Kabanata 6

7.3K 74 1
                                    

------------------------------------------------------------------------------------------

Ang puso may sariling pinto. Maraming kandado pero iisa lang ang nagmamay-ari ng susi nito.

©MrsANO

-------------------------------------------------------------------------------------------------

"Arrrghh!!"

Nagising ang diwa ko sa lakas ng pagring ng phone ko. Bakit ba lagi nalang ganito? Always nalang nabubulabog ang masarap kong tulog dahil sa mga hinayupak na tumatawag!

Hindi ba nila alam na alas tres na ng umaga ako nakatulog dahil sa kaka-wechat namin ni Nielven. Ayst.

Padabog kong kinapa yung phone ko na nakapatong sa side table, nakakahiya naman kasi ang aga-aga tumatawag.

Hindi ko na tiningnan kung sino man siya. Basta asar ako. Nakakatamad magmulat ng mata, kaya sinagot ko ng nakapikit.

"HELLO!" sinigawan ko para mas dama niya yung asar ko.

Tss. Wala namang nagsasalita, nant-trip ata 'to at talagang ako pa binibwisit niya. "Kung wala kang magawa sa buhay---

[ I wanna make you smile whenever you're sad. ]

Yung mata kong tamad na tamad na dumilat automatic na bumukas nung marinig ko kung sino yung kumakanta.

[ Carry you around when your arthritis is bad. ]

Yung kaninang naghihimutok kong utak biglang kumalma.

[ Oh all I wanna do is grow old with you ]

Tapos yung simangot sa mukha ko napalitan ng ngiti. Letse kang Nielven ka! Shete! Umayak na ata lahat ng dugo ko sa mukha dahil sa sobrang kilig.

[ I'll get your medicine when your tummy aches

Build you a fire if the furnace breaks

Oh it could be so nice, growing old with you. ]

Punyeta, nagpapagulong-gulong na ako sa kama dahil hindi ko mapigilan kiligin habang patuloy siya sa pagkanta. Hindi rin ako makapagsalita, tae.

[ I'll miss you

Kiss you

Give you my coat when you are cold

Need you

Feed you

Even let ya hold the remote control

So let me do the dishes in our kitchen sink

Put you to bed when you've had too much to drink

I could be the man who grows old with you

I wanna grow old with you. ]

"Langya ka Nielven ba't ganyan ka? Grabe ang tamis." singit ko habang kumakanta siya.

Pero imbes na sagutin niya yun, dinagdagan pa niya yung sweetness. Takte.

[Goodmorning Labs. I love you so much.]

Tapos ako feel na feel ko naman. Haha. Inlove e. Ane beh.

Sasagot na sana ako ng iloveyou too kaso tinuloy niya ang pagkanta.

Tukso ng DugoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon