yeah." inirapan ako ni Eris. "Just great." sarkastiko niyang sabi. Ang init ng ulo nito sa akin lagi. "Ano na namang ginawa ko Mr. Mondelez?" mataray kong sambit. Narinig kong nagtawanan ng mahina si Pio at Gen habang tumikhim si Rex.

"Easy guys. Simula nung umalis tayo sa pinas naging aso't pusa na kayo." sabi ni Rex.

"Damn it Rex!" matigas na sabi ni Eris bago tuluyang umalis. Sa palagay ko panalo na naman ako. Panalo ako lagi sa halos araw-araw naming pagtatalo.

Sabi nga niya 'sobrang tigas na ng ulo mo ngayon Jansen' matigas? Anong ulo? Wala ata ako nun. Haha.

Napailing nalang ako sa pagkahigh blood nung bestfriend kong pusa. Hindi ko na kayang magmatigas dahil wala na siya. Simula ng nadesisyon akong umalis at iwan siya naging malambot na ako, marupok. Haay.

"Hindi ka makatulog?" naramdaman ko ang pagharap ni Eris sa akin. Nakahiga na kami.

"Hindi. Huwag mo akong intindihin, matulog kana." sagot ko. Narinig ko ang pagsinghap niya. "Fine, matulog kana din. Ilang oras nalang aalis na tayo." malamig niyang tugon.

Totoo nga ang sinabi ni Eris.Madaling araw nga ng tumulak kami paalis. Mahaba ang byahe pero halos ilang oras lang ata ang tulog ko. Hindi ako mapakali, hindi ko alam kung bakit kinakabahan ako.Natatakot? Natatakot na pagkarating ko doon ay bumalik lahat ng sakit. Lahat ng naramdaman ko bago ko iwan ang bansa.

Para akong nanlalamig habang papalabas ng airport. Is there someone waiting for me? Of course wala. Asa kapa Jansen.

Sumakay kami sa coaster ng banda. Una akong id-drop sa condo ko sa Makati. Naging tahimik ang byahe pauwi. Mukhang pagod lahat.

Bumaba ako agad pagkahinto ng sasakyan. Kinuha naman ni Eris yung mga gamit ko.

Hindi na ako umangal nung siya na ang nagdala nun paakyat sa unit ko. Nung makarating kami ay agad kong kinuha ang maleta sa kanya. "Salamat. Ingat kayo." hinigit niya ako palapit. Marahan niyang hinalikan ang noo ko.

"Kung may kailangan ka, tawagan mo lang ako. Huh? Stubborn hard-headed girl." bulong niya bago ako pakawalan. "Bye. Pahinga ka agad." dagdag pa niya at tsaka tuluyang umalis.

Wala akong Deon na naabutan sa bahay. Siguro kila mama yun ngayon. I get my phone and dialled his number.

[Hello!] Mukhang gulat ang kapatid ko.

"Oh hello? Napatawag ka?" sabi ko.

[Ayst. Ate naman. Ikaw naba talaga yan?]

"Hindi konsensya ko lang 'to." sagot ko tsaka humagalpak ng tawa.

[Langya! Nasa Pinas kana nga, nambabara ka na e.]

"Haha. Saan ka? Gabi na gumigimik ka pa ata?" rinig ko kasi ang ingay at tugtog sa paligid niya.

[Nasa bar kami, kasama ko si Kuya Nine, Ate Linny at Jonah. Tara dito 'te?]

Napataas agad ang kilay ko. "Why would I? Pagod ako sa byahe Deon." na totoo naman.

[Sige na? Chill lang tayo. Palapit na sa peak ang party. Punta kana dito. Text ko kung saan. Bye!]

Aangal pa sana ako pero pinatay na niya. Mabilis kong natanngap yung message. Hanggang sa wala na akong nagawa. Naligo muna ako bago pumunta sa bar na sinabi ni Deon.

Pagdating ko ay halos nasa peak na nga ang party. Nagsisiksikan na ang mga tao sa dance floor. Natanaw ko agad si Linny na naka-red na tube dress. Ngumisi siya ng nakita ako.

"Oh ba't mag-isa kana lang dito girl?" Umupo ako sa sofa kung nasaan siya.

"Busy sila." sigaw niya dahil medyo malakas ang music. Hinanap ng mata ko ang mga pinsan ko, at nakita kong umiindayog na sila sa awit ng musika. Si Jona at Deon ang magkasayaw habang si Nine ay may tatlong babae na nakaaligid at sinasayawan siya.

Kailan pa sila natutong gumimik? At bakit dito sa Manila? They go all the way from Baler para magbar?

Tumikhim ako ng may lalaking lumapit kay Linny. May binulong siya na nakapagpatawa sa pinsan ko. Infairness, gwapo at chinito.

Tumayo ako upang um-order ng maiinom sa counter. "Margarita please." sinunod naman ako agad nung bar tender. Kinumportable ko ang sarili sa isang high chair. Mamaya na ako makikisaya sa kanila.

Sumisim ako sa inumin pagkaserve nito. Iginala ko pa ang paningin ko sa buong lugar sabay tayo, baka sakaling may kakilala ako dito para naman mas okay diba?

Then, someone get my attention. Pinadausdos niya kasi ang kamay niya sa bewang ko. Kinilabutan ako agad dahil isa lang naman ang kilala kong mahilig gawin 'yon.

Nanlaki ang mata ko ng makita ang lalaking nakakapit sa akin. Shit! Halos kumawala ang kaluluwa ko ng dahil dun.

"N----"

"Hi Jansen!" Shit! Nanginig ang buong sistema ko.

@MrsANO

Tukso ng DugoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon