Simula

34K 208 7
                                    

Oh my shetness. Come on get higher please. Konti nalang, itaas mo pa.

Malapit ko ng makita yung ano mo. Kyaaa~~ Yung. Ghad, taas pa. Ayan, sige pa. Taas mo pa. Taas m--------

"Lintik naman miss. Kung wala kang balak na sagutin, patayin mo.nalang." walang habas na sigaw nang lalaking katabi ko sa bus.

Ang dyosang ako kasi, sa sobrang pagod at pagkakatulog sa ganda ng panaginip ay hindi na narinig ang cellphone kong kanina pa nagr-ring.

Ikaw ba naman managinip na naghuhubad sa harap mo yung crush mong korean guy, hindi sumarap ang pagkakatulog mo.

Pero dahil nabitin ang panaginip ko. Patay ka sakin. Makikita ko na dapat ang abs ni Kim Jaejoong kaso umepal ka.

Kunyari wala parin akong narinig. Hindi ko pinansin yung mokong na nagrereklamo sa akin. I love bullying kaya.

*ring-ring-ring*

"P*tragis naman. Bingi ba'to?!" komento niya ulit na talagang ikinatuwa ko. Hehe. Oops. Tama na nga yan. I'm already 21 years old pero ang pant-trip ko hindi parin maalis.

Umarte ako na parang kagigising lang na actually ay totoo naman. Haha

*yawn* "Kuya ano pong sabi mo?" walang kagana-gana kong sagot.

"Tss. Yung cellphone mo miss kanina pa nagr-ring. Kung ayaw mo sagutin pakipatay please lang nakakarindi." Aba't ang arte neto, pangbest actor ang peg ng koya mo.

"Aaah..so you mean papatayin ko 'pag ayaw kong sagutin?" he nodded.

"Kutsilyo?" sabi ko sabay lahad ng palad ko sa kanya.

"Anong gagawin mo sa kutsilyo? Nababaliw ka naba miss?" Aba! Loko talaga. Ako baliw? Hell no!

"SABI MO KASI PATAYIN KO! TAPOS NGAYONG NANGHIHINGI AKO NG GAMIT PARA MAPATAY 'TO TATAWAGIN MO PA AKONG BALIW! BWISIT!! PARA NGA MANONG!! BABABA NA AKO!! AYOKONG SUMAKAY SA BUS NA MAY MAARTENG PASAHERO BAKA SA HALIP NA CELLPHONE AY ITONG LALAKING 'TO ANG MAPATAY KO!!"

Syempre, acting lang yun. Napansin ko na kasing malapit na ako sa kanto na dapat bababaan ko. Haha. Gumawa lang ng eksena sa bus ang lola mo.

Nagmamadali akong lumabas ng bus para mailabas na din ang tawa ko. Hahaha. Laughtrip yung itsura nung lalaki. Priceless. Hahaha.

"Jansen!" isang boses na may awtoridad ang nakapagpatigil sa tawa ko.

"Rio? Ba't ka---" hindi ko na natapos ang pagtatanong dahil kinaladkad na ako agad ng lalaking 'to.

Ako nga pala si Jansen Estrella at itong highblood na kumakaladkad sakin papunta sa apartment ko ay si Rio Farr. Workmate kami, pero mas mataas ang rank niya sa akin.

He stopped when we reach my room. "Open the door, I want to talk to you." sabi niya.

Naku? Magkasama lang kami kanina tapos kakausapin niya ako? Kaya nga ako umuwi ng maaga para matakasan siya at----Aww! Patay! Humarap ako kay Rio na nakasandal sa wall habang hinihintay akong buksan ang pinto.

"Andito ka kasi iniwan kita?"

"Yes."

Aww. Sinasabi ko na nga ba e. I opened the door and put my things on the center table.

Sermon na naman nito. Haay.

Umupo siya sa sofa na katapat ng inuupuan ko. "What's your reason of leaving me there at the office? Buong akala ko andun ka pa tapos wala na pala.You'll always make me looks like a fool. Sen why?"

Tukso ng DugoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon